lis7ahan

7 na bago sa UAAP Season 79

UAAP Season na naman! Sa katunayan, last week ay nagsimula na ang pinakabagong season na pinangunahan ng host na UST. Tiyak na magiging usap-usapan na naman ang men’s college basketball sa mga darating na araw dahil nagbalik na din ang senior basketball competition. Narito ang ilan sa mga bagong aabangan sa UAAP court sa darating na mga araw .

 

1.New courtside reporters. Hindi pa man naglalabas ng complete line up ang mga schools na kasali sa UAAP, ipinakilala na ang mga courtside reporters na syang tututok at sasama sa bawat laban ng basketball team ng mga schools. Karamihan sa kanila ay nagbabalik lang pero meron pa ring fresh faces na pwedeng abangan ng mga fans tulad nina Denice Dinsay ng Ateneo at Bea Escudero ng DeLa Salle.

UAAPReporter

2.New rules. Change has come pati na rin sa UAAP. Ilan sa mga bagong rules ng UAAP basketball ngayong season ay ang pagtanggal sa thrice to beat advantage sa sinumang team na makaka-sweep ng eliminations round. Ang finals ay best-of-3 pa rin. Bukod pa dito, isang adjustment din na maeexperience ng mga fans ay ang pagkanta ng school hymn, BAGO magsimula ang laro.

School Hymn (Arvin Lim) 

3.New Players. Every season, ang mga new players o mga rookies ang di pwedeng mawala sa mga basketball team. Tuwing may gagraduate na role player, pinaghihirapan din ng bawat school ang makarecruit ng mga talents na pupuno at magpapalakas ng kanilang pwersa sa court. Ilan sa mga pwedeng abangang rookies ay sina JV Gallego (NU), Jerrick Ahanmisi (AdU), Aljun Melecio (DLSU), Shaggy Almond (ADMU), Javi Gomez de Llaño (UP) at marami pang iba.


newuaapplayers

4.New coaches. Isa sa mga exciting na pagbabago sa season na ito ay ang mga beterano nang UAAP coaches na gagabay sa bagong school na nagrecruit sa kanila. Si Coach Bo Perasol na nakilala bilang Ateneo coach ang bagong leader ng UP squad. Si Franz Pumaren na seasoned coach ng DLSU dati, ay ang negdevelop ng bagong Adamson team at si Coach Aldin Ayo naman na nagbigay ng trophy sa Letran sa NCAA, ang gagawa ng mga plays sa DLSU ngayong season. Exciting di ba?

 uAAPcoach

5.New(ly) improved players. Bukod sa mga rookies, inaasahan din sa court ang mga old and experienced players na paniguradong nagimprove mula last season. Marami sa kanila ang sabik ng ipakita ang pinakabagong version nila at the same time ay magtake on ng role as leaders ng kani kanilang team. For sure sabik din ang mga fans sa pagbabalik nina Jeron Teng (DLSU), Raymar Jose (FEU), Jett Manuel (UP), Louie Vigil (UST), Thirdy Ravena (ADMU), Papi Sarr (AdU), Alfred Aroga (NU), at Bonbon Batiller (UE)

improvedplayers 

6.New MVP. Sino nga ba sa mga college ballers ang magsstand out sa lahat sa katapusan ng season 79? Sa dame ng mga experienced players na magbabalik, mahigpit ang magiging kompetisyon. Sa mga huling season, usually hindi galing sa champion team ang pinaparangalang MVP. Maiba kaya to this year o di kaya naman patuloy itong magiging trend? Dadalhin ba ng mapipiling MVP ang kanyang team sa championship? Abangan nating lahat!

UAAP2016MVP

7.New Champion! Alam naming maaga pa para masabi or matanong ito pero ilang sports analysts na ang nagsabi na magkakaroon ng bagong UAAP champion this year. DLSU ang isa sa mga nakikita nilang may potential na makakuha ng korona pero hindi ito sapat na dahilan para maliitin ang ibang teams. Palagi namang may mga surprises sa mga nagdaang season at for sure gagawin ng defending champions na FEU Tamaraws ang lahat para protektahan ang kampeonato

lasalle versus FEU

NBA Finals 2016: 7 Dahilan Bakit Mananalo ang Warriors or Cavaliers

NBA Finals na naman, siguradong exciting ang magaganap na labanan dahil ito ay rematch ng nakaraang finals.

