7 Paraan Para Mas Maging Mabenta ang Inyong Produkto
By Lis7avengers
Patuloy na ang paglaganap ng pagnenegosyo sa bansa bilang isang alternative source ng kita. Ang iba pa nga ay nagnenegosyo on the side kasabay ng pagiging empleyado. Kasinhalaga ng quality ang tama at patok na pagbebenta ng produkto at serbisyong inyong inaalok. Ito ang 7 suggestions para mas mamarket pa ang inyong products and services!
1. Study your Target Market. Isa ito sa mga aspetong kadalasang nakakalimutan ng mga negosyante. Tanungin muna ang sarili: Sino nga ba ang gusto nating bentahan? Kapag nasagot na ang tanong na ito ay mas mapapadali na ang pagbebenta dahil pwede nang magfocus sa kung ano ang gusto at interes ng inyong posibleng consumer. Kung hair loss treatment ang ino-offer ninyo, baka hindi akmang ibenta sa mga college students ang produkto ninyo.
2. Offer Free Taste/Experience. Alam naman natin na anumang libre ay tatangkilikin. Kaya kung nagsisimula pa lang at di pa ganoon kakilala ang inyong produkto o serbisyo, baka kailangan mo ng kaunting patikim. Maglaan ng kaunting budget para rito, mag-invite ng mga kaibigan, bloggers at kapitbahay na ma-experience ang ino-offer ninyo. Isipin ninyo na lang na best marketing pa rin ang “word of mouth,” kaya pag nag-enjoy at nagustuhan nila, hindi lang sila bibili, paniguradong ipagkakalat din nila ito sa iba.
3. Improve your packaging. Para sa mga product-based na negosyo, mahalaga ang tip na ito. Umiwas na sa mga plain na plastic na lalagyan at hindi mabasang label. Gawing kaaya-ayang tingnan ang inyong mga produkto kapag nakadisplay na ito. Gumamit ng kakaiba o unique na packaging para isang tingin pa lang, mae-engganyo na ang mga taong bumili. Hindi kailangang mahal ang materyales na gagamitin, basta pinag-isipan at creative, puwedeng puwede na!
4. Maximize the Internet/Social Media. Ayon sa Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), halos kalahati na ng ating populasyon ay online noong 2014. Gawing accessible ang inyong negosyo sa pamamagitan ng social media at Internet. Gumawa ng website, Facebook page, Twitter at Instagram account para maipakita ang inyong produkto at serbisyo. Siguraduhin lang na may tututok sa pagma-maintain ng mga accounts na ito. Bukod sa libre o mura lang ang mga platform na ito, madali pa itong gamitin. Maski sa cellphone mo, makakapagmarket kayo nang todo!
5. Create Promos. Dahil ginamit mo na din naman ang social media sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo, palakihin lalo ang reach at following sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga promos para sa iyong consumer. Kunwari, mamigay ng souvenir items kapag malaki/madami ang in-order nilang produkto. Puwede ring magpa-contest o magbigay ng discount paminsan-minsan. Ang maganda sa promo ay kayo ang may kontrol sa mechanics at mga ipapapremyo.
6. Explore Crowdfunding. Narinig na ninyo ba ang konseptong ito? Ito ay ang paghahanap ng funding para sa isang negosyo sa tulong ng donasyon mula sa grupo ng mga tao. Puwedeng bigyan ng reward / produkto ang mga taong magpe-pledge na magdo-donate sa inyong negosyo. Alternatibong paraan ito para makakuha ng dagdag na kapital. Bukod dito, puwede rin itong gamiting paraan para mai-market ang isang produkto at serbisyo. Sa crowdfunding, puwede mong mas maipakilala sa mas maraming tao ang inyong produkto/serbisyo. Sa Pilipinas, isa ang The Spark project sa mga gumagawa nito.
Additional info: http://www.rappler.com/move-ph/87257-crowdfunding-future-businesses-philippines
7. Use your USP. Unique Selling Proposition – Ito ang ikinaiba o ikinabuti ng inyong produkto/serbisyo laban sa ibang kakumpitensiya. Bukod sa target market, kailangan mo ring matukoy ang inyong USP. Para mas makatulong, puwedeng sagutin ang tanong na: Bakit produkto ninyo ang bibilhin nila at hindi produkto ng iba? Kadalasan din itong naihahambing sa “added value” ng produkto. Ibida ang USP kapag nagbebenta. Halimbawa, lagyan ng pampaputi ang inyong puto para may kakaibang effect pag kinain. Pwede mo ring i-label itong Puto-thione! Oh di ba!
Kung nais mo pa ng karagdagang tips, huwag mag-alinlangang pumunta sa pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar. Mayroon din ba kayong ibang suggestion sa pagma-market ng produkto? Huwag mahiyang mag-share sa team.bamaquino@senado.ph!
Recent Comments