leni robredo

Bam on alleged impeachment plot vs President Duterte

Transcript of media interview

 

Firstly, there’s no such plot. I think a number of us said that already.

Para sa akin, the leader of our party is a member of his Cabinet. So it’s something I think that they’ll probably have to talk about.

 

Q: Magkakaroon ba sila ng private conversation about it?

Sen. Bam: You can ask the VP but alam ko, she’ll try to clarify things with him tomorrow.

 Nagulat din ako when he said that, obviously we’re here, we’re supportive of Sen. Pimentel and we’re supportive of the reforms that his departments are trying to push.

 So, clearly for me there’s really no plot. I don’t know where he got his information but more importantly, again, the leader of our party is a member of his Cabinet.

 Maganda siguro mapag-usapan din nila iyan bukas.

 

Q: Wala kayong alam na any member who is planning to file any impeachment complaint?

 Sen. Bam: No. Not at all. We never even talked about it. We were all kind of surprised when he said that statement so I think there really needs to be a clearing of the air with him.

 Kailangang klaruhin talaga sa kanya and if there’s any misinformation that he’s been getting, dapat maging malinaw iyon. I think it’s good kasi pag-uusapan nila ni Vice President Leni.

 

Q: Ano ang posisyon ngayon sa LP ni VP Leni?

 Sen. Bam: We’re undergoing some transitions but usually kasi after elections, there’s a new set of officials. That doesn’t happened yet but as the highest member in our party, she’s the leader of our party.

Bam on appointment of VP Leni Robredo as HUDCC chairperson

We welcome President Duterte’s appointment of Vice President Leni Robredo as HUDCC chairperson.

 Ang posisyong ito ay akma sa malawak na karanasan ni VP Robredo sa pagtatrabaho kasama ang mahihirap, lalo na iyong walang masisilungan.

 Umaasa tayo na ang pagtalaga kay VP Robredo sa isang mahalagang posisyon sa pamahalaan ay hudyat ng umpisa ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa para sa kapakanan ng mahihirap.

 It is our honest desire to serve fellow Filipinos, specially the poorest of our countrymen, that will drive the Philippines forward and allow us to shed our personal alliances and interests.

 
Sen. Bam was VP Leni Robredo’s campaign manager in the 2016 elections

Bam: Love for country and public service will unite Duterte, Robredo

Despite their political differences, Sen. Bam Aquino is convinced that President Rodrigo Duterte and Vice President Leni Robredo will eventually work together for the sake of the Filipino people.

“Everyone has a hangover from the campaign. Very soon, the burden of governance will sober everyone up,” said Sen. Bam after attending the oath-taking ceremony of Robredo in Quezon City.

 “Kapag kaharap mo na ang mga problema sa education, poverty, employment – really serious issues – that’s the time the divisions we saw during the elections should start to fade away. You get to realize that if you really want this country to move forward, you need to work with everyone,” he added.

Sen. Bam is hoping that when the burden of governance sets in, the issue of political partisanship will be put on the back burner and focus will shift on moving the country forward. 

 “The important thing is how to move the country forward and not on where we came from and who we supported in the last elections,” Sen. Bam said.

Sen. Bam said it is better to start concentrating on what’s important, and that is “fulfilling our mandate and fulfilling all of the promises to the people”.

Sen. Bam Aquino was Vice President Leni Robredo’s campaign manager and is expected to head the Senate Committee on Education in the 17th Congress of the Philippines.

 

BIDA KA!: VP Leni Robredo

Mga Bida, naiproklama na noong Lunes ng Kongreso, bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.

Nais kong ipaabot ang mainit na pagbati sa bagong pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte at bise presidente na si Leni Robredo.

Ang tambalang ito ang magsisilbing gabay ng bansa sa tatahakin nitong landas sa susunod na anim na taon kaya kailangan nila ang ating buong suporta upang magtagumpay.

***

Bilang campaign manager ni VP Leni, masasabi nating napakatamis ng kanyang panalo sa katatapos na halalan.

Maliban sa ito’y isa sa pinakamahigpit na tunggalian sa kasaysayan pagdating sa posisyon ng bise presidente, hindi biro ang aming pinagdaanan ilang buwan bago nagsimula ang kampanya.

Sa mga nakalipas nating kolum, nabanggit natin ang mga hamon na aming kinaharap ni VP Leni sa simula ng labang ito.

Isa sa pinakamalaking hamon noon ay kung paano makikilala si VP Leni. Bago niya tinanggap ang hamon, nasa isang porsiyento lang ang ating rating, kulelat sa anim na kandidato sa pagka-bise presidente.

Bukod dito, problema rin namin noon kung saan kukuha ng pondong gagamitin sa pagpapakilala at pag-iikot sa buong bansa.

