go negosyo

NEGOSYO, NOW NA!: Patok na snacks sa Pangasinan

Mga kanegosyo, katuwang ng mga Negosyo Center sa pagtulong sa micro, small at medium enterprises ang tinatawag na microfinance NGOs.

Kabilang dito ang CARD-Mutually Reinforcing Institutions (CARD-MRI), na siyang pinakamalaking microfinance institution sa bansa.

Nagpapautang ang CARD-MRI ng puhunan sa mga nais magsimula ng negosyo nang walang kolate­ral at sa mababang interes.

Mayroon na silang iba’t ibang sangay sa Pilipinas, na makikita sa kanilang website na www.cardmri.com.

***

Isa sa mga natulungan ng CARD-MRI ay si Erlinda Labitoria, isang dating empleyado ng post office sa Makati at may-ari ng ‘Crunchies Snacks Products’.

Katuwang ang asawa na isang security guard para sa isang abogado, itinatawid nila ang panganga­ilangan ng pamilya.

Subalit kahit anong trabaho ang gawin ng mag-asawa ay hindi pa rin sapat ang kanilang ­kinikita para sa gastusin sa bahay, lalo na sa pag-aaral ng mga anak.

Kaya nagpasya ang mag-asawa na umalis sa kani-kanilang mga trabaho at gamitin ang makukuhang separation pay para magtayo ng sariling negosyo.

Unang sinubukan ng mag-asawa ang pagtitinda ng chichacorn sa kanilang lalawigan sa Pangasinan.

Noong una, maganda ang takbo at maayos ang kita ng negosyo. Subalit dahil kulang sa kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo at ng pananalapi, nabangkarote ang maliit na kabuhayan ng mag-asawa.

Habang sinisikap makabangon mula sa kabiguan, nalaman ng mag-asawa ang CARD Inc., kung saan nakakuha siya ng maliit na puhunan para makapagsimulang muli.

Kasama ng puhunan, naturuan din si Aling ­Erlinda ng tamang pagpapatakbo ng negosyo at paggamit ng salapi.

Dala ang bagong pag-asa at kaalaman, tumutok naman ang mag-asawa sa mga produktong pam­pasalubong, gaya ng banana chips.

Mismong si Aling Erlinda ang nagluluto at nagbabalot ng mga ibinebentang produkto ngunit tumulong na rin ang asawa sa pagpapatakbo ng negosyo nang dumami ang demand para sa banana chips.

Bilang dagdag na tulong, kinuha ni Aling ­Erlinda ang ilang kapitbahay para tumulong sa kanyang ­negosyo.

Dinagdagan ni Aling Erlinda ang ibinebentang produkto ng mani, chips, chichacorn at maraming iba pa.

***

Sa kasalukuyan, ang ‘Crunchies Snacks Products’ ang isa sa pinakamabentang pampasalubong ng mga turista na mabibili sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon kay Aling Erlinda, pumapalo sa P20,000 hanggang P30,000 ang kanilang benta kada araw ­habang P100,000 naman kung may mga aktibidad gaya ng Panagbenga sa Baguio City.

Dahil sa negosyo, nakabili na si Aling Erlinda ng pangarap na kotse at malapit nang matapos ang pinapagawang sariling bahay.

Napag-paaral din ni Aling Erlinda ang mga anak, na ang dalawa ay balak sumunod sa kanilang yapak bilang entrepreneur.

Para kay Aling Erlinda, panibagong pag-asa ang ibinigay sa kanya ng CARD Inc. na ngayon ay kanyang tinatamasa pati na ng kanyang pamilya.

***

Mga kanegosyo, para sa mga detalye tungkol sa CARD MRI, bisitahin ang kanilang website sa www.cardmri.com at www.cardbankph. com

NEGOSYO, NOW NA!: Pag-asa ng mga balikbayan

Mga kanegosyo, bukas na ang Negosyo Center sa Minalin sa lalawigan ng Pampanga.

Matatagpuan sa mismong munisipyo ng Minalin, ang Negosyo Center ay naitatag sa kabutihang loob ni Mayor Edgardo Flores and DTI Region 3 Director Judith Angeles.

