Pampanga

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Interview at the KOMPRe People’s Conference in San Fernando, Pampanga

On the Fallen 44 and the Bangsamoro Basic Law

Sisikapin naming magkaroon ng hustisya para sa mga kasamahan natin na pinatay. Of course, kasama ako sa sumuporta sa Bangsamoro Basic Law. Ang hangarin natin na magkaroon ng kapayapaan, tuluy-tuloy pa rin naman iyan.

In the meantime na nangyari na ang trahedyang ito, hanapin muna natin iyong hustisya. Tingnan natin kung sino ba iyong kailangang managot dito on both sides.

Sabi ko nga, both sides are accountable. Hanapin natin kung sino ba talaga iyong dapat ma-charge, dapat maaresto. 

Siguraduhin natin na mangyari ang hustisya.

Q: Iyong hearing po ba itutuloy?

A: Tuloy ang hearing. That’s going to be on Wednesday.

Gaya ng maraming Pilipino, gusto po nating malaman kung ano talaga ang nangyari. Sino ang nag-utos, bakit sila napunta sa ganoong klaseng perhuwisyo at bakit nagpatuloy ang bakbakan nang ganoong katagal.

Marami sa atin ang na-shock, nagalit, nagdalamhati dahil sa nangyari.

Ang taumbayan po natin, naghahanap ng hustisya para sa ating mga kapatid na namatay, hahanapin po natin iyan.

Q: Sa hearing, sino po ang ipatatawag?

A: Probably from both sides ang tatawagin. I think ilalabas pa nila ang invitations so we’ll find out.

 I’m hoping na lahat ng taong involved, nandoon talaga para malaman natin kung ano talaga ang nangyari.

Q: Sir, iyong sa pag-surrender ng arms ng MILF?

A: Hindi lang arms at personal effects ang hinahanap ng taumbayan. Ako nga I would even go as far as to say na kailangang i-turnover ang mga taong involved dito

Q: Gaano po ito makakaapekto sa Bangsamoro Basic Law?

A: Malaking epekto ito talaga. I’m sure the bill might be modified, amended or changed dahil sa nangyari.

But hindi ibig sabihin noon, kailangang pigilin natin ang proseso. We need to still push for peace.

At the end of the day, ayaw na nating maulit ito ulit. Kung maghihiganti tayo, kung lulusubin natin ang lugar, it will just create a cycle of violence.

Kailangan ng ating mga kapatid na namatay ay hustisya, hindi paghihiganti.

Q: Gaano po kahalaga ang BBL para ma-attain ang kapayapaan, compared po sa sinasabi ni Mayor Estrada na all-out war?

A: Sa all-out war ni Mayor Erap, di hamak na mas maraming namatay. Hindi lang 44 iyong namatay doon, mas marami pang namatay. Iyon ang ayaw nating mangyari.

I think if we push for the peace measures, ang kalalabasan niyan is hindi na mauulit itong ganitong klase ng massacre o ganitong klaseng trahedya.

Hinahanap ng taumbayan ngayon ang hustisya. Hinahanap niya ang totoong impormasyon sa totoong nangyari. Naririto ang Senado para matulungang makamit iyon.

At the end of the day, huwag sana nating pakawalan ang kapayapaan dahil sa kagustuhan nating magkaroon ng vengeance.

Scroll to top