Mar Roxas

Statement of Bam Aquino on the Rappler Article about the Balay Banning

While I admit that some members of the LP were surprised by my SET vote, nais kong idiin na ginalang naman nila ang naging desisyon natin at walang sinuman sa partido ang sumubok na impluwensiyahan ako sa kaso.
 
Ngayon, abala tayo sa pagtiyak na mananalo sina Mar Roxas, Leni Robredo at ang buong LP Senate slate sa 2016 elections.
 
Ang mga balita-balitang mga ganito ay mga tangka lamang na ilihis ang ating atensiyon. Tuloy-tuloy tayo sa pagpapanalo para kay Mar, Leni, at ang ating LP Senate slate!

Bida Ka!: Umiinit na ang laban sa 2016

Mga Bida, noong nakaraang Biyernes, saksi tayo sa isa na namang makasaysayan at emosyonal na pangyayari sa Club Filipino nang pormal nang ideklara ni Pangulong Noynoy Aquino si Interior Secretary Mar Roxas bilang pambato ng Liberal Party sa 2016 elections.

Sa pangyayaring ito, tinuldukan na ni PNoy ang anumang usapan at binura ang mga pagdududa sa kung sino nga ba ang isasabak ng admi­nistrasyon sa darating na eleksyon.

Muli na namang nabuhay ang alaala ng pagdedeklara ni yumaong Pangulong Cory Aquino ng kandidatura bilang pangulo ng Pilipinas noong 1986. Dito rin nagdeklara si PNoy ng kanyang kandidatura bilang presidente noong 2009.

***

Mga Bida, muling iginiit ni PNoy ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng tuwid na daan sa mga susunod na taon, lalo na’t malayo na ang narating ng Pilipinas pagdating sa ekonomiya at giyera kontra katiwalian.

Isa raw sa kanyang mga obligasyon na dapat gawin bago matapos ang kanyang termino ay siguruhin na hindi masasa­yang ang kanyang sinimulan na malinis at tapat na pamahalaan.

Giit pa niya, “Lahat ng mahahalagang bagay, kapag hindi mo ipinaglaban, kapag hindi mo inalagaan, maaaring mawala.”
Kaya nauunawaan natin ang kanyang sinabing, “napakalaki ng nakataya para ipaubaya sa “baka sakali”.

Mga Bida, ang paborito kong bahagi ng talumpati ni PNoy ay kung saan sinabi niya na “iisa lang naman ang boto ko, gaya ng bawat Pilipino. Baka po mas tamang sabihin: Lahat tayo, may obligasyon dito.”

Hindi lang sa iilan kundi sa buong bayan nakasalalay ang pagpapatuloy ng “tuwid na daan”. Nasa ating responsibilidad kung muling babalik ang Pilipinas sa bulok na sistema kung saan talo ang sambayanan.

***

Puno naman ng emosyon ang talumpati ni Sec. Mar, na ilang beses napaiyak habang inilalahad ang kanyang pinagdaanan sa mundo ng pulitika.

Sa bulwagang ito nagpaubaya siya para sa pagtakbo ni PNoy bilang pangulo noong 2009. Binitawan niya noon ang mga salitang “bayan muna, bago ang sarili” na prinsipyong ipinamana ng kanyang lolo na si Pangulong Manuel Roxas at amang si Sen. Gerry Roxas.

Nabanggit din niya ang kanyang pinag-ugatan sa pulitika. Nang mamatay ang kanyang kapatid na si Dinggoy noong 1993, naipasa sa kanya ang obligasyon na magsilbi sa taumbayan.

Sa kanyang pangwakas na salita, ipinangako niya na hindi niya dudumihan ang pangalan nina Tito Ninoy at Tita Cory at pati na rin ang pangalan ni PNoy.

Sa kanyang lawak ng karanasan at malinis na record, tiwala akong taglay niya ang kakayahan na ituloy ang pagtahak ng Pilipinas sa tuwid na daan.