May pambatong team ka na ba? Kung wala pa, eto ang ilan sa mga dahilan kung bakit mag-cha-champion ang…

 

… Cleveland Cavaliers!

 

  1. Kumpleto ang Triple Threat. Noong nakaraang taon, binuhat mag-isa ni LeBron James ang Cavs sa NBA Finals dahil wala sina Kevin Love at Kyrie Irving. Pero ngayon ay injury free na sila at sabay nang makakacontribute sa opensa at depensa.

Cavaliers Big 3

 

 

  1. Triple Shooting.Maliban sa triple threat, poproblemahin din ng Warriors and 3-point shooting average ng Cavs lalo na si J.R. Smith, na kilala bilang 3-point specialist. Sa tulong ni Smith, luluwag ang depensa sa shaded lane at mabibigyan ng pagkakataon sina Love, James at Tristan Thompson na gumawa ng puntos sa loob ng paint.

JR Smith

 

 

 

  1. Center of Attention. Sa height na 6-11, hindi pangkaraniwang sentro si Channing Frye ng Cavs dahil kaya rin nitong tumira sa labas ng arc. Dahil dito, malaking problema para sa Warriors kung paano siya babantayan.

channing fry

 

 

  1. Powerful ang #Hugot. Paniguradong hindi poproblemahin ng Cleveland ang pagrerely sa iba pang players at reserba dahil naririyan sa bench sina Matthew Dellavedova, Richard Jefferson at Iman Shumpert na kilala ding masipag gumawa kapag nasa loob na ng court.

shumpert_dellavedova and jefferson

 

 

  1. Sabik dahil nagbalik. Paniguradong nangingibabaw sa side ng Cavs ang eagerness at will for redemption. Dahil sa rematch na ito, mabibigyan sila ng pagkakaton na kunin ang kampeonato na ipinagkait ng Warriors sa kanila last year. Hindi pa nakakatikim ng kampeonato EVER ang Cavs sa NBA kaya di lang sila gutom, they are starving for the win.

cavs

 

  1. Meron silang “King”. Haters gonna hate pero si Lebron James lang naman ang isa sa mga nangunguna sa attack points. Ang 4-time MVP na pride ng Cleveland ay 24.6 points per game ang average at 7.0 assists. Siguradong matatakot ang sinumang babangga!

lebron james

 

 

  1. Fresh Start. Isa sa mga bago sa Cavs ngayong taon ay ang kanilang coach. Simula ng pumasok si Coach Tyronn Lue, nakita na din ang mas improved ball movement sa laro ng Cleveland. Mukhang mas nageenjoy din sila sa kanilang laro. Bagong coach at bagong strategy para sa dati na nilang kalaban. Isa yan sa mga baon ng Cavs ngayong finals.

tyronn lue 

 

… GOLDEN STATE WARRIORS!

 

  1. Unanimous “MVP”. Paniguradong si Steph Curry ang magdadala ng laro ng Golden State Warriors sa finals.  Matatandaang muntik na silang malaglag sa Western Conference ng makausad sa 3-1 advantage ang OKC. Pero pinatunayan ni Steph ang pagiging MVP, kaya naman dinala nya ang team nya sa 3 straight wins para makabalik sa NBA Finals.

steph curry

 

 

  1. Splash Brothers. Hindi lang si Steph ang standout sa warriors, hindi pwedeng kalimutan ang other half ng lethal na splash brothers na si Klay Thompson. Dahil sa tandem nila, nabura lang naman ng Warriors ang 72-win record ng Chicago Bulls nang tapusin nila ang regular season na may record na 73-9.

klay thompson

 

 

  1. Green Defense. – Mabisa ring sandata ng Warriors ang power forward na si Draymond Green, na muling napasama sa All-Defense first team ng NBA ngayong taon. Alalahanin natin na di lang nakakasalalay sa puntos ang panalo, sa galing ng depensa rin. Pero matinik din si Draymond sa opensa dahil kayod-kabayo ito kapag nasa loob na ng court.

