Pahayag ni Senador Bam Aquino sa Aksidente sa MRT
Nakakalungkot na nagkaroon ng aksidente ang isang MRT train ngayon, lalo na at may mga nasaktan sa pangyayari. Kailangang bigyan ng sapat na tulong at pag-aasikaso ang mga nasaktan. Siguraduhin nating maayos ang nangyaring aksidente upang wala nang masaktan pa at maibalik sa dating operations ang MRT ngayong gabi.
Magpapatawag ako ng imbestigasyon sa Senado upang umupo ang iba’t ibang ahensiya at mga grupong mula sa pribadong sektor at pag-usapan ang mga isyu sa MRT system. Ito na rin ang tamang larangan para sama-samang makalikha ng mga solusyon sa panandalian at pangmatagalang panahon.
Mahalaga ang MRT system para sa ating mga pasahero sa Metro Manila dahil ginagamit nila ito para makarating sa kanilang mga opisina, mga paaralan at mga tahanan. Hindi katanggap-tanggap na ang isa sa pinakamahalagang pampublikong sistemang transportasyon ay delikado para sa ating mga pasahero.
Huwag na nating hintayin ang mas malalang aksidente bago asikasuhin ang mga matagal nang dapat pansinin – mas mahigpit na sistema ng inspeksyon, rehabilitasyon at pagpalit ng mga bahagi ng mga tren at railway, at iba pa.
Recent Comments