Isa ang munisipali­dad ng Minalin sa may pinakamalaking potensiyal sa pagnenegosyo sa Pampanga. Kilala ito sa mga palaisdaan ngunit napakaraming posibleng negosyo na maaaring simulan sa lugar.

Sa tulong ng Negosyo Center, inaasahan ko na lalo pang magiging ­aktibo ang pagnenegosyo sa Minalin at sa mga kalapit nitong bayan gaya ng Sto. Tomas, Apalit at ­Macabebe.

Maliban sa Minalin, mayroon din tayong Negosyo Centers sa San Fernando, San Simon at sa Angeles City na handang magsilbi sa mga Cabalen nating MSMEs.

Ngayong 2017, asa­han pa ang mas mara­ming Negosyo Centers, hindi lang sa ­Pampanga, kundi sa iba’t ibang ­bahagi ng bansa.

Layunin ng Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Ang Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.

***

Nasa Region 3 na rin lang ang ating pinag-uusapan, mula naman sa Negosyo Center sa ­Balanga, Bataan ang tampok nating kuwento ng tagumpay.

Pagkatapos ng ilang taong pananatili sa Estados Unidos, nagpasya ang mag-inang Jo­celyn Roman Domingo at ­Crizel na bumalik sa Pilipinas noong 2015 at magtayo ng negosyo sa kanilang lalawigan sa Bataan.

Eksakto namang kabubukas lang ng Negosyo Center sa Balanga, Bataan, na siyang kauna-unahan sa Central Luzon, kaya may nahingian ng tulong ang mag-ina

Sa kanilang pakiki­pag-usap sa mga tauhan ng Negosyo Center, nabanggit ni Aling Jocelyn na nais niyang magtayo ng restaurant sa kanyang bayan sa Pilar.

Agad siyang isina­ilalim ng business counselor sa isang ­one-on-one business ­consultancy at tinulungan sa pagpapa­rehistro ng pangalan ng kanyang planong negosyo.

Dito na nagsimula ang White Coco Restaurant.

Habang ­pinoproseso pa ang business ­permit, pinag-aralan naman ng mag-ina kung anong pag­kaing Pilipino ang kanilang itatampok sa restaurant.

Maliban pa rito, suma­ilalim din ang mag-ina sa dalawang seminar – ang Current Good Manufacturing Practices (CGMP) at World Class Customer Service Experience (WOW) kung saan nakakuha sila ng mahalagang kaalaman na magagamit sa restaurant.

Ilang buwan matapos lumapit sa Negosyo ­Center, nagkaroon ng soft opening ang restaurant ng mag-ina, na makikita sa Poblacion, Pilar, Bataan.

Habang nasa soft opening pa ang restaurant, kinuha ng mag-ina ang pulso ng mga customer sa mga putahe na kanilang inihain, gaya ng kare-kare, bulalo, pinakbet at spring chicken.

Sa huling pakikipag-ugnayan ni Aling Jocelyn sa mga katuwang natin sa Negosyo Center-Bataan, maayos na ang takbo at maganda na ang kita ng White Coco Restaurant.

***

Ang mga seminar at training ay mahalaga sa paglago ng isang negosyante.

Dito, makakakuha ka ng tamang gabay at payo na iyong magagamit sa maayos na pagpapa­takbo ng negosyo, kaalaman sa mga sistema at tamang diskarte sa tuwing may mararanasang problema.

Kaya mga kanego­syante, ugaliing ­dumalo sa mga seminar na inia­alok ng Negosyo Center.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa http://www. bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Patok na brand sa UP

Mga kanegosyo, nakapagbukas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng ­tatlong Negosyo Center sa lalawigan ng Batangas noong 2015.

Matatagpuan ang mga ito sa mga siyudad ng Batangas, Lipa at Ta­nauan.

Noong 2016, ­tatlo pang Negosyo Center ang nadagdag sa munisipalidad ng Bauan, Rosario at Nasugbu sa tulong na rin ng kani-kanilang local government units (LGUs).

Ngayong taon, ­plano ng DTI-Batangas na mag­tayo ng dagdag pang Negosyo Center sa ibang mga ­munisipalidad upang mapalawak ang pagtulong sa micro, small at medium enterprises sa lugar.

