no permit

Bam on Duterte’s statement on policemen involved in Espinosa killing, VP Leni

Transcript of media interview in Iriga City

 

Q: Reaction sa ginawa ni Digong na hindi niya ipakukulong (ang mga pulis na involved sa Espinosa killing)?

 

Sen. Bam: Alam mo, pabagu-bago ang statements niya tungkol diyan. I think, binago na rin ng Malacanang ang sinabi niya.

But definitely, kung talagang may nakita tayong mga pulis na gumawa ng masama, dapat silang makulong.

 That’s the rule of law. Hindi puwedeng mapawalang-bisa iyon nang basta-basta na lang.

To be frank, may sinabi siya kahapon. Binago today. Alam niyo, hindi ko na rin alam kung ano ang mga ibig sabihin talaga.

 Siguro, iyong panigan na lang natin is kung may sala na ginawa, na mukha namang meron. The NBI has said it, internal affairs, iyong medico legal, iyon rin po ang sinabi na rubout ito, dapat talaga managot ang mga pulis na iyon.

  

Q: Kumusta po ang Liberal Party?

 

Sen. Bam: Lahat kami ay nakasuporta kay VP Leni. Ang mahalaga po ay matuloy niya ang kanyang misyong tumulong sa ating bayan.

She said it many times in the past na hindi naman kailangan ng gobyerno upang makatulong sa ating bayan.

If you remember, medyo late na rin siyang nakapasok sa Gabinete at nakaplano na rin kung paano makatutulong sa mga nasa laylayan kahit walang government agency.

 Ngayong wala na siya sa Housing, I think what’s important is tayong sumusuporta sa kanya, we help her to be able to do her mission na tumulong sa nasa laylayan ng lipunan.

The party is solidly behind her sa kanyang desisyon at sa mga susunod na hakbang na matuloy ang kanyang misyon na tulungan ang mahihirap kahit wala na sa Gabinete.

 

 On bill against “no permit, no exam policy

 

Sen. Bam: Masyado yatang grabe na hindi mo papa-eksaminin ang bata dahil hindi lang makabayad. We want to make this illegal, gusto nating pagmultahin ang mga guro, administrador at mga eskuwelahan na gumagawa nito. We want to make sure na ang hindi makatarungang gawain na iyan ay matigil na. We’re hoping na mapasa natin ito sa ating committee para matigil na ang practice na ito na hindi makatarungan sa mga kabataan.

 

Q: Ang problema po ng ating mga estudyante sa high school, elementary at nursery ay ang mga field trip, film showing, among others. May magagawa ba kayo para ito’y matigil na dahil ito’y lumalabas na anti-poor dahil nasa public school na nga, papagastusin pa ang mga magulang?

 

Sen. Bam: We’ll try to find a way na mabalansehin po iyan. Ang ganyang extra-curricular activities, maganda rin iyan for the development ng mga bata pero kung hindi na siya ma-afford, hindi na siya maganda.

Narinig na rin namin iyan na maraming bata ang hindi nakakapunta. We’ll try to find a way to balance that out kasi pag in-outlaw naman natin o tinanggal natin completely, hindi naman iyon maganda rin.

We’ll try to find a balance. Magandang mabigyan ng subsidy ang ating mga eskuwelahan para mas marami ang maka-avail nito.

 

Q: Kanina sa program ko, may nag-text. Baka puwede mo ring sabihin kay Sen. Aquino na ang public schools, baka puwede maging free, as in free, sa mga bayarin. Bukod sa PTA dues, marami pa ring hinihingi sa mga pupils like homeroom projects, tours, sarsuela, tickets etc. Baka puwede rin silang maglaan ng funds per student sa mga public school.

 

Sen. Bam: Iyong mga sarsuela at non-essential matters, dapat hindi na ituloy o di na gawing requirement. Ang public school system natin, gusto ho natin libre iyan. Ang alam ko ho ngayon, ang mga gastusin na lang ngayon ay iyong uniform.

 Ang iba pang fees gaya ng field trip at film showing, gusto ho nating ma-minimize natin iyan at mabigyan ng tsansa ang bata na maka-experience niyan nang hindi malaki ang ginagastos.

 But again, it’s about finding a balance. Most of the expenses sa ating schools, subsidized na po iyan. I would even say, more like 90 percent or 95 percent may subsidiya na po. Ang palagay ko, maganda pong tingnan iyan.

Ang sinisikap naman natin ngayon, maging free rin ang tuition fee natin sa state universities and colleges. Iyon ang next natin na binibigyan ng pansin. We’re hoping to pass that by next year.

Scroll to top