Sponsorship Speech of Sen. Bam Aquino on PRESENT Bill
It is my honor and privilege to stand before you today to sponsor Senate Bill No. 2210 under Committee Report No. 24, otherwise known as the Poverty Reduction Through Social Enterprise or PRESENT bill
It is my honor and privilege to stand before you today to sponsor Senate Bill No. 2210 under Committee Report No. 24, otherwise known as the Poverty Reduction Through Social Enterprise or PRESENT bill.
The objective o f this measure is to empower our marginalized sectors and provide them with the proper infrastructure where they can get the right opportunities to grow and progress. We need to create an environment where they can stand on their own, and be able to fully participate in our economy and our society. These conditions are to be inclusive and fair, where individuals and communities are able to think o f new ways o f solving ever-growing complex problems of poverty and injustice.
Sa kabila po ng nababalitang economic growth, marami p a rin tayong kailangang gawin para maibahagi natin ang growth na ito sa ating mga kababayan. Tinatayang may 2.969 milyong Pilipino ang walang trabaho ngayong taon, at dagdag pa dito ang mga nagsipagtapos na mga estudyante noong nakaraang buwan sa mga walang trabaho. Paano nila masasabing umuunlad ang bansa samantalang makikipagbuno sila sa pagha- hanap ng trabaho upang makatulong lang sa kanilang mga pamilya? Paano nalin matu-tulungan ang aling maliliit na negosyanle, ang mga tindera sa palengke, ang mga may-ari ng sari-sari store, mga magsasaka at mangingisda upang mapalago ang kanilang kinikita upang lalong masustentuhan nila ang kanilang mga pamilya?
Kaya’t, mga kaibigan, kailangan ay patulay tayo sa ating pagtugon upang malagpasan po nalin ang ating mga pagsubok at kahinaan.
If we are to take on the challenge to join in the movement to decrease our poverty rate, bridge the big divide between the rich and the poor, and be able to spread the wealth to more Filipinos, there is a need for us to think of creative and innovative solutions to address inequality in our country.
Kailangang bigyan ng pantay-pantay na pagkakataon at access sa trabaho at kapital para umangat ang estado at quality of life ng lahat ng Pilipino.
Through the Poverty Reduction through Social Enterprise or PRESENT Act of 20 14, the existing Micro, Small and Medium Enterprise Development (MSMED) Council, which is attached to the Department of Trade and Industry (DTI), shall be strengthened and expanded to become the National Enterprise Development Council or NEDC to effectively spur the growth
A social enterprise, or SE, is a social mission-driven organization that conducts economic activities o f providing goods and services directly related to its primary mission of improving the well-being of the poor and marginalized sectors. Ang pangunahing motibo ng mga Social Enterprise ay tulungan ang mga komunidad na masolusyonan ang kanilang deka-dekadang problema ng kahirapan gamit ang mga makabagong modelo sa pagnenegosyo at sa pagsugpo sa kahirapan.
The NEDC will develop and implement a comprehensive program that will progressively improve the lives and economic situation of the poor and the marginalized. It shall identify strategic economic subsectors with the potentials for growth, considering where the poor are concentrated so they can playa major role in their own development. In the process, it shall identify key SEs and resource institutions as partners in providing transactional and transformational services towards poverty reduction. SEs shall be developed as vehicles to ensure that the poor benefit the most from the sustainable subsector development.
DTI shall establish a center where it will implement policies, plans and programs that will promote social enterprise initiatives, and identify sources of financing for the social enterprise sector for enterprise incubation, start-up and expansion.
It will provide capacity building and sustain- ability programs, supported by a Social Enterprise Development Fund (SEDF).
It will also provide research and development services for poverty reduction and assistance for the market expansion of social enterprises in both domestic and foreign markets.
The bill encourages the establishment o f more social enterprises by promoting greater access to appropriate financing and insurance mechanisms, and providing greater participation in public procurement.
With this Act, we do not just aim to support one or two social enterprises but we wish to develop a social enterprise sector engaged in poverty reduction in our country.
Alam po ninyo, bago ako naging senador, ako ay naging isang social entrepreneur.
Sa programa po namin noon na “Hapinoy,” tinulungan namin ang mga nanay na may-ari ng mga sari-sari store na mapalaki ang kanilang negosyo.
Ang lokohan nga po nila, noong panahong iyon, ay hindi naman sa sari-sari store, kundi sara-sara store dahil sa mga balakid na naranasan nila sa pagnenegosyo.
Ngunit sa pamamagitan ng dagdag na training at mentoring, wastong pagpapautang at market linkage, dahan-dahang lumago ang kanilang mga negosyo.
At pagkatapos ng ilang taon, ang mga nanay na mismo ang siyang naging mga trainor ng aming mga programa. Sila mismo ang nagbahagi ng kanilang mga success stories para ma-inspire at matulungan ang ibang mga nanay.
Hindi lamang umunlad ang kanilang negosyo, nabigyan din sila ng kumpiyansa sa kanilang sarili, at sa kanilang pinaghirapan no kabuhayan.
Noong nakaraang linggo naman po, bumisita kami sa San Jose, Nueva Ecija para makipagkwentuhan sa Kalasag Farmers Producers Cooperative. Sila po ang ating mga magsasaka ng sibuyas doon sa Nueva Ecija.
Sa aming kwentuhan, nabanggit nila na dati raw, pana-panahon ang presyo ng kanilang sibuyas. Hindi pa sigurado kung may bibili ng kanilang ani. Kaya hirap na hirap silang iangat ang kanilang kabuhayan pati na rin ang kalagayan ng kanilang pamilya.
Ngunit nagbago ang kanilang buhay nang mai-ugnay sila sa isang malaking kumpanya dito sa Maynila na nangangailangan ng malaking order ng sibuyas.
Tinulungan po sila ng isang NGO na nagsilbing social enterprise. Ang pangalan po noon ay Catholic Relief Services na konektado po sa simbahan. lnorganisa po sila, tinuruan ng makabagong paraan ng pagsasaka, nabigyan ng access sa capital, at higit sa lahat, tinulungan silang magbenta ng kanilang mga produkto sa mas malaking merkado.
Lumaki po ang kanilang kita, nabigyan ng trabaho ang kanilang mga kapitbahay at nabigyan ng marangal na buhay ang kanilang pamilya.
Ngayon po, noong nagkuwentuhan kami noong isang araw, napag-aaral na raw nila ang kanilang mga anak hanggang college, napasemento na nila ang kanilang mga bahay at nakapaghuhulog na sila para mabayaran ang isang tricycle para sa kanilang pamilya. At siyempre, noong kami ay mag-aalisan na at magkokodakan na, naglabasan ang kanilang mga smart phone at tablet at kita namang may asenso na sila ngayon.
Ito po ang layunin ng PRESENT Act – na bumuo ng mas maraming organisasyong magpapatupad ng mga makabago at modernong solusyon na tutugon sa kahirapan.
Let us empower our poor communities and bring pride to themselves by helping them realize how integral they are in the inclusive growth goals of our country.
Recent Comments