Food processing ang karaniwang negosyong makikita sa Batangas, kabilang dito ang kapeng barako, tapang baka, tableya, alak, kakanin, banana chips at pastillas.

Sa dagdag na Negosyo Center sa lalawigan, mas marami pang mali­liit na negosyo ang matutulungang umasenso.

Layunin ng ­Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na mag­lagay ng Negosyo Center sa bawat munisipa­lidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa. Ito ang kauna-unahan kong ­batas bilang senador noong 16th Congress.

***

Ayon sa DTI, umuusbong na sa maraming bahagi ng Region 4B – na kinabibilangan ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon — ang mga negosyong may kinalaman sa kasuotan at iba pang pang-araw-araw na gamit, gaya ng T-shirt, jacket, sombrero at ­payong.

Isa rito ang ­Upbeat Merchandise, ang kauna-unahang distributor at retailer na pinayagang gamitin ang opisyal na logo ng University of the Philippines (UP) sa mga ibinebenta nitong produkto.

Pag-aari ni Jan ­Excel Cabling, sinimulan niya ang negosyo noong 2011 dala ang layunin na maging pangunahing brand pagdating sa mga produktong may kina­laman sa UP sa lahat ng mga sangay ng pambansang unibersidad.

Sa una, mabagal ang naging takbo ng negosyo ni Jan dahil na rin sa limi­tadong merkado.

Nakakuha ng mala­king break si Jan nang magbukas noong 2015 ang Negosyo Center sa Los Baños dahil isa siya sa pinayagang mag-display ng mga produkto sa loob ng tanggapan nito.

Sa tulong ng Negosyo Center, napalapit sa komunidad ng Los Baños ang kanyang mga produkto. Resulta, umakyat ang order para rito at lumakas ang kanyang benta.

Pumatok din ang kanyang mga produkto sa mga estudyante ng UP Los Baños at mga empleyado ng gobyerno at pribadong kumpanya sa iba’t ibang lalawigan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang branch ang Upbeat Merchandise sa UP Diliman at nagsimula na ring mag-isip si Jan ng ibang produkto maliban sa T-shirt at jacket.

Mayroon na ring student distributors si Jan mula sa iba’t ibang campus ng UP, maliban sa UPLB at UP Diliman.

Para kay Jan, mahalaga na magkaroon ng orihinal na konsepto o ideya ang isang negosyo para magtagumpay at ito ang patuloy na sinusunod ng Upbeat Merchandise.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa ­inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Hindi lang pang-negosyo, pang-legal pa

Mga kanegosyo, mali­ban sa mga isyung may kinalaman sa negosyo, nahaharap din ang ating micro, small at medium enterprises sa mga problemang legal.

Mula sa isyu ng business permit hanggang sa mga regulasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, maraming kinakaharap na isyung legal ang ating MSMEs.

Madalas, ang mga maliliit na negosyante ay walang kakayahang magbayad ng abogado para ikonsulta ang ganitong uri ng problema.

Ang nakakalungkot, may mga okasyon na ang problemang ganito ay nagiging hadlang sa pagsisimula ng isang negosyo o ‘di kaya’y dahilan ng pagbagsak ng kanilang ikabubuhay.

***

Pero hindi na kaila­ngang mag-alala pa ang ating mga kanegosyo dahil malapit na ring magbigay ng tulong legal ang mga Negosyo Center sa buong bansa.

Ito’y matapos pu­mirma sa isang kasunduan ang Department of Trade and Industry Regional Operations Group (DTI-ROG) sa MyLegalWhiz, isang online-based l­egal platform na makapagbibigay ng tulong legal sa ating MSMEs.

Sa MyLegalWhiz, maaaring magtanong ang business counse­lors sa Negosyo Centers ng impormasyon na may kinala­man sa batas ng Pili­pinas at magpatulong sa paggawa ng mga kontrata na kailangan ng MSMEs.

Ayon kay MyLegalWhiz founder Atty. Dexter Feliciano, malaking tulong para sa kanila ang pagsilbihan ang libu-libong entrepreneurs sa pamamagitan ng Negosyo Centers.

Ang grupo ay mara­ming abogado na makatu­tulong sa pagsagot sa napakaraming isyung legal na kinakaharap ng MSMEs.

