BIDA KA!: Boses ng kapayapaan
Naging mabunga ang aming pag-uusap ni Gen. Orense, lalo pa’t pareho ang aming pananaw ukol sa nangyaring kaguluhan sa Maguindanao.
Sa gitna ng ingay ng all-out war kasunod ng brutal na pagpatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force, nangibabaw ang paghingi ng kapayapaan ni Gen. Orense, na ilang beses na ring nadestino sa Maguindanao sa mahaba niyang military career.
Gusto kong mabigyang pansin at marinig ng marami ang pananaw na ito ni Gen. Orense. Kaya ibabahagi ko sa inyo ang ilang parte ng aking pagtatanong sa kanya.
***
Sen. Bam: I get it po. Maraming cases na gumana po ang inyong mekanismo. Kanina, General, during all of these questions nakikita ko po iyong mukha ninyo.
Nakikita ko na kayo ang hurt na hurt sa mga salita. I saw you. I’m giving you a chance to speak. Do you still believe in your mechanism? Iyong mekanismo po ba ninyo ay gumagana at ito po ba’y nakakahuli ng mga terorista sa ating bayan?
Gen. Orense: “Yes your Honor, definitely po. Iyon nga lang po, I was making faces because if the committee will allow me. Dito po ako lumaki sa career ko. I was a young lieutenant in Maguindanao, I became the battalion commander in Maguindanao and a brigade commander in Maguindanao. Now, I am an assistant division commander in Maguindanao. I spent my Mindanao assignments in Maguindanao.
“Kumbaga, Sir, I have seen the evolution of peace and war. Magmula po noong dumating ako rito, grabe po ang mga giyera roon. Then I saw also the grassroots, kung ano po ang sitwasyon on the ground.
“Now na nagkakaroon na tayo ng katahimikan sa lugar natin, nakikita na rin po natin iyong buhay ng ating mga kababayan sa grassroots, lalo na po iyong nasa marshland, nagbabago na po.
“Pati noong ako’y brigade commander, iyong mga tao doon sa Barira, Maguindanao, Matanog, dati po iyong mga iyan, kapag nakakikita ng sundalo, nagtatago. Pero pagka dumadaan na po kami at that time, sumasaludo po sila at pumapalakpak.
“What I am saying is, Sir, we have actually invested a lot for peace. The mechanisms in place are actually working and we’re trying hard to make it work.
“And hopefully, in the near future, maaayos na po natin ang sitwasyon na ito. Mahaba pa pong proseso pero sa amin pong mga kasundaluhan, sa amin po sa AFP, we’re trying to be instruments of peace.”
Sen. Bam: And yet naniniwala ka pa rin na kaya nating makabalik sa daan tungo sa kapayapaan?
Gen. Orense: “Yes your Honor.”
Sen. Bam: Why do you believe, after everything po na nangyari, marami hong namatay, maraming mga questions na nire-raise, maraming doubts na nilalabas, why do you still believe, ikaw mismo na nandoon sa Maguindanao for so many years, nakipagbakbakan na, ngayong ikaw ang nandiyan sa AHJAG, why do you believe that we can still achieve peace?
Gen. Orense: “Sa hirap at sa dami po ng nabuwis na buhay, sa properties na nawala, sa kasiraan po ng lugar natin sa Maguindanao, hopefully po, ako’y nananaginip siguro na nangangarap na ang ating mga kababayan sa Maguindanao dapat po talaga umangat.
“Kami pong mga sundalo, ayaw po namin ng giyera. Kung sino po ang pinakaayaw ng giyera, kami pong mga sundalo dahil kami po ang nasa frontline.
“Marami pong magte-testify on that, even General Pangilinan sir, lumaki po siya sa Jolo. Doon po siya lumaki sa Mindanao so kami po ayaw namin ng giyera dahil alam po namin, mamamatay din kami, maaaring kami po ay mamatay pero ang masakit po, mamamatay rin po ang aming kapwa Pilipino.”
***
Pagkatapos naming i-post ang video ng aming pag-uusap ni Gen. Orense sa aking Facebook account, nakakuha na ito ng mahigit 45,000 views, 1,500 likes, halos 3,000 shares at 400 comments sa huling bilang.
Sa ngayon, ito na ang pinaka-popular na post sa aking Facebook account. Marahil, mga Bida, marami pa ring Pilipino ang humihingi ng kapayapaan sa gitna ng panawagang all-out war sa Mindanao.
Kahit si Gen. Orense ay nag-iwan din ng mensahe sa aking Facebook page. Ang sabi niya:
“Senator Bam, Sir, thanks for sharing my sentiments. My sentiments are basically the sentiment of the soldiers of Mindanao who are for peace, peace that will bring development and security to the people of Central Mindanao and the whole island. Mabuhay ka, Mr. Senator! God bless po!”
Gen. Orense, kaisa ninyo kami sa hangarin ninyong kapayapaan sa Mindanao. Saludo ang buong bansa sa inyo at sa lahat ng sundalong Pilipino!
First Published on Abante Online
Recent Comments