draymond green

 

 

  1. Andre the Giant. Kilala si Andre Iguodala bilang scorer sa kanyang career sa Denver Nuggets at Philadelphia 76ers ngunit nagsakripisyo na maging sixth man nang mapunta sa Warriors. Nagbunga naman ang sakripisyo ni Andre dahil sa malaki niyang papel kapag ipinapasok na siya ni coach Steve Kerr, lalo na sa depensa. Remember, sya ang last Finals MVP!

andre iguodala

 

 

  1. Role players. Maliban kina Curry, Thompson, Iguodala at Green, may iba pang maaasahang players ang Warriors, tulad nina Harrison Barnes, Andrew Bogut, Shaun Livingston at Mareese Speights. Kapag pinagsama sama ang pwersa ng lahat ng role players na ito, hindi malabong mag back to back ang panalo ng Warriors.

 

 

 

bogutbarnes

 

 

  1. Less “Boos”, More “Boost”. Tinapos ng Golden State ang regular season na may league-best 73-9 record para makuha ang top seeding at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs. Dahil sa homecourt sila maglalaro, paniguradong maboboost ang confidence nila at mahihiya ang sinuman sa audience na sisigaw ng “Boo” tuwing makakapuntos.

goldenstatewarriorsfans

 

 

  1. Finals? Been there done that! Nagawa na nila dati kaya malaki ang tyansang magagawa nila uli. Halos sila pa rin ang team at coach na sumabak sa nakaraang NBA Finals na nakasungkit ng kampeonato kaya experienced na sila sa labanang ito.

goldenstatewarriors

 

 

 

7 Paraang Panlaban sa Kainipan at Kabaliwan Habang Trapik

By: Lis7Avengers

 

Walang pinipiling biktima ang traffic ngayon sa Metro Manila, mapa-commuter ka man o nagdadrive, paniguradong na-irant mo na sa Facebook at Twitter ang kasindak-sindak na experience mo.

Doble pasakit din kapag naabutan ka pa ng rush hour sa kalye. Kaya naman, habang ikaw ay nakatigil sa EDSA, o usad pagong sa C5, heto ang 7 suhestiyon para labanan ang kainipan at kabaliwan habang trapik!

 

 

  1. Tahakin ang mabilis na daan. Subukin ang iba’t ibang ruta patungo sa trabaho, eskwelahan o kung saan ka man madalas pumunta. Gawin ito hanggang sa mahanap mo ang perfect na daan, iyong mabilis at kaunti lang ang hassle sa kalsada. Ang goal ay makarating sa destinasyon nang wala masyadong init ng ulo, o stress na sisira sa araw mo.

EDSA highway

 

 

alternateroute

  1. The more, the many-er! Magsama ng mga friends at positive vibes sa commute o drive. Pumasok nang sabay sabay, o i-try mag carpool. Makakamura ka na sa gas, makaka-bonding mo pa ang mga kasama mo. Kung sakali mang maipit pa rin sa traffic, at least may kausap ka at hindi ka na nagmomonologue. Malay mo, ito rin ang magiging tulay sa puso ng crush mo. Yihee, isakay mo na siya!

carpooling

 

 

  1. Magnilay-nilay! Sa tagal ng pagka-tengga habang rush hour, ang daming nasasayang na oras. Pero maaari pa namang maging productive at gumawa ng mga to-do list, Christmas list, o sarili mong Lis7ahan. Para mas less na ang gagawin sa pupuntahan, magtrabaho na din while on the road. Sumagot ng email o mga text ni boss habang nakatigil. Puwede ring alalahanin ang mga life experiences at gawin itong inspirasyong sa paggawa ng mga tula o hugot statements. Dahil ang EDSA, minsan highway, madalas parking lot.

emoteinisdethecar

 

 

