Transcript: Excerpts from Sen. Bam’s interview with PRIB media
Q: Iyon pong sinasabing nag-o-organize sila ngayon ng People Power?
Sen. Bam: Of course, karapatan ng bawat Pilipino iyan. Iyan naman ang ipinaglaban natin noong 1986 na magkaroon ng demokrasya ang taumbayan. Lahat naman tayo libre na sabihin ang nasa loob ng ating puso.
In fact, most Filipinos do that now online. So kung iyan talaga ang pakay na magkaroon ng isang rally para i-voice out ang kanilang nasa saloobin, and that’s their right.
At the end of the day, we’re hoping na hindi na tayo magka-coup kasi ang isang coup, that would set us back by so many years. Ang arangkada ngayon ng ating ekonomiya, sayang naman kung magkaka-kudeta tayo. Mas makakagulo pa.
I think right now, and ito rin iyong nasa isip ko habang nag-hi-hearing kami sa Senado, hanapin natin ang hustisya para sa ating kapatid na kapulisan. Let’s look for justice. Ilabas ang katotohanan, siguraduhin natin ang mga pamilya nila na naaalagaan and of course, iyong mga perpetrators and combatants, hulihin.
At the end of the day, iyon pa rin iyong nasabi ni Gen. Espina, iyong ang nasabi ni Gen. Napenas, na hinahanap nilang hustisya para sa namatay na kapulisan. I think, in the Senate, we’re doing our best to be able to achieve those objectives.
Q: Kailangan pa ba ng dagdag na hearing?
Sen. Bam: That’s up to the chairperson. But I think yung hearings nakakatulong sa taumbayan. Noong unang lumabas ang isyung ito, marami talagang misinformation na lumalabas. Marami ring na-publish at marami ring napag-usapan sa media na after the hearings nalaman nating hindi totoo.
I think the hearings are very helpful in terms of bringing out the truth. Saka ang taumbayan natin nakikita nila kung ano talaga ang nangyari.
Makikita mo naman sa hearing, unfiltered iyan. Kung ano ang nasa isip at nasa puso ng resource speakers, whether from the AFP, from the PNP at mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, malaya naman silang magsalita at ilabas ang kanilang iniisip.
Q: Sir ano sa tingin niyo ang mga questions na left unanswered?
Sen. Bam: We are undergoing our executive sessions right now. We’re hoping that after the executive session, all of these questions will be answered. We did agree na maglalabas ng statement ang chairperson after all executive sessions are finished at hindi pa tapos.
Q: Bakit ipinatigil sa House ang hearing? Was it intended to save the President from further embarrassment?
Sen. Bam: To be honest, wala akong impormasyon regarding why the House finished that. That’s their business. Dito naman sa atin, wala pa naman kaming pinag-uusapan na tatapusin basta basta. In fact, we’re in the middle of our hearings right now. Kaya lang at this point, executive session tayo.
Q: Without discussing the specifics of the executive sessions, bakit umabot ng apat na oras si Napenas?
Sen. Bam: Of course, may mga tanong at marami rin kaming nagtatanong. So I’ll leave it at that.
Q: Even after three hearings, ganun pa rin karami ang tanong?
Sen. Bam: I don’t really want to discuss kung ano ang nasa loob ng executive session but let’s leave it at that. Maraming tanong, maraming nagtanong. Unlike in the open hearing, doon naman malaya kaming magtanong at magkaroon ng follow-up questions din.
Q: May mga sagot ba sa executive session na puwedeng ibulgar sa public?
Sen. Bam: Wala pa pero after we finished, pagkatapos ng pangatlong executive session natin today. Kung tapos na talaga ang executive session, the committee will come out with a report kung ano ang mga puwedeng ilabas sa publiko.
Q: After Napenas kahapon sir, all questions nasagot na niya?
Sen. Bam: All questions para sa kanya.
Q: Kung di puwedeng i-discuss sa iba, kayo-kayo lang nakakaalam na mga senators?
Sen. Bam: Don’t forget na iyong pinaka-output nito is committee report na magbibigay ng recommendations. At iyong recommendations will go the appropriate agencies, whether ito iyong investigating body o sa korte.
Q: Kailangan na bang magsalita si P-Noy sa kanyang role sa Mamasapano?
Sen. Bam: Ang pinagtatakhan ko nga, noong last public address niya, inako na niya ang responsibilidad. Sinabi na niya I’m responsible for this, I’m the commander in chief at nasabi na rin niya na iyong output nito, which of course, ang pagkamatay ng mga kasama sa kapulisan, dadalhin na niya iyan hanggang sa mamatay siya.
Everytime na may nagsasabi na hindi niya inaako ang responsibilidad, nagtataka ako dahil doon sa statement niya, inako niya iyong responsibilidad. I’m not sure what else he needs to say. He said it’s his responsibility. He owned up to it already.
Responsibility, accountability. Hindi ko alam kung ano pa ang hinahanap ng mga bumabatikos sa kanya. Inako na niya iyon. Now with regard to legalities or liabilities, that what agencies are for. Kung ano iyong iniimbestigahan nila. But with regard to taking accountability and responsibility, palagay ko he already admitted that. Nasabi na niya iyon sa kanyang public address and that was just few days ago.
Q: Kung kayo, kailangan pa ba ng isang hearing?
Sen. Bam: I think ang taumbayan natin, may mga impormasyon na kailangan silang marinig mula sa resource speakers, at hindi mula sa amin. Palagay ko, magkakaroon pa kami ng isa pang public hearing but it’s really up to the chairman to decide.
Q: Sir iyong sa BBL, ano po ang gusto niyong amyendahan?