***

Subalit hindi namin inalintana ang mga pagsubok na ito. Sa halip, ginawa namin itong “people’s campaign” kung saan ang magdadala sa amin ay ang suporta ng taumbayan.

Naging susi sa aming kampanya ang pagbaba ni VP Leni sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magpakilala at iparating sa mga nasa laylayan ng lipunan ang kanyang mensahe ng pag-asa.

Sa tulong nito, unti-unting nakilala ng publiko ang katauhan ni VP Leni, ang kanyang pinagmulan, mga nagawa at mga gagawin pa para sa kanilang kapakanan.

Sa walang pagod na pag-iikot ni VP Leni, nagsilbi siyang inspirasyon sa aming mga tagasuporta at volunteers na pag-igihin pa ang trabaho at tumulong sa pagpapakalat ng kanyang mis­yon na iangat ang mga nasa laylayan na mahalaga sa kanya at sa yumao niyang asawa na si Sec. Jesse Robredo.

Pinatakbo natin nang totoong “people’s campaign”, na kahit iba-iba ang pagkilos, ay tumahak pa rin tungo sa malinaw na layunin na mauuwi sa panalo. Ngayon, tapos na ang kampanya at naiproklama na si VP Leni ngunit hindi pa rito natatapos ang kanyang laban, pati na ng kanyang mga tagasuporta.

Dito pa lang magsisimula ang anim na taong laban ni VP Leni upang mapaganda ang kalagayan ng mahihirap, tulad ng kanyang ipinangako sa atin.

Tiwala tayo na ang nabuong pag-asa at tiwala sa kanyang kampanya ay maipagpapatuloy niya sa pagganap ng tungkulin bilang pangalawang pangulo ng bansa.

BIDA KA!: Boto Ko, Leni Robredo

Mga Bida, sa Lunes, dadagsa ang mahigit limampung milyong Pilipino sa mga presinto upang pumili ng mga susunod na pinuno ng bansa.

Mahalaga ang pagpapasyang ito dahil dito malalaman kung ano bang landas ang tatahakin ng bansa sa susunod na anim na taon.

Tayo ba’y babalik sa dating nakagawian o magpapatuloy ang mga nasimulang pagbabago at malinis na pamamahala?

 Ilang buwan bago ang halalan, nabigyan ang taumbayan ng sapat na kaalaman tungkol sa ating mga kandidato sa presidente at pagka-bise presidente.

 Tig-tatlong debate ang ginawa para sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pagka- pangalawang pangulo.

 Sa tulong ng mga debateng ito, umaasa tayo na magkakaroon ng kaalaman ang ating mga botante na siyang magagamit nila sa pagpili ng tamang mga lider bukod sa mga patalastas at balita.

 

-000-

 Nitong mga huling araw, kabi-kabila ang mga batuhan ng putik ng ating mga kandidato, mula sa isyu ng kakayahan, kalusugan hanggang sa tagong yaman.

 Tinalo pa ng mga kontrobersiyang ito ang mga telenovela na napapanood natin sa TV. Mas madrama pa ang totoong buhay kaysa sa mga eksenang natutunghayan natin sa telebisyon.

 Ito’y natural nang kalakaran tuwing halalan. Para makakuha ng bentahe, babatuhin ng isang kandidato ang kalaban ng kung anu-anong isyu sa diyaryo, telebisyon, radio at maging sa Internet.

 Kaya nga paborito kong naririnig mula kay Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo ang linya na “sa huli, karakter pa rin ng kandidato ang titingnan ng tao at katotohanan pa rin ang mananaig”.
-ooo-

Kaya nga sa ating pagboto, huwag tayong basta maniwala lang sa balitang nababasa natin sa mga diyaryo, naririnig sa radyo at napapanood sa telebisyon. Maiging tingnan natin ang karakter ng isang kandidato.

 Tataya ba tayo sa isang kandidato na may record ng katiwalian o di kaya’y pagnanakaw o sa walang bahid ang record sa pagseserbisyo sa publiko?

 Pipiliin ba natin ang kandidatong maluho sa buhay o simple ang pamumuhay?

 Papanig ba tayo sa kandidato na gumagamit ng lakas at dahas sa pamamahala o doon tayo sa binibigyang boses ang lahat, hanggang sa nasa laylayan ng lipunan?

 Pabor ba tayo sa kandidato na gumagamit ng perang nagmula sa nakaw sa kampanya o doon tayo sa nakasandal sa lakas ng sambayanan para magwagi?

 Doon ba tayo sa kandidato na puro dada lang o iboboto natin ang taong subok na sa paglilingkod, kahit noong wala pa sa pamahalaan?

 Mga Bida, ako’y napagpasya na ng aking pipiliin sa balota. Isa lang ang nasa isip ko sa pagpili ng bise presidente, ang numero singko at ito’y si Robredo.