  1. Magpaka-sweet! Tawagan ang iyong mga mahal sa buhay at kumustahin. Mag-reconnect sa mga dating kaibigang hindi mo na nakakasama, siguraduhin lang na hindi ka naka-toka sa manibela. At kung talagang sweet ka, makisali sa mga initiative na tumulong sa mga PNP Highway Patrollers! Puwedeng mamigay ng tubig, mamon, o face mask – basta hindi pang-merienda nila pag nahuli ka!

textinginsidejeepney

 

 

  1. Maki-rockandrolltotheworld! Sa dami ng mga banda at musikero sa mundo, hindi ka mawawalan ng bagong music discoveries. Kung commuter ka, put your headphones at iwanan muna sandali ang masalimuot na mundo sa gitna ng traffic. Makinig at mag-moment to the tune of your favorite songs. Kung nagdadrive naman, chance mo ng bumirit ng Mariah o maki-head bang kasama ang Parokya. Siguraduhin lang na your eyes are on the road kapag nag-green light na.
rockandroll

Source: Autoparts Blog Warehouse

  1. Huwag pasaway. Lahat tayo napeperwisyo ng trapik. Huwag ka nang dumagdag pa sa pagkayamot ng iba. Sundin ang batas trapiko, tumawid sa tamang tawiran, pumila nang tama, at magbigayan – with a smile!

HPG EDSA

 

 

  1. Maging bahagi ng solusyon. Higit sa mga reklamo, ang kailangan natin ngayon ay solusyon. Kung mayroon kayong sagot sa problema ng traffic congestion, ibahagi sa aming Facebook page. Huwag mag-alala, uusad din tayo, at may pag-asa pa. Tulong-tulong sa pagsulong, friends!

HPG-Group-meeting

Kung mayroon kayong naiisip na Lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

7 Things to Do during Cuddle Weather (besides Cuddling)

Heto na naman po at nakapila na ang mga bagyo na papasok sa Pilipinas kaya uso na naman ang “cuddle weather!” Sugod sa ulan, lusong sa baha, tengga sa trapik, at tiis sa mahahabang pila ang drama ng karamihan sa panahon na ito pero imbes na mainis, pwedeng i-enjoy ang masarap mong tulog sa gabi mag-isa man o may katabi. Bukod diyan, narito ang mga puwede pang gawin maliban sa pag-cuddle.

By ListAvengers

 

  1. Mag-reminisce. Malamig ang hangin at tahimik ang paligid maliban na lang sa pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay. Perfect na timing ito para magpaka-senti. Tumingin ng lumang photo album at magbasa ng nalimutan nang love letters. Puwede mo ring balikan ang sinulat mong New Year’s resolution, i-check kung nagagawa mo pa rin ba ang mga ito. Kung hindi na, at least na-remind ka na pwedeng bumawi pag tumila na ang ulan.

 reminicingintherain

  1. Magrelax. Medyo delikado ang lumabas tuwing umuulan o bumabagyo, kaya naman manatili na lamang sa bahay. Mag-chill sa kama at sofa at manuod ng mga pelikula at TV series. Mag-movie marathon-all-you-want hanggang sa mawala ang stress na matagal ng bumabagabag sa iyo. Kung hindi mo trip manuod, puwede rin namang bawiin ang mga nawala mong tulog. Ang importante, ma-relax ka.

watchingtv

  1. Maging bookworm.Alam mo bang nakakabagal ng brain-aging ang mental stimulation? Posible pa itong makapigil sa Alzheimer’s o Dementia pagtanda! Ngayong tag-ulan, ba’t ‘di magbasa ng libro o mga online articles. I-update ang sarili sa mga nangyayari sa bansa at sa buong mundo! Maraming benepisyo ang pagbabasa sa overall well-being ng tao. Bonus pa ang karagdagang talino!

rainy_books

  1. Magpalipas oras sa kusina. Sinigang, bulalo, kansi, champorado… Iilan lang ito sa mga masarap kainin kapag panahon ng pag-ulan! Ba’t hindi sanayin ang sarili na magluto at magpaturo ng mga family recipe sa iyong nanay o lola. Malay mo, may natural talent ka pala sa kusina. Kung wala, makontento ka na lang sa pagtikim ng mga luto nila.

