#lemonlaw #cars #philippinelemonlaw #substandard #consumerrights

Republic Act No. 10642: Philippine Lemon Law

Nais ng Philippine Lemon Law na protektahan ang karapatan ng mamimili, lalo na ang mga bumibili ng sasakyan.

Sa idyoma ng Kanluran, ang pagbili ng isang lemon ay pagbili ng isang substandard na sasakyan.

Ang coverage ng batas ay para sa mga sasakyang nai-deliver sa loob ng 12 buwan o mga sasakyang may tinakbo hanggang 20,000 km.

Kapag ang parehong depekto ay hindi nagawa ng kasa hanggang sa ikaapat na beses, papalitan ang sasakyang binili o ibabalik ang perang ipinambili.

Ang mga hindi kasama sa coverage ay ang mga sasakyang hindi sinunod ang obligasyon sa warranty, mga pagbabago sa sasakyan na hindi pinayagan ng dealer,naabusong sasakyan, o mga sira sa sasakyan dahil sa aksidente o kalamidad.

Sa batas na ito, ang binayaran ng mamimili ay masusulit, mapoprotektahan ang consumer at ang industriya mula sa substandard na produkto at maitutulak ang kalidad sa mga sasakyan.

 

PDFicon DOWNLOAD RA 10642

 

 

Scroll to top