Transcript of Sen. Bam’s media interview re Marcos’ sudden burial in LNMB
Sen. Bam: Marami nang nasabi. marami nang statement na naibigay natin. Hanggang dulo talagang hindi pinakinggan iyong hinaing ng napakaraming biktima ng Martial Law.
Alam naman nila na maraming magagalit kaya ginawa nilang patago ang paglibing kay former president Marcos.
So halatang-halata na ang isyung ito ay hindi nailibing sa araw na ito. Marami pong nagagalit. Marami pong naiinis, pati po ako.
We are at a loss for words. Lahat ng nasabi na, lahat ng nangyari na, itinuloy pa rin at ginawang patago ang paglibing kay former president Marcos.
Mahirap paniwalaan pero nangyari po iyon. Ang isang tao na nagdala ng napakaraming kasamaan sa ating bayan, ngayon po nakalibing sa Libingan ng mga Bayani.
Kung gaano po ka-unbelievable po iyon, iyan na po ay part ng ating kasaysayan.
Q: Nagagalit kayo sir?
Sen. Bam: Iyong mga abogado natin, nagsasabi na dapat hindi itinuloy dahil may pending MR pa but we leave it to courts to decide on the legality. More than the legality, ang tinitingnan natin ay ang kasaysayan ng ating bansa, kung paano tayo in the last 40 years, magmula sa Martial Law, nagkaroon ng human rights abuses, nagkaroon ng People Power, bumalik ang ating demokrasya at ngayon ililibing natin ang isang diktador ng ating bansa sa Libingan ng mga Bayani.
At ginawa ito sa isang paraan na patago, ginawa ito sa isang paraan na panakaw so talagang mahirap paniwalaan na nangyayari ito pero nangyari ito sa ating bansa.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: Matagal ko na pong sinasabi iyan. Iyong mga nagre-react po ngayon, di naman namin mga kamag-anak at hindi namin kaibigan lahat.
In fact, marami sa mga grupong nag-re-react ngayon ay tao ring katunggali ni former President Aquino.
Again, hindi lang po ito tungkol sa iilang pamilya. Ito po’y tungkol sa ating bayan, tungkol po sa ating kasaysayan, tungkol po sa ating hinaharap.
Palagay ko, ito’y isang pangyayari na hindi natin ninanais, hindi natin ginugusto pero nag-decide si President Duterte at Marcos family na gawin po ito sa ating bansa.
Q: The President should be held accountable?
Sen. Bam: Of course, because it’s his decision to do this.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: Siya po ang nag-decide nito. Iyong mga panawagan natin dito ay para magbago ang kanyang isipan pero klaro naman po na itinuloy na rin po niya.
At the end of the day, marami ang nagsasabi dito sa Senado na divisive ito. E sino ang nagsabi na nag-decide na mangyari, sino ba ang naghiling na gawin ito, kundi ang Marcos family din.
Q: Naniniwala kayo na aware ang Pangulo (inaudible)
Sen. Bam: Palagay ko. Kailangan siguro tanungin ang Malacanang pero siguro ang ganitong kabigat na bagay, palagay ko naman siguro kailangan tanungin muna sa commander in chief nila kasi AFP at PNP ang nagsasagawa ng aktibidades.
I would guess but you can confirm that with the spokesperson or the executive secretary.
Q: Personally sir, ano po ang nararamdaman niyo? Nagagalit po ba kayo?
Sen. Bam: It’s so unbelievable. I mean, to be very honest, parang unbelievable na sa kabila ng pinagdaanan at pinaglaban ng ating bansa, mangyayari pa rin ito in 2016.
Parang hindi talaga natin malibing-libing iyong isyu na ito dahil pabalik-balik po siya. Hindi natin matuldukan ang isyung ito dahil patuloy pa rin ang mga grupo at mga opisyales na nagtutulak na si former president Marcos naging hero, mabuti ang ginawa sa ating bansa at ngayon nga, inilibing pa sa Libingan ng mga Bayani.
Parang napaka-unbelievable niya. Instead of moving forward, embracing democracy, ipagtatwa ang corruption, itigil ang cronyism, iyon po, ililibing natin ang simbolo niyan sa Libingan ng mga Bayani kaya napakahirap pong paniwalaan.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: Alam ko today may protest action na mangyayari. More than the protest action today, nandiyan na iyan sa ating kasaysayan. Tingnan niyo na lang ang history ng Pilipinas. Kung saan tayo nanggaling at saan tayo ngayon. That’s already in our history.
In privilege speeches of Sen. Hontiveros, na-mention niya na sa ibang bansa, napaka-grabe ng kanilang pagtrato sa mga former dictators, kung saan nilibing, nasa history books kung ano ang mga nangyari.
Sa atin po, ipinaglalaban pa rin natin kung paano ipo-portray ang Martial Law sa ating bansa. Ganyan po kalabo ang mga pangyayari po ngayon.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: Palagay ko parehong mga Pilipino at mga dayuhan, magtataka kung paano ito nangyari sa ating bansa.
Kung tutuusin, after everything that’s happened to our country, ang Martial Law po nangyari, sa dami-dami ng napatay, sa dami-dami ng nakulong, sa dami-dami ng na-torture, ngayong araw ililibing natin ang diktador natin sa Libingan ng mga Bayani.
Hindi lang po dayuhan ang magtataka diyan, pati kapwa Pilipino magtataka kung paano ito nangyari.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: Yes, because ngayon lang ito nangyari. I mean, tsaka again, desisyon ito ni President Duterte at ng Marcos family. This is a campaign promise, sabi po niya, campaign promise ito.
Nakapagtataka talaga kung po paano ito nangyari sa ating bansa. I’m sure, marami po sa atin, somewhere between disbelief, anger, inis iyong pakiramdam ngayon.
Q: (Inaudible)
Sen. Bam: May mga nagsasabi po niyan. Kailangan po talaga maging vigilant. Kung mga ganitong bagay kaya nang mangyari sa ating pagkasalukuyang panahon, siguro po kailangan talaga lahat ng bantayan natin. Ang nangyayari sa Supreme Court, nangyayari sa ating kapulisan, kahit po nangyayari sa ating Senado at Kongreso, kailangan po talagang bantayan.
Ito po’y wake-up call for our country na hindi na po normal ang nangyayari sa ating panahon. Talagang kakaiba na ang nangyayari, siguro kahit sa buong mundo kakaiba na.
Recent Comments