bulalo

  1. Maglinis at mag-donate.Umuulan nang malakas sa labas. Mabagal ang Internet connection. Palabo-labo ang signal ng TV. Paano pa kaya kung mag-brownout? Galugarin mo na lang ang iyong kuwarto at bahay at mag-ayos ng gamit! Lahat ng hindi na napapansin, bakit hindi na lang i-donate? Siguradong maraming mga librong pambata, laruan, damit, sapatos, pati school supplies na hindi na napakikinabangan. Sayang, i-donate mo na lang!

messyroom

  1. Magplano.Since marami kang oras magmuni-muni, bakit hindi mag-isip ng maliit na negosyong puwedeng pagkakitaan. Uso ang bentahan ng mga raincoat, rain boots, payong, at iba pang waterproof na kagamitan. Maglista ng bucket list at matagal mo ng mga pinapangarap sa buhay. Bukod sa paglilista, iplano mo na rin kung paano magiging makakatotohanan ang mga pangarap na ito.

businessplan

  1. Tumulong sa paghahanda para sa mga delubyo.Lumevel up na tayo ngayon! Sa halip na maghintay ng trahedya, pinaghahandaan na natin ito. Dumarami na ang mga grupong involved sa disaster risk reduction at rehabilitation. Mag-umpisa sa social media at Twitter. I-follow at jumoin sa mga disaster resilience groups at i-share ang mga post. Puwede ka rin lumevel up at mag-volunteer, mag-training, at tumulong! Alalahanin lang din ang sariling kaligtasan bago pa man bumida sa rescue at relief operations!

rescueph

 

 

 

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

7 Tips sa Magaling na Pagdo-DOTA

Kung libangan mo ang paglalaro ng DOTA, huwag maging pabigat sa iyong team. Huwag ka lang basta maglaro, be at your best din. Strive for excellence! Narito ang ilan sa mga tips mula sa award-winning Team Rave para hindi ka na matatawag na noob!

By ListAvengers and TeamRave

 

1. Know your Role. Sa ilang oras mong paglalaro ng DOTA kasama ng barkada, siguradong na-figure out mo na kung saan ka magaling at kung saan ka medyo tagilid. Ok naman ang pagfocus sa kagalingan pero huwag kalimutan na ang DOTA ay isang team sport. Pag oras na para umatake o dumipensa na magkakasama, mag-volt in at tulungan ang mga kalaro!

playingdotaPH

2. Ask Help and Learn from Others. Sa dinami-daming characters at items, hindi mo pa rin masasabing alam mo na ang lahat kahit gaano ka kagaling. Huwag matakot magtanong sa mga kaibigan o sa mga taong matagal ng naglalaro. Iwan mo muna sa bahay ninyo ang pride at makinig sa payo ng ibang manlalaro. In return, gawin din ito sa mga taong gustong matuto sa iyo. Ang saya kaya ng usapang DOTA pag joke time lang ang yabang.

mineski_teamrave

3. Map Control and Awareness. Aralin ang mapa at maging aware sa iyong posisyon sa lahat ng oras. Palaging maglagay ng observer wards sa rune spots o sa mga lugar na sa tingin mo ay makakakuha kayo ng sapat na vision upang makaiwas sa pag gank ng kalaban. Isa rin ang tip na ito sa makakapagpanalo sa inyo sa laro.

 mapcontrol in DOTA

4. Watch Professional Games. Kumuha ng inspirasyon hindi lang sa crush mong DOTA player kundi sa panonood ng mga replays/live games ng mga professional players. Tingnan mabuti kung ano ang style at moves nila para manalo. Subukan itong i-apply sa sarili mong laro. I-replay din ang sarili mong matches at i-check kung saan ka nagkulang o nagkamali.

dota 2 game 

5. Show Respect and Stay Calm. Be humble at down to earth sa tuwing sasalang sa match. Maging responsable at makitungo nang maayos sa ibang player mapa-kakampi man o kalaban. Iwas-iwasan ang trash talking dahil bukod sa maingay na at nakakasira ng focus, baka blood pressure mo lang ang tumaas at hindi ang score ninyo sa laban. Huwag ding magbintang ng kakampi, sa halip ay turuan ito para mas gumanda ang laro ng team ninyo.