Sen. Bam: Even before the Mamasapano incident, marami sa aming mga senador, gustong maglagay ng amendments para mas mapaganda iyong batas o mas maging mayaman iyong batas natin.
For example, may mga indigenous peoples group na lumapit sa atin noon, hindi lang sa akin kundi sa marami pang senador, na nagre-request na maglagay ng probisyon safeguarding the rights of indigeous peoples in the Bangsamoro autonomous areas. Balak ko talagang ipasok iyon.
Hopefully, dito sa nangyari sa Mamasapano, I would expect na pag natuloy na ang BBL hearings natin, I’m sure marami sa mga kasama ko, magsa-suggest ng ways to improve or ways to safeguard the Bangsamoro Basic Law in the future.
Q: Iyong executive session, may mga naging part na posibleng makaimpluwensiya sa madali o mas matagal ng suliraning ito?
Sen. Bam: Hindi lang sa executive session kundi sa buong nangyari. Itong nangyari, kailangang maresolba muna, ano ang nangyari talaga, ano ang katotohanan, sino iyong mga kailangang managot sa nangyaring ito and they have to be brought to justice.
Mahirap i-tackle iyong BBL kung iyong mga bagay na iyan, left hanging pa rin. Hindi pa rin naso-solve.
Because of what happened sa Mamasapano, malaki talaga ang epekto niyan sa BBL. I’m hoping iyong concerns ng taumbayan, iyong concerns ng maraming cause-oriented groups, masagot talaga.
We still need to push for peace pero kung kinakailangang baguhin, i-amend o tingnan ulit ang BBL, kailangan siguro talagang gawing iyon.
Matagal ko na ring panawagan iyon. Iyong mga taong pumatay, iyong mga taong gumawa ng heinous act, gumawa ng summary execution, kailangang madala sila sa hustisya, kailangang dumaan sa tamang proseso.
From there, we go to the BBL na meron na tayong mga puwedeng i-enhance sa BBL o mayroon tayong puwedeng baguhin doon na mas magiging malakas pa iyong batas na iyan at mase-safeguard pa ang pangamba ng maraming tao tungkol diyan.
Q: What happened to the Truth Commission?
Sen. Bam: The House did not go for it. So di siya matutuloy. At the end of the day, I think we’re able to bring out the truth in our Senate hearings.
It should have been a law. Batas kasi ang bubuo noon. Ang counterparts namin sa Kongreso, hindi na ito itutuloy. They basically said, idaan na lang sa hearing.
The Speaker had suggested just a joint committee hearing instead. But then, hindi rin natuloy iyon, naging separate congressional hearings na lang.
At least, iyong assessment ko, iyong Senate hearings naman natin, nakakapaglabas naman ng katotohan. I’m personally satisfied with the openness of the hearings. Iyong mga tanong diretsahan. Iyong mga sumasagot, nakakasagot naman.
Q: May lumalabas na isyu na tumulong ang US sa planning, strategy and extrication ng sundalo. Hindi ba kailangang i-subject sa investigation ng Senate iyon?
Sen. Bam: Noong tinanong iyan kay Gen. Napenas, he requested na pag-usapan nila iyan sa executive session. By later today, the committee may have some statement.
Q: Nire-require pa po ba ang MILF leadership sa executive session?
Sen. Bam: That’s really up to the committee to invite them or not. Ang alam kong naka-schedule today are two other generals.
Q: Ano ang masasabi niyo sa mga pulis na pumasok sa mga pulis na pumasok para hulihin si Marwan?
Sen. Bam: Matapang talaga sila and they accomplished their mission. I think, iyon ang isang bagay ang nakakalimutan ng maraming tao. Namatay sila doing their service, namatay sila making this world a better place. Nakakalimutan ng maraming tao.
Alam ko other senators felt failure ang nangyari but ako pero personally I commend them. In fact I have a resolution commending hindi lang ang namatay kundi pati na rin iyong mga nabuhay.
Kasi they accomplished their mission. Talagang they risked their lives for the country.
Alam niyo si Marwan, siya ang responsible sa Bali bombings. He is also responsible for hundreds of deaths dito mismo sa Pilipinas. They accomplished their mission. They did a good job.
As we know, iyong nangyari very unfortunate, talagang tragic. May mga namatay at iyong mga taong responsable diyan on both sides kailangang managot.
Q: Isa-suggest niyo ba sa komite na mag-ocular sa pinangyarihan?
Sen. Bam: Hindi pa po napapag-usapan ang suggestion na iyan. Right now, wala pa namang nagsa-suggest but if the chairperson feels na ang susunod doon, I will go with them. Pero sa ngayon hindi pa napag-uusapan iyan.
Q: At this point, may nakikita kayong grounds o grievances para i-demand ang ouster ng Pangulo?
Sen. Bam: No. I mean, think about it. Ouster, napakabigat noon. Ouster, that’s an extra-constitutional act. Napakabigat niyan. Kailangan tayong magtiwala na may proseso naman tayong puwedeng mag-resolve ng issues na ito.
I understand, emotions are very high pero at the end of the day, ang hinahanap pa rin natin ay iyong magiging maganda sa ating bansa. I think an ouster, which means a coup, will bring us back so many years.
Siyempre iyong democracy tayo, kung ano ang gustong sabihin ng isang tao, nasa kanya iyon. I may not agree with you pero ipaglalaban ko ang karapatan mo na sabihin ang nasa loob mo. That’s the democracy that we fought for.
Q: So di made-destabilize ang administration?
Sen. Bam: For destab kasi, kailangan mo ng kapulisan, kailangan mo ng army, kailangan mo ng mass-based support. I’m hoping we can resolve all of our issues through the proper government processes and through proper judicial processes, hindi na kailangan ng extra-constitutional means.
Recent Comments