Umaasa ang grupo na mabibigyan ng sapat na kaalaman pagdating sa mga isyung legal ang ating MSMEs na makatutulong sa kanilang matagumpay na pagnenegosyo.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Nasa 425 na tayo!

Mga kanegosyo, maganda ang pagsasara ng taong 2016 pagdating sa ating adbokasiyang tulungan ang micro, small and medium enterprises sa bansa.

Sa huli naming pag-uusap ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Mon Lopez, ibinalita niyang nasa 425 na ang Negosyo Centers sa buong Pilipinas.

Nahigitan pa nito ang unang pangako sa atin ng DTI na 420 Negosyo Centers bago matapos ang 2016.

Napakagandang bali­ta nito lalo pa’t sa pagtatapos ng 2014, nasa lima lang ang naitatag na Negosyo Center, na karamihan ay pinopondohan pa ng pribadong organisasyon.

Ngayong regular item na ito sa budget ng DTI, unti-unti nang natutupad ang hangarin ng Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Ang Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.

***

Ilang beses na nating nabanggit sa kolum na ito na isa sa mga hadlang sa pagnenegosyo ay ang kawalan ng pagkukunan ng capital.

Ganito ang problema ni Romel Canicula, may-ari ng Southeastern Fiber Crafts, na gumagawa ng Geonets mula sa coco fiber.

Nagsimula ang ope­rasyon nito noong 2011 may 3 decora­ting m­achine operators, 12 t­winers at 6 weavers.

Subalit dahil sa limi­tadong kapital, mabagal ang naging pag-angat ng kumpanya.

Ito ang nagtulak kay Romel na lumapit sa Negosyo Center sa Camarines Sur at humingi ng tulong para sa dagdag na kapital.

Sa tulong ng Negosyo Center at Small Business Guarantee Finance Corp (SB Corp), nabigyan si Romel ng pautang na P800,000 na walang kolateral bilang dagdag sa kanyang puhunan.

Sa pamamagitan naman ng Shared Service Facilities (SSF) program ng DTI, nabigyan naman ang mga supplier ni Romel ng 130 twining machines at 65 units ng steel handlooms.

Maliban pa rito, tinu­lungan din ng Negosyo Center si Romel pagdating sa marketing at iba pang diskarte sa pagnene­gosyo.

Ngayon, mula sa 10,000 square meters, umakyat ang produksiyon ni Romel patu­ngong 30,000 square meters ng geonets kada buwan noong 2015.

Sa inisyal na 12 t­winers, umakyat na ito patungong 130 habang mayroon na siyang 65 weavers mula sa dating anim. Umabot na rin sa siyam na barangay sa munisipyo ng Malinao ang produksiyon ni Romel.

Dahil sa tagumpay na ito ni Romel, tinanghal siya bilang Bicolano Businessman of the Year sa Halyao Awards 2015 sa Naga City.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Business counseling at packaging design sa Negosyo Center

Mga kanegosyo, bukas na po at handa nang magsilbi ang Negosyo Center sa Angeles City, na matatagpuan sa Angeles City Satellite Office sa Robinson’s Mall sa Balibago.

Ang bagong Negosyo Center ay magkatuwang na pinatatakbo ng DTI at lokal na pamahalaan ng Angeles.

Kamakailan din, binuksan ang isa pang Negosyo Center sa siyudad ng Malabon. Ito ay matatagpuan sa city hall ng nasabing siyudad.

Sa ganitong takbo, tiwala ako na maaabot ang target ng Department of Trade and Industry (DTI) na 420 Negosyo Centers bago matapos ang 2016.

Ang paglalagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa ay bahagi ng Republic Act no. 10644 o ang Go Negosyo Act, ang aking kauna-unahang batas bilang senador.

***

Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay sa Negosyo Center ay ang business counseling o pagbibigay ng tamang payo sa mga magsisimula ng negosyo.

Isa sa mga tumata­yong business counselor ay si Carlo Dizon, na nakabase sa Negosyo Center sa Tarlac City, na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Anita Bldg., Zamora St., San Roque, Tarlac City.

Sa kuwento ni Carlo, isa sa kanyang mga natulungan ay ang Justin & Hans’ Chocolate House na pag-aari ni Josie Velasco.