 

TRANSCRIPT: Bam on Leni Robredo, Negosyo Centers

Transcript of Interview in General Santos City, 11 January 2016

 

Q: Unang una po sa lahat Sen. Bam, kumusta po kayo? Ano po ang mahalagang bagay sa pagpunta ninyo dito sa Socsargen ang tinitingnan ninyo?

 

Sen. Bam: Opo. Nagbabalik po tayo dito sa General Santos. Kagabi po tayo ang guest speaker sa Hinugyaw Festival ng Koronadal, ito po ang panghuling gabi nila. Nagkaroon po ng napakasayang street dancing, at tayo po ang special guest po doon, at natutuwa po kami at nakabalik kami sa Koronadal gaya po sa General Santos. 

 

Parang dalawang taon na bago tayo makabalik and we’re happy to be back. Kitang kita po napakaraming pagbabago po dito. Napakaraming mga bagong building, mga bagong highway.  Napakalawak at nagulat din ako. Just happy to be back dito sa napakagandang Socsargen. 

 

Ngayon po na pasimula na po ang session namin sa Senado, magsisimula na po next week.  Mayroon pa po kaming tatlong linggo para itulak ang mahahalagang batas na nakabinbin pa. 

 

In the past 2 ½ years, nakaka 8 laws na din po tayo. Ang una po nating batas ay ang Go Negosyo Law, nagbubuo po ito ng mga negosyo sa iba’t ibang lugar. 

 

Dito po sa General Santos, sa DTI building, mayroon po tayong Negosyo Center dito. Ito po ang negosyo center na may pinakamaraming na-train na maliliit na negosyante.  Over 5,000 po dito po sa General Santos kaya po natutuwa naman po kami. 

 

Nasa Koronadal po kami kagabi mayroon na din pong bagong negosyo center po doon. Iyon po ang laman ng Go Negosyo Law po natin.

 

Q: So marami pong nagkabenepisyo na po? 

 

Sen. Bam: Well sa Koronadal 3 weeks old pa lang siya. December 31 po siya itinayo, pero ang dito po sa GenSan May pa last year. I think over 5,000-6,000 na ang natutulungan. 

 

In the Philipines mayroon na tayong 130 na Negosyo Centers and this is because of the Go Negosyo Law natin. 

 

This year 2016, magkakaroon pa tayo ng dagdag pa. Ang total po by the end of this year 2016, magiging 300 Negosyo Centers na tumutulong po sa mga maliliit nating negosyante. 

 

Q: Sen. Bam, ang balita po namin kayo po ang campaign manager ng LP, at lalong lalo na po kay vice presidential candidate na si Cong. Leni. 

 

Sen. Bam: Opo ako po. Well nag volunteer po ako at naatasan din na maging campaign manager ni Cong. Leni Robredo at natutuwa naman po ako na maging kasama sa kanyang balak na pagtakbo na VP ng ating bansa. 

 

Tingin po namin siya po yung pinaka mainam at pinakamaayos at pinaka-deserving na maging VP po ng ating bansa. 

 

Q: Kasi dito sa GenSan hindi pa masyadong kilala si Cong. Leni Robredo. Anong klaseng congressman po siya or ano po ang background niya? 

 

Sen. Bam: Actually sa totoo po si Cong. Leni, siya po ang pinakabagong national face na lumabas, October lang po siya nagdeklara. 

 

Alam ko din po ang kanyang asawa na si Jesse Robredo malapit po sa mga mayors and governors dito sa Mindanao, in fact sa Koronadal po may Jesse Robredo Avenue na nakapangalan sa kanya. 

 

But more than that, siya po ay isang tao na matagal nang nagtrabaho sa komunidad. Matagal na nagtrabaho kasama ang mahihirap sa ating bansa. Naging isang abugado sa Public Attorney’s Office, libre pong pagbibigay ng mga pagdedepensa sa mga kababayan nating nasasakdal na walang pera.

 

Sumama po siya sa Saligan, again nagbibigay po ng tulong, tulong ligal na libre sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo.  Iyon din po ang klase ng kanyang liderato. 

 

Doon po talaga sa mga tao, sa mga komunidad, wala pong pag-aatubiling tumulong sa mga nangangailangan sa ating bayan. 

 

Q: Ano po ang mga plataporma po ni Cong. Leni?

 

Sen. Bam: Well hindi po lalayo sa kanyang karanasan na pgtulong sa ating mga kababayan. Una po riyan ang economic empowerment po sa mga kababaihan. Siya lang po ang babaeng tumatakbo na VP, so naka-focus po ang economic empowerment pagdating po sa mga kababaihan at pagtulong po na magkaroon ng trabaho at negosyo.