Siyempre mga bida, lahat ng ito’y nakasalalay pa rin sa kamay ng taumbayan. Ang maganda rito, exciting ang 2016 elections dahil mas maraming mapagpipilian ang mga botante.

Kaya, mga Bida, ang panawagan natin sa taumbayan ay timbangin ang kakayahan at karanasan ng bawat kandidato sa darating na halalan. Maging matalino sa pagpili dahil kinabukasan ng bansa ang nakasalalay sa ating mga boto!

 

First Published on Abante Online

 

 

Bam: Mag-Resign na ang mga Tatakbo

“Tinatawagan natin ang mga tatakbo sa darating na eleksyon na magbitiw sa puwesto bilang mga opisyal ng Executive Departnent upang hindi maakusahang ginagamit ang kanilang posisyon sa pamumulitika, para hindi maantala ang trabaho ng mga ahensiya na kanilang pinamumunuan at maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa ating taumbayan.

Tularan nila ang naging hakbang ni Secretary Mar Roxas, na nag-anunsiyong magbibitiw na bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).”

No split in Liberal Party ranks over Mar, Poe, says Bam Aquino

Senator Paolo “Bam” Aquino IV yesterday denied the Liberal Party (LP) is divided due to the possible entry of Sen. Grace Poe Llamanzares as the party’s standard-bearer in the May, 2016, elections, with party members split between her and Secretary Manuel “Mar” Roxas II of the Department of the Interior and Local Government.

“Hindi naman (Not really). We’re part of a democracy. Siyempre po, may gusto tayo at ayaw  (Of course, we have some people we like, some we don’t),” Aquino told reporters in an interview. “Ganoon din po ang Liberal Party  (It’s the same with the Liberal Party),” he said.

“May proseso pong pinagdadaanan. Palagay ko naman kapag tapos na ang prosesong iyan ay muling magsasama-sama ang partidong kinalalagyan ko. (We go through the process. I think after we finish that process, the party will come together again),” he said.

Drilon had earlier said he hopes Roxas declares his intention to join the presidential race amid speculations of a possible tandem with Poe.

“Let me say we have an official process in the party but I would take the position that Mar Roxas should now declare his intention,” Drilon said. “If he is indeed interested — and I think he is – he should declare now his intention that he would want to present himself as a candidate for the presidency in 2016.”

Drilon said he believes Roxas is the person who can continue the reforms and programs initiated by the Aquino administration.

Senator Aquino said the party cannot afford to choose the next leader on the basis alone of personality. “Dapat tanungin natin, ano ba talaga ang plano nila. Sino ba ang may kakayahan na dalhin tayo sa kinabukasan? (We should ask them what are their plans? Who has the capability to bring about a future for our country),” he said.

“Five years from now, dapat ang Pilipinas yumayaman na. Dapat ang mga kababayan natin di na kailangang mangibang bansa para makakuha ng magtrabaho. Dapat iyong mahihirap mayroon  ng pagkain, trabaho, at may negosyo na (The Philippines should already be rich, our countrymen should no longer be going abroad just to find work. The poor should have food, jobs and their own businesses),” he said.

The question is who will help the country achieve that? I think those who aspire to run for office should be able to answer those questions, Senator  Aquino said.


CONTINUE READING ON MANILA BULLETIN

 

 

Bam on Grace Poe and RESCYouth Act (Interview after Hearing)

On Grace Poe as Possible 2016 LP candidate

 

Right now, dumadaan din sa proseso ang partido. The President has also said na very soon, the party will decide on who the standard bearer will be.

 

I think it’s just right na kausapin ang iba’t ibang tao. Kailangan lang sigurong antabayanan kung ano ang magiging desisyon.

 

As party member, of course, we look at the different processes na kailangan. Very soon. Sooner than you think, lalabas na rin ang final decision of the party.  Ang hanap natin ay iyong best for the country. Ang mahalaga riyan, kung sino ang magpapatuloy ng reporma.

 

Sisiguraduhin na hindi tayo babalik sa napakaraming corruption in the past. We just really need to look at the options and all the alternatives.  Very soon, once this is decided, we can really start moving forward already.

