Liberal Party

Sen. Bam’s speech after endorsement as LP senatorial candidate

Mga kaibigan unang una Magandang Umaga sa ating lahat! Mga kaibigan iniisip ko kanina ang pangyayaring ito ay parang ibang iba para sa amin na matagal na dito sa partido. Kaya naisip ko na itong Liberal Party mayroong tatlong L na siyang sumasagisag rin sa araw natin ngayon.

Ang unang L natin ay “Laylayan”. Bago ang 2016 tinest namin ito, hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang laylayan. Pero noong tumakbo si VP Leni at dala-dala niya ang nasa laylayan ng lipunan ngayon, lahat ng Pilipino alam na ang ibig sabihin ng laylayan. Bakit mahalaga ang unang L na iyon? Mahalaga iyon dahil yung partido natin, yung samahan natin, yung oposisyon ang siyang nakatutok sa totoong pangangailangan ng ating bansa. Ang partidong natin, ang oposisyon, ang siyang nakatingin ano ba ang kailangan ng nasa laylayan ng lipunan.

Sa aking limang taong pagiging Senador umiikot tayo, marami tayong nakakausap, nandiyan si Melvin Castro mula sa TarlacAgricultural University ano ba ang kwento niya? Gumigising siya 3amkada araw at namimitas ng mangga doon sa bukid kung saan siya nakatira, dalawa na ang anak niya pero college student pa rin siya. Pagdating ng 5am naggigisa ng bagoong, by 6am nagbebenta na ng mangga’t bagoong sa labas ng gate ng TAU (Tarlac AgriculturalUniversity) pagdating ng 8amstudent siya sa loob ng TAU. Ang ang sabi ni Melvin? Sabi niya “Senator Bam itong libreng tuition iyan ang nakapagtawid sa akin kaya naka-graduate po ako”. Si Melvin Castro ngayon ay isa ng guro at mayroon nang kinikita para sa kaniyang pamilya.

Nakatutok tayo sa pangangailangan ng taumbayan. Noong nakaraang dalawang linggo kasama ko si VP Leni, nasa Zamboanga kami at pumunta kami doon dahil nakita namin sa Zamboanga a few weeks ago umabot ng P75 per kilo ang bigas, at bumalik si VP Leni doon sinamahan ko siya para macheck ang palengke kung magkano na, bumaba naman sa P52 pero mataas pa rin. Yung katabi ko doon si Allan, si kuya Allan isang tricycle driver ano ang sabi ni kuya allan? “Senator Bam, Mam Leni apat kami sa aming pamilya pero ang pinaghahatian namin ay kalahating kilo ng bigas sa isang araw”. Apat na tao kalahating kilo ng bigas pinaghahatian nila, kaya kami, tayo dito, ang binibigyang pansin natin yung talagang mabigat sa taumbayan, yung talagang pangangailangan ng taumbayan, kung ano yung hinaharap nila sa kanilang araw araw na buhay. Iyon ang binibigyan natin ng pansin at kailangan natin ng isang grupo na tututok sa mga totoong problema at magbibigay ng solusyon dito sa mga problema ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang pangalawang L ay “Laban”.  Dahil yung mga taong nandito, marami pang taong nanunuod, at mga online, ay handa pong lumaban. Lumaban para sa ating mga kababayan, lumaban sa makapangyarihan, lumaban para sa tama sa ating lipunan.

Hindi kayo pupunta dito kung hindi kayo handang lumaban. Yung salitang “laban”, makasaysayan po yan sa ating lipunan. Kapag nilalabas natin ulit ang salitang laban, ibig sabihin niyan ay hanggang sukdulan.  Kaya itong laban na ito, aaminin ko ay hindi magiging madali. Uphill climb ito para sa oposisyon pero naniniwala ako na gaya ng lahat ng naging laban sa ating bansa, kung nagkakaisa ang Pilpino, nagkakaisa ang mamamayan at hindi tayo nagpapatakot kung kaninuman, kahit anong laban ay kakayanin nating manalo at magtagumpay.

Ano na ang pangatlong L? Ang una ay Laylayan, ang pangalawa ay Laban, ang pangatlo ay para sa mga millenials: syempre, Love!