Noong una, nagtungo lang si Aling Josie, na tubong San Miguel sa lalawigan ng Tarlac, sa Negosyo Center para humingi ng schedule ng trade fairs kung saan maaari niyang ipakita at ibenta ang mga produkto niyang tsokolate.

Noong 1992 pa pala nagbebenta si Aling Josie ng mga produktong tsokolate, tulad ng chocolate roses, maliliit na chocolate houses at kendi ngunit ngayon lang niya natutukan nang husto dahil nag­retiro na siya sa trabaho.

Humingi ng tulong si Aling Josie kay Carlo, na business counselor sa Negosyo Center, kung paano niya maipakikilala ang produkto sa iba’t ibang mga tindahan, lalo na sa mall.

Batay sa mga sample ng produkto na ibinigay kay Carlo, nakita ng business counselor na marami pang puwedeng gawin upang mapaganda ang packaging ng mga ito.

Bilang designer, gumawa si Carlo ng bagong logo at bagong disenyo ng balot para sa mga produkto, na agad namang sinunod ni Aling Josie.

Ayon kay Carlo, maka­lipas ang isang linggo ay nakatanggap siya ng text mula kay Aling Josie na nagsasabing nakipag-meeting siya sa isang negosyante na may flower shop sa SM City Tarlac.

Ikinuwento pa ni Aling Josie na pumayag ang may-ari ng nasabing flower shop na mag-supply siya ng 120 bote ng tsokolate kada buwan.

Hindi pa rito natapos ang tulong na ibinigay ni Carlo dahil hanggang ngayon, patuloy pa ring bumibisita si Aling Josie sa Negosyo Center upang makakuha ng bagong ideya sa pagnenegosyo.

Ito’y para naman sa hangarin ni Aling Josie na maipakilala pa ang produkto sa mas malaki at bagong merkado.

***

Ang pagnenegosyo ay parang pag-aalaga ng isang bata, na kailangang bigyan mo ng tamang gabay upang lumaking maayos at matagumpay.

Sa pagnenegosyo, mahalagang makakuha tayo ng tamang payo mula sa mga taong may sapat na kaalaman sa pagnenegosyo upang mas mabilis ang ating pag-unlad.

Maliban sa tamang gabay, mahalaga rin na mabigyang diin at matutukan ang kahalagahan ng packaging at disenyo upang magmukhang professional at kaakit-akit sa mga mamimili at kliyente ang ating produkto.

Mayroon rin namang mga magagaling na designer na handang tumulong at magbigay ng payo upang mapaganda ang ating produkto at packaging.

NEGOSYO, NOW NA!: FabLab ng Bohol Negosyo Centers tagumpay (2)

Mga kanegosyo, sa nakaraan nating kolum, tinalakay natin ang mga natamong tagumpay ng mga lumapit sa dalawang Negosyo Center sa lalawigan ng Bohol.

Sa huling bilang, nasa 4,000 na ang natulungan ng dalawang Negosyo Center sa FCB Main Branch Bldg., CPG Avenue at sa kapitolyo ng lalawigan, na parehong makikita sa Tagbilaran City.

Ang paglalagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa ay bahagi ng Republic Act no. 10644 o ang Go Negosyo Act, ang aking kauna-unahang batas bilang senador.

Isa sa mga susi ng tagumpay ng Bohol Negosyo Centers ay ang kauna-unahang digital fabrication laboratory o FabLab sa Pilipinas na makikita sa Bohol Island State University (BISU).

Ang FabLab ay nakatutulong sa entrepreneurs sa pagdidisenyo ng kanilang mga ideya sa negosyo gamit ang makabagong fabrication machines, tulad ng 3D printer, laser cutter, printer at cutter.

***

Isa sa mga natulungan ng FabLab ay ang Bohol Dairy Producers Association (BoDPA), isang grupo na nakabase sa munisipalidad ng Ubay at kilala sa produkto nilang gatas ng kalabaw.
Maliban sa gatas ng kalabaw, nais ng asosasyon na dagdagan ang kanilang produkto kaya nagtungo sila sa FabLab.

Sa FabLab, nabuo ang ideya na gumawa ng sabon galing sa gatas ng kalabaw. Maliban sa paggawa ng milk soap, tinulungan din sila ng FabLab na magdisenyo at gumawa ng hulmahan para sa nasabing sabon.