 trashtalk_DOTA

6. Practice. Practice. Practice. Ito na yata ang pinaka-overused na tip na applicable kahit saan pero aminin ninyo, ito rin naman ang pinakamadali. Subukang maglaro nang hanggang 5 matches tuwing practice day para ma-preserve ang consistency ng iyong laro.Makakatulong nang malaki ang pag-master ng “last hit” at pag “deny” upang makalevel-up nang mabilis. Alamin din ang tamang pag kunsumo ng iyong mana, range ng iyong spells at huwag matakot mag-ekspiremento ng mga bagong item build at magbasa ng mga guidelines para pagdating ng totoong labanan ay ready na ready ka na!

dota items

7. Don’t Give Up! Ito ang kakambal ng tip #6, huwag kang susuko kung gusto mo talagang maging magaling. Puwedeng malungkot ng ilang oras kapag natatalo sa mga match, pero huwag mo ng paabutin pa ng days and weeks ang pagmumukmok. Lahat ng professional players, naging beginners muna. Walang shortcut sa greatness! Subok lang uli pagkatapos matalo. Ika nga ng kasabihan, “Don’t expect to win if you don’t know how to lose!”

DOTALOSER

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

7 Tips Kung Paano Kumita Online

Ilang oras sa isang araw ang nilalaan mo para mag-stalk sa Facebook, magpa-cute sa Twitter, at magpost ng mga #selfie at #ootd sa Instagram? Alalahanin: Time is money. Explore mo na rin ang mga iba’t ibang paraan upang kumita ng extra online!

 By: ListAvengers

1. Magturo at Magtutor. Kung may sapat na kakayahan o kaalaman sa mga napapanahong paksa, bakit hindi mo subukang magturo online? In demand din ngayon ang mga online English teachers at tutors. Magtraining at magtutor kahit ilang oras lang kada linggo at, tulad sa pelikulang English Only Please, baka mahanap mo pa ang Derek Ramsay ng buhay mo!

BONUS: Maaaring bisitahin ang RareJob Home-based English Online Tutorial para sa possible online teaching career.

 englishonlyplease

2. Magmanage ng social media accounts. Isa sa mga nagiging trend ngayon ay ang paggawa ng mga kumpanya ng sariling FB page, Twitter at Instagram accounts. Paraan nila ito para icommunicate ang mga messages, announcements, promos o mga updates. Sa halip na i-check bawa’t minuto kung ilan na ang nag-like ng post mong mega drama o i-stalk ang ex mo, magmanage ka na lang ng mga social media accounts ng iba – brand man o celebrity!

socialmediamanager

3. Maging blogger. Ang hobby na ito ay puwede maging source ng income! Magsulat ng mga makatotohanang karanasan, magbigay ng travel tips, magreview ng mga pagkain o damit, o di kaya ay magdocument ng mga kaganapan sa inyong lugar. Ilan lamang iyan sa mga puwedeng laman ng iyong blog. Sumali rin sa mga blogger groups tulad ng Nuffnang Philippines upang makakuha ng tips, makilala ang iba pang mga bloggers, at makakuha ng advertisers para kumita!

 filipinobloggers

4. Magfreelance. Sino ba ang hindi ma-eengganyong kumita ng extra?  Bukod sa iyong official na trabaho, puwede mong gamitin ang iyong mga skills para rumaket online. Bisitahin ang website na E-lance o di kaya naman Odesk, at magbrowse ng mga online jobs na pasok sa kakayahan o schedule mo. Ang maganda rito ay ikaw ang sarili mong boss at may kontrol sa oras mo. Siguraduhan lang na huwag gawin ang raket during office time at matatapos mo ang lahat ng commitment na makuha mo!