Hindi pwedeng mawala ang Love. Bakit? Ano po ang nagbubuklod-buklod sa atin dito? Isang tao po ba? Si VP Leni po ba? Hindi! Si PNoy po ba? Hindi! Kami po bang mga kandidato? Hindi rin! Nandito tayong lahat dahil nagmamahal tayo sa ating bayan.

Lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Alam nating maraming hinaharap at pinagdadaanan ang mga kababayan natin. Marami sa kanila ay naghahanap ng liderato, naghahanap ng mga masasandalan, naghahanap ng mga solusyon. Tayong lahat dito, sa pagmamahal natin sa ating bayan, yan ang magdadala sa atin sa tagumpay. Ang isang napakahalagang isipin natin ay hindi lang tayo ang nagmamahal sa ating bayan, maraming maraming Pilpino ang nagmamahal sa ating bayan. Baka ngayon lang, hindi lang maintindihan ang mga nakikita sa social media. Baka kaya natakot na dahil marami nang nakitang namatay sa kanilang baranggay. O baka tumahimik na lang dahil mas mabigat ang mga pang-araw-araw na problema ng ating bayan. Pero lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan. Kailangan natin silang maabot. Yung “Makinig Project” ni Senator Kiko nandyan yan, ang ating kakayanan na mag reach-out, kumausap, magkumbinsi, katukin natin ang bawat kapitbahay natin, bawat komunidad, bawat baranggay. Ipakita natin ang pagmamahal sa ating bayan at sabay-sabay nating tulungan ang lahat ng mga kandidato ng partido Liberal sa susunod na taon.

Laylayan, Laban, Love!

Isang napansin ko pa yung tatlong initial list ng kandidato: Aquino, Tañada, Diokno. Ano ang pagkakaparehas? Unang-una, lahat ay may kapamilya na naging senador. Pangalawa, lahat po ay nakulong din! Si Tito Ninoy, 7 years 7months. Si Ka Pepe, 2 years. Si Ka Taning, 2 weeks. Lahat yan nakulong. I hope yung pagkakaparehas namin sa 2019, hindi kami makukulong. Sana lahat kami ay magtagumpay! Sa mga susunod na linggo, dadami pa ang mga mababanggit na kasama ng LP at Opposition Coalition. Sanamatulungan natin silang lahat.

Para sa aking mga kasama dito sa initial list, hihilingin natin yung tulong nating lahat. Nakikita naman natin na tayong lahat ay nahuhuli sa survey. Hindi ako natatakot sa mga numerong yun. Ibig lang sabihin, kailangan pa tayong magtrabaho. Hindi tayo pwedeng makuntento na tayo-tayo lang ang mga kausap natin. Kailangan mag reach out tayo. Lahat naman tayo may kamag-anak, may kaibigan, at may officemate na tingin natin kaya naman natin makumbinsi. Ganun dapat.

Pero ngayong araw na ito, gusto ko lang i-highlight yung dalawa nating kasama. Palakpakan po natin, isang batikang youth leader, iniidolo namin noon sa Sanggunian, naging magaling na Kongresista, magaling na legislator, kailangan nating ibalik sa lehislatura, walang iba kundi si Congressman Erin Tañada! Pangalawa, huwag nating kakalimutan na kahit di siya napunta sa gobyerno, matagal na siyang naglilingkod sa ating bayan. Isang abogado ng mahihirap, tumutulong sa mga mahihirap na walang pambayad sa abogado, Chairman ng Free Legal Assistance Group, Dean ng La Salle Law School, palakpakan natin ang isang taong napakatapang at handang-handang lumaban sa panahon na ito, Atty. Diokno!

Mga kaibigan, ang laban na ito ay hindi magiging madali. Alam niyo po iyan, alam din namin yan. Pero sabi ni VP Leni lagi, “sa dulo ng lahat, ang mananaig ay katotohanan at kabutihan.” Ang mananaig sa dulo ng lahat ay ang handang magtrabaho para sa ating bayan. Tulong-tulong tayo sa susunod na taon. Tulong-tulong tayo na katukin ang mga bahay ng ating mga kasama sa barangay at ipakilala natin ang mga kandidato ng Partido Liberal.

Maraming maraming salamat po at magandang araw sa ating lahat. Thank you very much.

