ombudsman

Sen. Bam on indictment of former President Aquino over Mamasapano

We are confident that former President Aquino will sufficiently answer the charges laid before him and be vindicated.

During the concluded Senate investigations, the former President was candid and transparent with his role and involvement in the Mamasapano tragedy.

We hope that this case will be an opportunity for the courts to reveal the truth and, once and for all, settle this incident in accordance with the rule of law.

Bam on Fake Rice, SIM Card Registration and Purisima’s Dismissal (From Status Update Program)

On Fake Rice

“Nakita ko iyong picture. Actually, mukhang hindi siya mukhang bigas dahil parang foam ang dating. Ito po ay gawa sa patatas, kamote at mas nakakabahala, may plastic.

Si NFA administrator Renan Dalisay, sabi naman niya, binibigyan na niya ng pansin ang fake rice galing China. Hot rice ang tawag dahil smuggled daw po ito. Kailangan tayong mag-ingat.

Sa ating mga negosyante, huwag tayong gumawa ng mga gawaing makakasama sa ating customer.

Ang ibang gawain kasi diyan, hinahaluan mo ng smuggled na bigas kasi mas mura siya. Ang benta mo mas mataas kaya lumalaki ang margin mo kapag naghahalo ka ng smuggled, mas kikita ka.

Pero, unang-una illegal po iyan. Pangalawa, nakakasama po iyan sa ating mga magsasaka, kasi sila po ang nahihirapan.

Pangatlo, baka hindi ninyo po alam kung saan galing ang bigas na iyan, baka fake rice na iyan. Wala pa nga tayong balita kung ito’y nakakasama. Ang sabi lang, may fake rice. Kung may plastic po iyan, hindi po iyan mabuti sa ating katawan.

Para sa mga negosyante po natin, mga rice traders po natin, siguraduhin na ang ibinebenta natin ay tama at tapat sa ating namimili.

Susuportahan po natin ang imbestigasyon pero mas mahalaga na makuha natin ang datos mula sa NFA, kung tonelada ang pumasok o baka sako-sako lang. Alamin ho natin.

Para sa ating mga kababayan, kapag may nakita tayong fake rice, i-report po natin.”

On SIM Card Registration

“Alam ninyo ho, ang SIM card registration kasi, matagal na itong pinag-uusapan. Iyong nagtutulak nito sa Senado, si Senator Sotto. Kinukuwento niya sa sakin, tayo na lang sa iilang bansa na hindi nagpapa-register ng SIM card.

Para kay Cong. Biazon at Sen. Sotto, malaking bagay ang security. Kasi itong mga SIM card, hindi registered, ginagamit sa scam. Sometimes, ginagamit iyan sa transaction na illegal or the use of burner phone.

Sometimes naman ho, kapag mayroong nangyaring masama o may kinalaman sa krimen, kailangang mahanap ho ang mga SIM card.

Ang sabi naman po ni Cong. Biazon at Sen. Sotto, form lang ito. Pangalan, may ID, para alam mo kung kanino nabenta ang SIM.

Of course, sasabihin ng sari-sari store o tiangge, pakokolektahin ninyo kami ng pangalan at ita-transmit pa natin iyan.

 Kailangan ho nating balansehin, kung ano ang mas mahalagang bagay, iyong makuha natin ang security or iyong magkaroon ng extra process.

Tingin ko naman, kung maayos ang paggagamitan mo nito, ano ba naman na ilagay mo ang pangalan mo at magpakita ka ng ID. Hindi naman ho ganoong kasama.

Ang mahalaga lang ay nire-register po ito. Probably po, pag-uusapan natin ito sa Senado. Kung may mapeperhuwisyo nito, iyong nagtitinda at telcos dahil kailangan ng database.

Ang maganda naman dito, kung mayroong krimen at scam, agad-agad nating malalaman kung saan galing at nabenta ang  SIM card na iyan.”

On the Dismissal of Purisima, 10 other PNP Officials

 “Ito’y dahil sa kontrata sa courier service na Werfast.

Maraming nagtataka kung bakit ganoon daw. Ang isa pa pong lumabas, sa desisyon nila, hindi pa daw nakarehisto noong panahong nagawa ang kasunduan sa Werfast.

Nirehistro lang ito noong Agosto, e Mayo ang kanilang pirmahan. Mayroon talagang kataka-taka sa transaksyong ito.

 Ako po, kitang-kita naman natin na napaka-busy ni Madam Ombudsman. Hindi siguro natutulog si Madam Ombudsman.

Sabi ko nga, ang mga babae ang mas matatapang sa ating bansa.”

Scroll to top