BONUS: The 15 Best Freelance Website To Find Jobs

freelancejobs

5. Magdevelop. Hindi lang feelings ang puwedeng madevelop, pati website! Imbis na gumastos sa panliligaw, kumita ka na lang bilang isang developer na taga-design o taga-maintain ng website. Kung wala pang programming skills, nag-ooffer ang TESDA ng vocational course para dito. Go! Go! Go!

webprogrammer

6. Maglaro. Marami ang naa-adik sa mga online games gaya ng Clash of Clans o DOTA. Sa computer shop man o sa sariling bahay, marami ang naglalaan ng oras para makapaglaro ng mga ito.  Gamitin ang oras sa paglalaro para magpakadalubhasa at sumali sa mga e-sports competitions. Ilan sa mga competition na ito ay nag-ooffer ng mga premyong pera na puwedeng ipunin at gamitin pang-tuition o panggastos sa mga bayarin sa bahay. Gawing inpirasyon ang TeamRave na kilala na sa buong mundo.

esports

7. Magbenta. Simulan na ang matagal-tagal mo ng inaasam na negosyo. Magsimula sa maliit lang muna. Para walang gastos sa renta at tao, magbenta na lamang online gamit ang iba’t ibang platform. Puwedeng simulan muna sa Facebook kung wala pang sapat na puhunan para sa website. Magbenta ng mga kung anu-anong items tulad ng damit, pagkain, gamit sa bahay o gadget, siguraduhin lang na may market ang ibebenta mong mga produkto. Marami na ring mga Pilipino ang umangat ang estado ng buhay dahil sa pagbebenta online. 

BONUS: Bukod sa Facebook, maaaring magbenta ng inyong mga produkto sa OLX o Ebay.ph

onlineselling

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

7 Tips Para Maka-Survive sa College

Handa ka na ba sa bagong school year ng mga projects, recitations, group work, mahahabang exam at thesis?  Ang sabi ng ilan, ang college life ang pinaka the best.  Ito ang pitong tips para maitawid ang kolehiyo at maging memorable itong taong ito!

By: ListAvengers 

1. Time and Money Matters. Huwag masyadong magwaldas ng pera. Hindi porke’t pinapabaunan ka ay uubusin na ito sa kung anu-ano lang. Magtipid at mag-ipon para hindi nganga kapag bakasyon. Tuwing lunch ay mag-siomai rice na lang.  O ‘di kaya naman ay maglakad papuntang campus, pero siguraduhin lang na hindi ka male-late. Kung medyo hirap naman sa pagbayad ng tuition, puwede ring umextra pa-minsan sa mga part time na trabaho katulad na lang ng student assistant o tutor. Hindi ka lang wise sa eskuwela, wise ka pa sa pera.

englishonlyplease

2. Know the people in your neighborhood. Magmasid-masid sa paligid at makipagkaibigan sa mga taong madalas mong makahalubilo. Bukod sa classmates mo, kausapin din ang Xerox lady sa inyong building. Mag-hi at ngitian si manong guard sa tuwing papasok ka, kumustahin ang mga nagbebenta sa canteen bago umorder ng pagkain, o kilalanin ang mga nasa admin, registrar at pati sa guidance office. Magandang paraan ito para ma-feel mo na parang second home mo ang university ninyo. 

UPSecurityGuard

3. Find your clique. Dumikit sa mga tamang tao o grupo. Pumili at humanap ng mga true friends na puwede mong makaramay sa lungkot at saya. Umiwas sa mga taong nanakit, mga gang at mga underground na organisasyon sa campus, at huwag na huwag i-unleash ang iyong bad side sa pagiging bully. Para less pressure, puwede mo rin namang hanapin ang iyong passion, at bumuo ng sarili mong cool crowd. Tandaan lang na maging inclusive o bukas sa lahat. The more friends, the happier!

First Day High

4. Face your Fears. Makipag-unahang umupo sa unang row sa loob ng mga classroom, plus factor din kung sa harap pa mismo ng teacher ninyo. Medyo nakakatakot ang move na ito pero sabi nga sa kasabihan, face (literal) your fears. Bakit? Kasi magmumukha kang confident at maraming alam sa klase. Madalas din matawag sa recitation ang mga tao sa likuran ng classroom. Tandaan lang na iwasang ma-inlab kay Sir at Ma’am kahit nasisilayan mo sila nang malapitan.

 teacherspetmeme

5. Find your sweet spot. Mag-ikot-ikot sa campus at sa mga kalapit na establishments, aralin ang bawat sulok nito. Humanap ng mga lugar na sa tingin mong makakatulong sa iyo na masagot ang pinakamahirap na math problem o mga feelings na bumabagabag sa iyo. Mas mainam kung ang mapili mong tambayan ay few inches away lang sa mga crush ng bayan.