Sen. Bam to join ‘The Resistance’, genuine opposition slate

Senator Bam Aquino insisted that he will join a genuine opposition slate for the 2019 midterm elections, saying the country needs a coalition that is willing to dissent and oppose government policies that are not helpful or even detrimental to the Filipino people.
 
In a television interview, Sen. Bam clarified that he has never spoken to Sen. Koko Pimentel about PDP-Laban or Mayor Sara Duterte about Hugpong ng Pagbabago. 
 
“In 2019, hindi lang ‘The Force’ kailangan, we need ‘The Resistance’ – a genuine opposition slate. Kailangan ng mga taong magsasama-sama, magtutulong-tulong para labanan ang polisiya ng administrasyon na nakakasakit sa tao. You will find me on that slate,” said Sen. Bam.
 
“You need a slate that’s independent from PDP-Laban, that’s willing to oppose, willing to stand up even if it’s unpopular, and even when it’s dangerous. Kailangan natin ng oposisyon para sa ating demokrasya,” the senator added.
 
Sen. Bam said the Liberal Party (LP) will join the coalition slate, which will be made up of people willing to speak out and stand up against Malacanang’s policies that may be damaging to the people.
 
“The people willing to answer the call should join forces,” Sen. Bam pointed out.
 
Sen. Bam also stressed the importance for the 2019 elections to push through to show the true sentiment of the people.
 
“Let’s fight any no-election scenario that might be in the works,” Sen. Bam said.
 
However, Sen. Bam said it’s too early to talk about politics, saying the country is facing problems that need to be addressed immediately.
 
“Mas maraming isyu na dapat pag-usapan ngayon kaysa sa pulitika at eleksiyon, na isang taon pa bago mangyari,” said Sen. Bam.

LP senators Aquino, Hontiveros and Pangilinan on the 90-day suspension of Deputy Ombudsman Carandang

Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, and Kiko Pangilinan on Monday condemned the filing of charges and the 90-day suspension imposed by Malacanang on Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, claiming that it could be an attempt to stop him from further revealing the truth.

“It is critical that the Office of the Ombudsman remains independent and free from intimidation when investigating elected officials,” said Sen. Bam Aquino.

“Hayaan nating gawin ng Deputy Ombudsman ang kanyang trabaho na siyasatin kung mayroon ngang tagong yaman ang mga halal ng gobyerno,” Sen. Aquino added.

Sen. Kiko Pangilinan, for his part, said Malacañang’s move could be taken as preventing the truth from coming out.

“Lumilitaw na ito’y isang panggigipit lang sa isang opisyal ng pamahalaan na nagnanais lang ng transparency sa mga opisyal ng pamahalaan, lalo na kung dawit ang pinakamataas na pinuno ng gobyerno,” said Sen. Pangilinan.

According to the letter read out by Palace spokesman Harry Roque, Carandang is guilty of “divulging valuable information of a confidential character acquired by his office or by him on account of his position.”

Sen. Risa Hontiveros asked: “How can anybody be guilty of divulging valuable information that, according to Malacanang, is fake? By filing cases against Carandang, is Malacañang confirming the authenticity of the AMLC (Anti-Money Laundering Council) records?”

Malacañang put Carandang under a 90-day preventive suspension and “formally charged” him with “grave misconduct” and “grave dishonesty” for the unauthorized disclosures of the alleged bank transactions of President Duterte and his family.

Sen. Bam: No destabilization plot; stop silencing dissenters

Sen. Bam Aquino maintained that the liberal party is not involved in any destabilization or ouster plot against President Duterte even as he criticized efforts to silence dissenters and critics of the government.

“Hindi kami involved sa anumang ouster plot. Ang mga paratang na yan ay gawa-gawa lamang,” said Sen. Bam in a media interview.

 Instead of exerting efforts to persecute or silence dissenters, Sen. Bam said the government should allow people to hold a separate stand on issues and air their criticisms without fear of retribution.

 “Nakikita ho natin sa ating bansa na kapag may taong tumututol, sila agad-agad ay inaatake. Sa isang demokrasya, hindi dapat ginigipit ang mga may ibang panig,” Sen. Bam stressed.

 “This is no longer healthy for our democracy. Sa isang demokrasya, dapat may kakayahan tayong magsabi ng ating saloobin. Dapat pinapayagan na mayroong dissent at oposisyon. Nakikita naman natin na tumututol na rin ang maraming Pilipino sa mga polisiya ng gobyernong ito,” he added.

