obama on china

Bam on China, DICT, Blue Ribbon Report (Radio Show Status Update)

On Obama’s Statement re China issue

“Kung ang usapan natin ay historical, lahat na lang ng baho ilalabas ng iba’t ibang bansa. Let’s keep the discussion doon sa currently na nangyayari.

 

Siguro ang kapansin-pansin lang at alam naman nating lahat, ni-raise na ho ito ng ating bansa sa mga international bodies na tuluy-tuloy iyong pagtambak sa ating mga isla at iyong pagtayo ng facilities na nakakapangamba talaga.

 

In fact, kung titingnan ninyo, mas maiintindihan natin ang pangamba kapag nakita natin ang mapa. Kasi mga kaibigan, kung nakita ninyo ang mapa kung saan ang facilities na ito, napakalapit po sa ating bansa at napakalayo sa China.

 

Isang lugar, iyong sa Zambales, iyong Baja de Masinloc, na kung tutuusin po, puwede kang mag-boat mula sa dalampasigan ng Zambales papunta sa lugar na iyon, less than eight hours. Ganoon po kalapit.

 

At least, may statement na ang Presidente ng Estados Unidos. Kasi ang batikos sa kanila, akala ko ba, friends tayo, pero bakit parang tahimik ang US. Ito nagsalita na sila.”

 

On Senate Passage of Department of Information Communication Technology (DICT) Act

“Bagong departamento po ito. Matagal na po itong nasa legislative mill pero naipasa na po namin finally.

 

Napakahalaga po niyan dahil nababalita po, tayo ang isa sa pinakamabagal at pinakamahal na Internet sa ating rehiyon.

 

Maganda po itong DICT. Puwede niyang tingnan kung paano gagawing mas efficient ang ating government agencies para iyong mga computer systems nag-uusap-usap. Kasi ho ngayon, iyong isang ahensiya, may sariling sistema, iyong isang ahensiya, ibang sistema.

 

Kung napapansin po ninyo, kung mag-a-apply po tayo, apply tayo ng apply. Every agency, parang first time lagi dahil walang sharing ng information.

 

Ang DICT, kung nakonek-konek niya ang information systems ng ating ahensiya, mas magiging efficient, puwede pong imbestigahan o tingnan kung paano magiging mabilis at mura ang ating Internet.

 

Iyong isang malaking-malaking proyekto po na naipasa namin last year, iyong magkaroon ng libreng wi-fi sa public schools, sa mga city hall, sa iba’t ibang public areas na napakahalaga po niyan sa kaunlaran ng ating bansa.”

 

On Blue Ribbon Report on Binay

“Alam po ninyo, sampu kaming pumirma diyan mula sa Blue Ribbon Committee. Noong nakita namin ang lumabas na ebidensiya, napagpasiyahan po natin na pumirma upang ang Ombudsman po natin o appropriate government agency, na ituloy ang imbestigasyon.

 

Kaklaruhin ko lang po. Ang Blue Ribbon kasi hindi po iyan kasama sa justice system. It’s part of the legislative functions in aid of legislation. Kumbaga  po, iyong lahat ng nilalabas ng Blue Ribbon, recommendatory po iyan sa mga ahensiya natin.

 

Ang rekomendasyon po ng mga pumirma ay kailangang imbestigahan pa dahil may ebidensiya na mayroon talagang overprice iyong tinatawag na Makati City Hall Parking Building II.

 

Within the first few hearings, lumabas na iyong presyong nilabas at kung magkano talaga iyan ay may pagkakalayo talaga.

 

For me, it’s enough to tell the government agency na paki-imbestigahan ito at kayo na ang maghusga kung may ipa-file na charges o wala.

 

Ang hindi lang siguro maganda, sinasabi na ang mga pumirma riyan, ratings ang hinahabol o kaalyado kasi. In my case po, simple lang, kung may katiwalian, kailangan talagang imbestigahan, hindi puwedeng wala na lang.

 

Kasi iyong mga problema nating ganyan ay wala na lang, hindi tayo uunlad. Ako naman, hindi ko sinasabing tapos na ang boksing.

 

Ang sinasabi po ng Blue Ribbon report, Ombudsman, paki-imbestigahan kung may mahanap kayong ebidensiya, mag-file kayo ng nararapat na mga paratang.”

 

Scroll to top