 

Iyong pangalawa po riyan ay ang paglaban po sa gutom.  Kasi ang hunger lalo na sa rural country side natin ay napakatindi pa rin.  So ang paglaban po riyan gamit ang ating kultura at gamit po ang tulong sa ating mga kababayan na nasa kanayunan. 

 

Ang pangatlo po pagsisigurado na ang ating kanayunan ay umunlad. Kasi po sa Metro Manila sa totoo lang napaka-congested na.  Napansin ko rin dito may traffic na rin po. 

 

Kita naman po natin na malakas ang traffic dahil ang ating development ang naka-concentrate sa mga siyudad.  Dapat po ang mga kanayunan natin ay mayroon ding development para po ang mga kababayan natin, hindi na kailangan pumunta pa sa mga siyudad. O di kaya ay mahanap nila ang mga kanilang hinahanap doon sa kanilang nilalagyan. 

 

Ang Naga po in the 19 years na panunungkulan po ni Sec. Jesse, nag-transform po ang Naga, mula sa isang 6th class municipality, naging isang siyudad. 

 

Nakita po roon na hindi na kailangan pumunta ng Maynila upang makakuha pa ng oportunidad. Doon mismo sa Naga, nagawan na nila ng paraan para umunlad ang kanayunan, naging very successful, naging progressive.  

 

At ang mga tao po roon, doon na nila nakita ang kanilang kasaganahan. 

 

That’s another thing na binibigyan po niya ng pansin. Ang mga pagtulong po sa mga provinces natin, cities, municipalities na wala sa Metro Manila na magkaroon ng sapat na tulong upang sila mismo umunlad din. 

 

Alam ninyo po, si PNoy kasama ko rin, hindi naman po kami pipili ng hindi makakatulong sa ating bansa. Kami po napaka-excited po namin sa kampanyang ito. 

 

Naniniwala po kami na siya ang the best and most deserving po na makakuha ng tulong sa ating susunod na eleksyon. I’m very excited to work with Cong. Leni Robredo and Sec. Roxas as well. 

 

Q: May mensahe po ba kayo sa GenSan at sa Mindanao?

 

Sen Bam: Ako naman po hindi naman ako tatakbo. Campaign Manager. 

 

Kasi ang palaging batikos sa amin ang mga tumatakbo pumupunta lamang sila pag eleksyon. Ako po hindi po ako tumatakbo pero nandito po ako. 

 

Unang una, para masigurado ang mga programang tinutulak namin ang totoo. Ang Negosyo Center po, iyan ang laman ng aking unang batas, iyong Go Negosyo Law. 

 

Sinisigurado po natin na bawat lugar functioning hindi lang po magandang building, kaya po dito sa GenSan, sa DTI siya nakabase.

 

Sana po puntahan ninyo po kung kailangan ninyo ng trainings, paghahanap ng pondo, mga bilihin sa mga merkado.  Pumunta po kayo para ma-avail ninyo po ang services sa negoso centers natin. 

 

Kung hindi po maganda ang experiences ninyo, pakisabi po sa Facebook page kasi mino-monitor po natin. Kung maganda po ang experiences ninyo, sabihin niyo rin po sa amin para mabigyan naman natin ng complement yung mga centers po natin. 

 

Dito po sa Socsargen, nakita po natin na very active ang pagnenegosyo. Ang maliliit na negosyo kailangan natin tulungan upang maging stable, sustainable, at maging mas malaking negosyo. 

 

Iyon naman po ang naging pangako natin 2 ½ years ago at itutuloy po natin yan. So ako po, I just hope na makakabalik po ako ulit at sana sa pagbalik natin mas makita pa natin ang kaularan especially po sa mga small business owners natin. 

 

In the next election sana po piliin natin ang tutulong talaga sa ating mga kababayan especially po nasa ibaba, nasa labas, at nasa laylayan ng lipunan, iyong mga nangangailangan sana po piliin natin mabuti ang ating leader. 

 

Iyong puso po nila nasa mahihirap sa ating bansa. Salamat po.

Statement of Bam Aquino on the Rappler Article about the Balay Banning

While I admit that some members of the LP were surprised by my SET vote, nais kong idiin na ginalang naman nila ang naging desisyon natin at walang sinuman sa partido ang sumubok na impluwensiyahan ako sa kaso.
 
Ngayon, abala tayo sa pagtiyak na mananalo sina Mar Roxas, Leni Robredo at ang buong LP Senate slate sa 2016 elections.
 
Ang mga balita-balitang mga ganito ay mga tangka lamang na ilihis ang ating atensiyon. Tuloy-tuloy tayo sa pagpapanalo para kay Mar, Leni, at ang ating LP Senate slate!
Scroll to top