Sen. Bam also criticized Justice Secretary Vitaliano Aguirre for branding “yellowtards” as one of the enemies of the state during the launching of a group that intends to protect President Duterte’s administration.

  “Hindi lang secretaries pati ang pinakamataas na opisyal ng bansa, nagbibigay ng paratang na ganyan na wala namang basehan,” added Sen. Bam.

 “This is political persecution. Lantaran na ito,” said Sen. Bam.

 Sen. Bam emphasized that the minority will continue to work on important matters crucial to the country, like the 2018 national budget and the tax reform.

 “We just continue to do our job. Ngayong dinidnig ang budget season at ang tax reform program, mapapansin niyo na tuluy-tuloy ang pagtutok ng minority rito,” Sen. Bam stressed.

Bam: Democratic institutions must not succumb to intimidation, pressure

“Our democratic institutions, especially the Senate, must show that we can operate justly without succumbing to intimidation and pressure”.

Sen. Bam Aquino issued this challenge to fellow lawmakers amid plans by the House leadership to file impeachment complaint against Vice President Leni Robredo.

 “Democratic institutions must stand up and fight for our freedom and democracy while we still enjoy it”,” said Sen. Bam, the deputy minority leader in the Upper Chamber.

According to Sen. Bam, the impeachment complaint may reach the Senate if the House leadership “will bully and threaten the Congressmen, like what happened in the death penalty vote”.

 “But I have faith that my fellow legislators can still stand up to pressure that may be put on them and act fairly on the matter,” said Sen. Bam.

 “Clearly, this reaction from leaders of this administration is coming from the obsessive need to curb dissent or disagreement,” he added.

Earlier, the Liberal Party, to which Sen. Bam belongs, described as “baseless and orchestrated lies” accusations linking Vice President Robredo to moves to undermine the administration.

The LP stressed that Robredo is not and will not be part of any destabilization moves. The party added that President Duterte himself declared that Robredo had nothing to do with destabilization efforts against him.

Bam on Duterte’s statement on policemen involved in Espinosa killing, VP Leni

Transcript of media interview in Iriga City

 

Q: Reaction sa ginawa ni Digong na hindi niya ipakukulong (ang mga pulis na involved sa Espinosa killing)?

 

Sen. Bam: Alam mo, pabagu-bago ang statements niya tungkol diyan. I think, binago na rin ng Malacanang ang sinabi niya.

But definitely, kung talagang may nakita tayong mga pulis na gumawa ng masama, dapat silang makulong.

 That’s the rule of law. Hindi puwedeng mapawalang-bisa iyon nang basta-basta na lang.

To be frank, may sinabi siya kahapon. Binago today. Alam niyo, hindi ko na rin alam kung ano ang mga ibig sabihin talaga.

 Siguro, iyong panigan na lang natin is kung may sala na ginawa, na mukha namang meron. The NBI has said it, internal affairs, iyong medico legal, iyon rin po ang sinabi na rubout ito, dapat talaga managot ang mga pulis na iyon.

  

Q: Kumusta po ang Liberal Party?

 

Sen. Bam: Lahat kami ay nakasuporta kay VP Leni. Ang mahalaga po ay matuloy niya ang kanyang misyong tumulong sa ating bayan.

She said it many times in the past na hindi naman kailangan ng gobyerno upang makatulong sa ating bayan.

If you remember, medyo late na rin siyang nakapasok sa Gabinete at nakaplano na rin kung paano makatutulong sa mga nasa laylayan kahit walang government agency.

 Ngayong wala na siya sa Housing, I think what’s important is tayong sumusuporta sa kanya, we help her to be able to do her mission na tumulong sa nasa laylayan ng lipunan.

The party is solidly behind her sa kanyang desisyon at sa mga susunod na hakbang na matuloy ang kanyang misyon na tulungan ang mahihirap kahit wala na sa Gabinete.

 

 On bill against “no permit, no exam policy

 

Sen. Bam: Masyado yatang grabe na hindi mo papa-eksaminin ang bata dahil hindi lang makabayad. We want to make this illegal, gusto nating pagmultahin ang mga guro, administrador at mga eskuwelahan na gumagawa nito. We want to make sure na ang hindi makatarungang gawain na iyan ay matigil na. We’re hoping na mapasa natin ito sa ating committee para matigil na ang practice na ito na hindi makatarungan sa mga kabataan.

