7 Dahilan Kung Bakit Ka Laging Na F-Friendzone
By Lis7avengers
Ngayong palapit na ang Filipino-American Friendship Day, alalahanin natin ang pitong dahilan bakit hindi natutuloy sa mabungang pagmamahalan ang iyong mga da moves at nananatili ka sa friend zone!
1. Ang labo mo kasi, pre! Baka naman hindi malinaw sa type mo na type mo nga siya talaga. Mahirap kasing mag-assume! Mas mabuti na i-clarify ang iyong balak. Lakasan ang loob at magbigay ng single, meaningful rose o di kaya i-harana mo siya in private. At the very least, sabihan mo siya ng “I really really really really really really like you,” kahit sa text lang. Mag-isip na ng creative na da moves para ipakita at sabihing gusto mo siya!
2. Masyado kang ma… ba… gal. Maraming naghihintay ng “perfect timing” o ng lakas ng loob bago ibahagi ang nilalaman ng puso. Marami na ring naunahan ng ibang Casanova o napagsawaan ng pinapahintay niyang crush. Don’t wait too long! Life is short. Kung hindi ka aamin ngayon, kailan pa? Ika nga ni Jordan, JUST. DO. IT.
3. Puro na lang group HOHOL. Uso pa ba ang torpe ngayon?! ‘Wag naman laging group date! Ok lang iyon kung sa simula ngunit para alam niya na siya’y natatangi sa iyong puso, yayain siya sa one-on-one HOHOL. Pag-successful, yayain mo na mag… date!
4. Masyado ka yatang mabait… sa lahat. Mahalaga na alam niyang special siya sa iyo. Kung mabait (o malandi) ka sa kaniya pero mabait (o malandi) ka rin naman sa iba, hindi na ‘yan aasa at maghahanap na ng iba. Hindi ba’t, we all want to feel special?
5. Hindi ka nagpapa-miss. Hindi porke’t may unlimited text ka ay itotodo mo na ang pangungulit sa crush mo. Nakaka turn-off rin ang umaapaw na messages, lalo na kung wala naman siyang oras mag-reply. Magparamdam ka paminsan-minsan at kung madalas ang reply niya sa iyo, ay doon ka na makipag-converse. Kung hindi, baka i-block ka lang ni future-beh.
6. Takot ka sa “touch barrier.” Isa sa kaibahan ng pagiging friends at more-than-friends ay ang touch barrier. Dapat respetuhin ang personal space ng iyong tinitipuhan, pero kung may opening naman ay subukan mong i-holding-hands! Simulan ‘in private.’ Kung unahin mo in public, baka mapahiya ka lang sa harap ng mga tao. LOL.
7. Hindi ka niya type. Masakit man tanggapin, minsan, hindi lang tayo ang type ng ating type. Ok lang iyan! Ganoon talaga. At least alam mo na. Huwag ka na mag-aaksaya ng panahon at pera. ‘Wag na rin mag-aksaya ng luha! Sabayan na lang si Beyonce, “To the left! To the left!”
Na-friend zone ka na din ba? Kung oo, for sure nakarelate ka sa Lis7ahan na ito. I-share mo na rin sa amin ang mga experiences mo, at maging contributor sa next na friendzone Lis7ahan ng Lis7avengers! Mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!
Recent Comments