Dito na nagsimula ang Ubay Milk Soap, na ibi­nebenta na sa iba’t ibang tindahan sa Bohol.
Nakikipag-usap na rin ang BoDPA sa Department of Tourism (DOT) upang maibenta ang produkto sa mga tindahang malapit sa tourist destinations ng bansa.

***

Kamakailan lang, nagbigay din ng seminar ang DTI sa FabLab sa ilang kababaihan mula sa 15 barangay ng Tagbilaran City para sa paggawa ng raw materials para sa craft at souvenir items mula sa tuyong dahon.

Kabilang sa mga itinuro sa kanila ay ang leaf board making o paggawa ng kahon mula sa mga tuyong dahon.

Ang mga nalikhang kahon ay gagamitin na package ng isang lokal na produkto ng tsokolate sa Bohol — ang Ginto Chocolates.

Ang Ginto Chocolates ay kilalang luxury chocolate na sinimulan ni Dalariech Polot, na tubong Bohol.

Ang mga magulang ni Dalareich ay nagtitinda ng tablea sa Bohol. Dito nila kinuha ang panggastos sa araw-araw na pa­ngangailangan kaya naging mahalagang parte ng buhay ni Dalareich ang tsokolate.

Noong 2014, napili siyang mag-aral sa Ghent University sa Belgium kung saan natuto siya mula sa pinakamagaling na chocolatiers sa mundo.

Pagbalik niya sa Pilipinas, sinimulan ni Dalareich ang Ginto Choco­lates, na ngayo’y isa sa mga kilalang brand ng luxury chocolate sa mundo.

***

Mga kanegosyo, sa ngayon ay mayroon nang 400 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa na handang tumulong sa mga nais magnegosyo.

 Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: 400th Negosyo Center

Mga kanegosyo, binuksan noong ika-22 ng Nobyembre ang Negosyo Center sa Marikina City.

Espesyal ang nasabing Negosyo Center dahil pang-400 na ito sa buong Pilipinas, dalawang taon mula nang maisabatas ang Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act.

Espesyal ang Go Negosyo Act dahil ito ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress. Ito’y bahagi ng aking adbokasiya na tulungan ang micro, small and medium enterprises sa buong bansa.

***

Naipasa ang Go Negosyo Act noong kalagitnaan ng 2014. Nang matapos ang taong iyon, limang Negosyo Center ang ating naitatag, na karamihan ay pinopondohan pa ng pribadong organisasyon.

Nang maisama na sa pambansang budget ang pagtatayo ng Go Negosyo, nasa 144 ang nadagdag dito noong 2015 at mahigit 200 ngayong 2016.

Ngayon, regular item na ito sa budget ng Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga susunod na taon ay matutupad na ang hangarin ng batas na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

***

Bunsod ng mabilis na pagdami ng Negosyo Center, marami ang nagtatanong kung ano ba ang sikreto ng tagumpay ng programang ito.

Isa lang ang sagot ko. Matagumpay ang Negosyo Centers dahil sa tuluy-tuloy at matibay na pagtutulu­ngan sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo kasama na ang pribadong sektor.

Dahil maayos ang batas, may pondong inilaan para rito ang lehislatura, batay na rin sa kahilingan ng ehekutibo.

Sa parte naman ng DTI, buong-buo ang kanilang pagtanggap sa Negosyo Center at ginawa nila itong isa sa kanilang prayoridad na programa.

Sa pamamagitan ng Negosyo Center, mayroon nang frontline service ang DTI na tutugon sa panga­ngailangan ng micro, small at medium entrepreneurs.

Sa tulong ng 400 Negosyo Centers, may pupuntahan nang sentro ang ating mga maliliit na negosyante para makahingi ng tulong, kahit saan pa sila sa bansa.

***

Maliban sa tulungan ng dalawang sangay ng pamahalaan, susi rin sa tagumpay ng Negosyo Centers ang pribadong sektor at non-government organizations na walang pagod na tumutulong sa ating MSMEs.

Masaya naman tayo sa ibinalita ng DTI na aakyat sa 420 ang bilang ng Negosyo Centers bago matapos ang 2016.