 

Q: Ang problema po ng ating mga estudyante sa high school, elementary at nursery ay ang mga field trip, film showing, among others. May magagawa ba kayo para ito’y matigil na dahil ito’y lumalabas na anti-poor dahil nasa public school na nga, papagastusin pa ang mga magulang?

 

Sen. Bam: We’ll try to find a way na mabalansehin po iyan. Ang ganyang extra-curricular activities, maganda rin iyan for the development ng mga bata pero kung hindi na siya ma-afford, hindi na siya maganda.

Narinig na rin namin iyan na maraming bata ang hindi nakakapunta. We’ll try to find a way to balance that out kasi pag in-outlaw naman natin o tinanggal natin completely, hindi naman iyon maganda rin.

We’ll try to find a balance. Magandang mabigyan ng subsidy ang ating mga eskuwelahan para mas marami ang maka-avail nito.

 

Q: Kanina sa program ko, may nag-text. Baka puwede mo ring sabihin kay Sen. Aquino na ang public schools, baka puwede maging free, as in free, sa mga bayarin. Bukod sa PTA dues, marami pa ring hinihingi sa mga pupils like homeroom projects, tours, sarsuela, tickets etc. Baka puwede rin silang maglaan ng funds per student sa mga public school.

 

Sen. Bam: Iyong mga sarsuela at non-essential matters, dapat hindi na ituloy o di na gawing requirement. Ang public school system natin, gusto ho natin libre iyan. Ang alam ko ho ngayon, ang mga gastusin na lang ngayon ay iyong uniform.

 Ang iba pang fees gaya ng field trip at film showing, gusto ho nating ma-minimize natin iyan at mabigyan ng tsansa ang bata na maka-experience niyan nang hindi malaki ang ginagastos.

 But again, it’s about finding a balance. Most of the expenses sa ating schools, subsidized na po iyan. I would even say, more like 90 percent or 95 percent may subsidiya na po. Ang palagay ko, maganda pong tingnan iyan.

Ang sinisikap naman natin ngayon, maging free rin ang tuition fee natin sa state universities and colleges. Iyon ang next natin na binibigyan ng pansin. We’re hoping to pass that by next year.

Joint statement of Liberal Party Senators on the President’s warning to suspend the privilege of the writ of habeas corpus

As public servants and duly elected officials, we are sworn to serve and protect the rights of every Filipino and to uphold and defend the Philippine Constitution.
 
That very Constitution, the basic law of the land, commands that the privilege of the writ of habeas corpus — a safeguard against state abuse, particularly of warrantless arrests – may only be suspended in cases of invasion and rebellion.
 
Section 15 of the Bill of Rights provides: “The privilege of the writ of habeas corpus shall not be suspended except in cases of invasion or rebellion when the public safety requires it.”
 
The drug menace is not a ground to suspend the privilege of the writ. On the matter of rebellion, the administration is already talking peace with all armed groups, and we are in full support.
 
We see no basis for the suspension of the Filipino’s privilege of the writ of habeas corpus and we shall remain committed to upholding the sacred constitutional safeguards to the rights of the Filipino people.

JOINT STATEMENT: Lower House plan to show video is illegal: De Lima’s fellow Liberal Party Senators

We vehemently oppose the plan of the House of Representatives to show the alleged videos as disrespectful, deplorable, and illegal.

Regardless of the authenticity of the alleged videos, viewing it is disrespectful to a sitting senator, to her person, and to the office she holds, and is violative of the law.

The following laws may apply:

– Anti-Voyeurism Law (RA 9995) prohibits the recording or broadcast of videos of a sexual act, among others, with or without the consent of the persons featured in the material. Such recordings are also inadmissible even in legislative hearings.

– Anti Wiretapping Law (RA 4200) prohibits and penalizes the playing of recordings of any private communication without the consent of those involved. Such recordings are also inadmissible as evidence even in legislative hearings.

– Revised Penal Code on Crimes against Honor:

* Slander by Deed which is by performing an act intended to cast dishonor, disrespect, or contempt upon a person, OR

* Incriminatory machinations which may either be:
(i) Incriminating an innocent person in the commission of a crime by planting evidence;
(ii) Intriguing against honor by resorting to any scheme, plot, design, but not by direct spoken words, to destroy the reputation of another.

