Manny Pacquiao

BIDA KA!: Pagpupugay sa Peoples Champ!

Subalit, puro yakap, iwas at takbo ang ipinakita ni Mayweather sa kabuuan ng 12 rounds na bakbakan.
Kaya nang ihayag ang panalo ni Mayweather, umali­ngawngaw ang malakas na pagkontra ng fans sa desisyon.

Para sa fans, sapat na ang ginawa ni Pacquiao para manalo habang halos panay takbo, iwas at yakap lang ang ginawa ni Mayweather at hindi nakipagsabayan sa Pambansang Kamao.

Kaya may ilang Hollywood stars ang nagpahayag ng pagkadismaya sa social media, kabilang na si Jim Carrey, na nagsabing, “hindi niya alam kung boksing ang kanyang napanood o Dancing With The Stars.”

Pinuri naman ni Sylvester Stallone ang Pambansang Kamao sa kanyang tweet na “Manny Pacquiao – without a doubt, the single, bravest and most exciting fighter to ever lace on gloves. No one comes close. Seen them all!”

Dismayado naman sina dating heavyweight champion Mike Tyson at bilyonaryong si Donald Trump sa resulta ng laban.

Sa tweet ni Tyson ay nakalagay na, “We waited 5 years for that. #Underwhelmed #MayPac” habang nag-post naman si Trump ng, “The fight was a total waste of time.”

***

Mistula namang binagsakan ng langit at lupa ang buong Pilipinas nang ianunsyo ang resulta ng laban.
Maraming nangantiyaw nang husto sa ginawang pag-iwas, pagtakbo at pagyakap ni Mayweather sa paggawa ng iba’t ibang memes sa social media sites.

Kahit pa nakatikim ng masakit na pagkatalo, hindi pa rin nawala ang matibay na suporta ng Filipino sa Pambansang Kamao.
Nanatili pa ring nagkakaisa ang bansa sa likod ni Pacman. Itinuturing pa rin siyang bayani at inspirasyon ng maraming Filipino.

Hindi ba’t masayang tingnan kapag nagkaka­isa ang taumbayan, lalo na sa harap ng matinding pagsubok.
Pero mas maganda kung hindi lang tuwing may laban si Pacquiao nagkakaisa ang mga Fili­pino. Mas maganda kung mangyayari ito sa ­lahat ng panahon, lalo na ­tuwing may kagipitan o krisis.

Mas mabilis ang pagbangon at mas madaling malampasan ang pagsubok kapag nagkakaisa ang lahat. Mas madaling lampa­san ang problema kung lahat tayo’y nagsasama-sama upang ito’y maresolba.

Muli na namang na­pa­tunayan na lalong tumitibay ang pagkakaisa ng mga Filipino tuwing nahaharap sa pagsubok. Gawin natin ito sa lahat ng panahon!

 

First Published on Abante Online

7 Things To Do Para Maka-Move On sa Pagkatalo ni Pacman

Lis7ahan Logo

By Listavengers

 

Hindi mo pa rin ba tanggap na natalo ang ating People’s Champ? Ito ang pitong suhestyon para maka-move on sa depression!

1. DENIAL. Ilista mo na lahat ng dahilan kung bakit dapat si Pacman ang nanalo! I-search sa social media ang lahat ng posts na may hashtag na #MayPac at doon maglabas ng hinanakit. Makipag-debate sa mga nakakaasar na Mayweather fans. #BitterOcampo

maypactweets

2. ISOLATION. Magkulong sa videoke at ilabas sa kantahan ang sakit ng loob. Save the best Pacman song for the last…Para sa’yo ang laban na ‘to!

xtrememagicsingpacquiao

 

3. ANGER. Mag-print ng mga mukha ni Mayweather at idikit sa punching bag. Um-all-out na sa boxing gym at ilabas ang galit kay Floyd!

mayweatherspeedball

4. BARGAINING. Gumawa ng online petition para sa rematch.  In fact, you can click HERE to sign the ongoing petition for Mayweather vs Manny Pacquiao rematch.

PacquiaoandMayweather rematch

5. DEPRESSION. Umiyak. Group hug, guys.

vice ganda onpacquiao's loss to may weather

                               Click PHOTO to WATCH the VIDEO

6. HUMOR. I-share lahat ng nakakatawang meme ni Mayweather! O di kaya ilabas ang true creative and funny self at gumawa ng sariling viral sensation na makakatulong din sa ibang bitter Pacman fans.

mayweathervsManny

7.  ACCEPTANCE. Ang dami na ring napatunayan ni Pacman at humahanga na sa kaniya ang buong mundo. We’re proud of you, Maneeeeee!

we'reproudofyoumanny 

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

Scroll to top