***

Nagpapasalamat din tayo sa suporta ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa pagtatayo ng Negosyo Center sa kanyang siyudad.

Ayon kay Mayor Marcy, malaki ang maitutulong ng Marikina Negosyo Center upang mapalakas pa ang industriya ng sapatos kung saan tanyag ang siyudad.

Maliban pa rito, sinabi ni Mayor Marcy na malaki rin ang magiging papel ng Negosyo Center sa mga estudyante ng entrepreneurship sa Pamantasan ng Marikina.

Bukas din ang Marikina Negosyo Center sa mga negosyante mula sa mga kalapit siyudad na nais humingi ng tulong upang mapalago pa ang kanilang ikabubuhay.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Tagumpay sa FabLab ng Bohol Negosyo Centers

Mga kanegosyo, binuksan sa kalagitnaan ng 2015 ang dalawang Negosyo Center sa lalawigan ng Bohol.

Ang isang Negosyo Center, na pinatatakbo ng Department of Trade and Industry (DTI), ay makikita sa ikalawang palapag ng FCB Main Branch Bldg., CPG Ave­nue sa Tagbilaran City.

Ang ikalawa naman ay nakaposisyon sa kapitolyo ng lalawigan na matatagpuan din sa Tagbilaran City.

Sa huling ulat ng DTI, halos 4,000 na ang natulungan ng dala­wang Negosyo Center sa pamamagitan ng seminar, konsultasyon, marketing, product development, pautang at marami pang iba.

Ang dalawang Negosyo Center ay nakakonekta sa kauna-unahang digital fabrication laboratory o FabLab sa Pilipinas na makikita sa Bohol Island State University (BISU).

Ang FabLab ay nakatutulong sa entrepreneurs na maidisenyo ang kanilang mga ideya sa negosyo, tulad ng produkto, gamit ang makabagong fabrication machines, tulad ng 3D printer, laser cutter, printer at cutter.

Ang FabLab ay nakatulong na sa maraming entrepreneurs na lumapit sa ating mga Negosyo Center sa Bohol.

***

Una na rito ang Children’s Joy Foundation ni Aling Evelyn Vizcarra, na lumapit sa Negosyo Center upang humingi ng tulong sa pagpapaganda ng packaging at labeling ng kanyang produktong pagkain.

Isa sa mga payo na ibi­nigay ng Negosyo Center kay Aling Evelyn Vizcarra ay pagdalo sa Food Packaging and Labeling seminar.

Sa seminar, pinayuhan din si Aling Evelyn na magtungo sa FabLab. Agad namang inasikaso ng mga lokal na designer ang bagong disenyo ng balot at label ng mga produkto ni Aling Evelyn.

Ngayon, agaw-pansin na ang mga produktong ibinebenta ni Aling Eve­lyn sa mga lokal na tindahan dahil sa magandang disenyo ng FabLab.

***

Isa rin sa mga natulu­ngan ng FabLab ay Canda­bon RIC Multi-Purpose Cooperative.

Lumapit ang koo­peratiba sa Negosyo Center upang humanap ng solusyon sa produksiyon ng kendi.

Problemado ang koope­ratiba dahil ang plastic na molde ay dumi­dikit sa kendi. May pagkakataon din na nagkakaroon ng crack ang molde at ang maliliit na piraso nito ay sumasama sa sangkap ng kendi.

Sa tulong ng FabLab, nakagawa sila ng moldeng gawa sa silicon na nagpabilis sa kanilang produksiyon mula 500 piraso patungong 1,000 kendi kada-araw.

Maliban pa rito, naiwasan ang aksaya sa sangkap at gumanda pa ang hugis ng kanilang kendi.

***

Mga kanegosyo, ang Republic Act 10644 o ang Go Negosyo Act ay ang una nating batas noong 16th Congress.

Itinatakda ng Go Negosyo Act ang paglalagay ng Negosyo Center sa lalawigan, siyudad at munisipalidad sa buong bansa na siyang tutulong sa micro, small at medium enterprises (MSME).

Sa huling bilang ay 400 na ang Negosyo Centers sa buong bansa na handang tumulong sa ating micro, small at medium enterprises.

 Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Scroll to top