We appeal to the members of House of Representatives to be more circumspect of our larger roles as legislators: safekeepers of governance traditions and examples to our children.

Sen. Bam on staying in the majority

(Transcript of media interview)

 

Q: What do you think of the situation of Sen. De Lima because nalabas iyong phone number niya, her address, and sabi nga hindi siya makapasok today because she’s looking for a house actually?

 Sen. Bam: Well, it’s very unfortunate na nailabas iyong kanyang telephone number at saka iyong address niya. We’d like to hope that in the halls of Congress and the Senate, mayroon pa ring parliamentary courtesy. Mayroon pa rin pagkiling towards someone’s right to privacy.

Now we understand na ongoing iyong mga hearings sa kongreso. I think a resolution has also been filed already here that we also tackle these cases so the Senators can have a chance to question these witnesses as well and to check the veracity of their stories. We’ll probably take it from there. Doon na namin sila haharapin mismo.

 But again, you’d like to see some type of parliamentary courtesy. Noong tinanggal si Sen. De Lima bilang Chairperson on Justice, biglaan iyon sa amin. As we said in our statement the other day, kasama kami sa majority and yet no dialogue transpired. Walang consultation na nangyari. So, we felt that, at the minimum, some level of consultation or dialogue should have happened. Kaya kung napansin niyo, at the start of the hearing, Sen. Drilon was calling for a caucus. The reason for that was mapag-usapan. And, I truly believe that the concerns of our fellow Senators, kung pumayag sila na magkadiyalogo, ma-re-resolve naman na hindi kailangan tanggalin [si Sen. De Lima] doon sa Committee on Justice.

 And to be very frank, we were talking to Sen. De Lima yesterday, sabi namin “Kung ni-request sa iyo na ipaubaya mo ang pagiging chairperson for these hearings on extrajudicial killings, papayag ka ba?” 

 Sabi naman niya “Kung ni-request iyon sa akin ng colleagues ko, ba’t naman ako hindi papayag?”

 So we really believe that it was unncessary. It was too much. And kung pinayagan kaming mag-usap muna at magdiyalogo, puwede naman ito ma-resolve.

 

Q: What was behind the decision for you to stay in the majority?

 Sen. Bam: Well, you know, in the beginning, the reason for this supermajority is because each of us in our block, mayroon kaming mga repormang gustong maitulak. I’m Chairman of Education, so our Trabaho Centers, the Free Tuition Fee for SUCs, iyong ating programs for out-of-school youth – marami iyan.

 We all agreed yesterday that the reason for us being in the majority is because of our ability to push for these reforms. Kung kaya naming itulak ang mga repormang mahalaga sa bayan, magtatrabaho kami dito sa aming mga kumite. Kung hindi na namin kayang gawin iyon, ibang usapan iyon. If we are not allowed to push for these reforms, that’s a different take altogether. 

 And I think all of the members currently in the majority will stay in the majority because of that. At the end of the day, more than na-slight ka, more than nabastos ka, iyong mga repormang gusto mong itulak – iyon iyong mas mahalaga. And that was our decision. 

 

Q: Hindi ba sabi independent block under majority? 

 Sen. Bam: Well, may majority at may “medyo-rity”. Kami iyong “medyo-rity” diba. 

We’d like to think that in this supermajority, iba-iba rin iyong mga grupo diyan. Iba-iba din iyong mga pananaw sa mga iba’t-ibang issues. There are issues where we will all agree and there are issues where we won’t. And you will see that in our vote, and in our interpellations.  Ganoon lang talaga iyon.

 

Q: More criticisms? You will be more critical?

 Sen Bam: I think we’ve always had an independent stance in the Senate and in fact, I think that’s the role of the Senate in our history. Hindi lang sa current administration. Even during PNoy’s administration, GMA’s administration, even during Tita Cory’s administration, the Senate has always been an independent body. And I think iyon iyong pinakamahalaga, na ma-maintain – iyong independence. If we can maintain that independence, even while being in the majority and still able to push the reforms, ba’t kami aalis sa mayoria?

 Palagay ko, iyong pagiging independent, hindi lang iyan trabaho ng minority, trabaho iyan ng buong Senado.

 

Scroll to top