 USTloverslane

6. Be a Bibo Kid. Sumali sa mga extra curricular activities, mag-volunter sa mga outreach programs o ipakita ang mga talentong matagal mo nang tinatago sa baul. Kung may sapat kang confidence, puwede rin namang tumakbo sa student council. Maraming benepisyo ang pagiging bahagi ng mga student organizations, hindi lang life long friends and experiences ang makukuha mo, gaganda pa ang resume mo kapag nag-apply ka na ng trabaho.

UPPepSquad

7. Study Hard, Party After. Syempre wala ng mas hihigit pa sa pag-aaral nang mabuti para ma-survive mo (literally) ang college life. Huwag na huwag kalimutang kahit anong mangyari, isa kang estudyante at ang ultimate goal mo ay ang matapos ang degree mo. Huwag mahiyang magsingit nang kaunting oras para sa “good time.” Magsingit ng konting gimik, party, o pag-ibig, alamin mo lang ang iyong tamang limit! Study hard, party after.

DLSURaveParty

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

7 Things To Do #WhenYoureBoredOverSummer

 

 

By Listavengers

 

Bored ka ba? Ito ang pitong suhestiyon para maalis ang boredom mo at maging productive ang iyong summer!

 


1. Mag-swimming. Sa init ng panahon, masarap magbabad sa dagat. Kung walang pera o oras mag-outing, magtampisaw na lang sa inflatable pool, batya o sa drum!

swimmingsabatya

 

 

2. Magpaka-sporty. Bago i-showcase ang katawan sa LaBoracay, bumisita sa boxing gym, jumoin sa volleyball league, subukang mag-Zumba, o makiuso sa mga exercise videos para ma-achieve ang inaasam na yummy body.

zumba

 

3. Mag-aral magluto. Mag-ala Chef Boy Logro ngayong summer at pagbutihin ang cooking skills. Ipatikim sa mga kaibigan at pamilya o di kaya magpasikat sa iyong crush! Ika nga nila, the best way to anybody’s heart is through his/her stomach.

chefphoto

 

 

4. Maging next Youtube Sensation o Online Hit gaya nina Mikey Bustos at Bogart The Explorer! Sumakay sa uso na dubsmash o kaya, maglaro ng DOTA habang walang pasok sa eskuwela. Mag-DOTA till the break of dawn, malay mo, maging next member ka ng #TeamRave. Huwag ka lang pa-offload.

bogarttheexplorer

 

5. Mag-emote ng wagas! Magbasa ng libro habang nasa coffee shop para magmukhang studious. Gumawa ng tula tungkol sa traffic sa EDSA o di kaya’y mag-blog tungkol sa iyong sawing pag-ibig. Baka maging viral pa ang iyong susulatin at gawin pa itong novela ng Precious Hearts Romance.

emote

 

6. Magpakitang gilas sa pagvovolunteer for a good cause.  Isama ang mga barkada o gawing date ang paglilinis ng classroom sa Brigada Eskuwela o pagtatayo ng mga bahay sa GK Bayani Challenge. Nakapagpa-cute ka na, nakatulong ka pa.

volunteer

 

 

7. Mag-move on at mag-let go…ng mga lumang gamit sa bahay.  Ang mga gadget na di na nilalaro at mga t-shirt na di kasya, ibenta mo na sa OLX.  Baka ito na ang simula ng hinihintay mong suwerte sa negosyo. Huwag lang ibebenta ang gamit na hindi sa iyo.

OLX

 

Kung mayroon kang naiisip na Lis7ahan at nais maging miyembro ng ListAvengers, mag-email sa team.bamaquino@senado.ph!

 

 

Scroll to top