First of all, I think Secretary Mar Roxas is still the presumptive candidate of the party. But palagay ko mahalaga rin na i-explore ang lahat ng possibilities, kasi kung tutuusin may proseso naman iyan, and even sa senatorial slate, all the positions I think, will have to go through the process also.

Ngayon, it’s time to really go and ask all of these people who want to run kung ano ba talaga ang mga plano nila. What do they really want for the country?

 

I think we’re too focused sa personalities. I think ang mahalaga, alamin natin kung ano ba talaga ang mga plano nila para sa ating sa bansa.

 

I don’t think that we’re asking that question. Ano ba ang gusto nilang gawin para sa bansa? Ano ba ang reporma na gusto nilang itulak? Palagay ko, iyon ang kailangang malaman, hindi lang ng partido, ‘di lang ng presidente kundi pati ng taumbayan.

 

We’re less than a year from the elections, people aren’t even asking kung ano ba ang plataporma ng mga presidentiables na ito. Palagay ko mahalaga na malaman natin kung ano ba ang gusto nilang gawin sa bayan at doon tayo magdesisyon.

 

Q: Bakit presumptive candidate si Roxas?

 

The process is still ongoing. So that’s why it’s still presumptive at wala pang final decision ang partido. Of course, he’s someone who I think has been talked about for a long time, obviously, he’s part of that very short list.

 

Q: Hindi pa ba sapat na itapat siya ng partido kay Binay?

 

Palagay ko, ang sagot sa tanong na iyan, mare-resolve iyan in a couple of weeks. The party is still undergoing this process at kapag nakapagdesisyon na talaga ang partido, malalaman natin kung sino ba talaga ang lalaban sa kung kanino.

 

At this point, it’s all speculation. I think ang taumbayan natin, need to start asking the question, ano ba ang repormang gusto nating maitulak, ano ba ang gusto nating baguhin at sino ba ang magpapatupad noon?

 

We’re not asking those questions enough. Sayang naman ang pagkakataon natin  na tanungin iyong mga tanong na iyon.

 

Kasi kung puro Binay ba, si Grace Poe ba o si Mar Roxas ba, tanungin natin kung ano ba ang madadala nila sa ating bayan. Ano ba ang kaya nilang gawin para sa Pilipino?

 

If we start having that discussion, mas magiging mayaman ang diskusyon natin.  Iyon ang palagay ko na mas mahalagang tanong.

 

On inclusion of NYC Commissioner to the NDRRMC

 

We’re hoping na mapasa natin ang RESCYouth Act as soon as possible. Marami na ring activities ang mga kabataan pagdating sa disaster preparedness.

 

Palagay ko naman, there will be little or no opposition to this bill so we’re hoping that we can have this passed soon.

 

Tamang tama na malapit na rin ang rainy season, so palagay ko if we can get this bill passed, we can already include the youth sa planning processes natin sa mga iba’t ibang councils.

 

Kung mapapansin mo ang bill na isinusulong natin, we are adding a representative of the youth in every council sa national and local levels.

 

Ang mga kabataan, very active na sila. Sila rin iyong no. 1 volunteer, sila ang unang-unang pumupunta kapag may rescue, unang-unang kasama sa rehabilitation. Nakita naman natin na kahit sa disaster preparedness, kasama rin sila.

 

Kaya it’s really time na ilagay rin ang mga kabataan sa ranggo ng nagpaplano ng disaster management.

 

All of the resource speakers, I think, supported the bill, even DILG, the local governments that were here, ang Climate Change Commission and of course, the National Youth Commission.

 

I’m hoping that we can pass this bill as soon as possible and magawa na natin iyong probisyon na ang mga kabataan ay mayroong espasyo sa mga council natin na may kinalaman sa disaster management.

 

Sa national will be the chairman of the NYC. On the local level, it will be chosen by the local government units.

 

Right now, ang mga different LGUs natin, katrabaho nila ang mga kabataan but usually as volunteers. We want to raise that participation, gawin nating kasama sa planning process.

Scroll to top