Mga bida, bukod sa Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy Act at Trabaho Centers in Schools Act, tumayo rin tayo bilang sponsor ng Senate Bill No. 1277 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” bago natapos ang sesyon ng Senado kamakailan.
Ang Senate Bill No. 1277 pinagsama-samang bersiyon ng iba’t ibang panukala, kabilang na ang ating Senate Bill No. 1050, na layong lagyan ng koneksiyon ng internet ang lahat ng pampublikong paaralan upang makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.
Layunin po ng panukalang ito na lagyan ng libreng koneksiyon sa internet ang lahat ng national at local government offices, public schools, public transport terminals, public hospitals at public libraries.
Bilang chairman ng Committee on Science and Technology, pinangunahan po natin ang pagdinig ng mga nasabing panukala at pagbalangkas sa bersiyon nito na isinumite kamakailan sa plenaryo.
***
Sa mga paunang pagdinig, nabatid na nasa 52.6 percent lang ng mga Pilipino ang may access sa internet service. Napakalayo nito kumpara sa Singapore, na may 81.3 percent at sa Malaysia na may 68 percent.
Hindi katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon dahil napakahalaga ng internet sa buhay ng mga Pilipino.
Maraming umaasa sa internet sa pag-aaral, sa trabaho at sa pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay, maging dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.
Mahalaga ang internet sa mga anak para makausap ang kanilang mga ama na nasa ibang bansa para humingi ng payo.
Importante ang internet sa mga call center agent dahil ito ang nag-uugnay sa kanila at kanilang mga kausap sa ibang bansa.
Para sa freelancers, ito’y kailangan para makausap ng maayos ang kliyente at mapadala ang hinihinging trabaho.
Para sa negosyanteng Pinoy, ito’y nagagamit sa pagbebenta ng gamit o paghahanap ng mga bagong supplier.
Para sa maraming walang trabaho, malaking tulong ang internet upang sila’y makakita ng trabaho online.
Para sa mga guro at para sa mag-aaral, ang internet ang pinanggagalingan ng research, ng learning materials, at mga bagong modules.
Kaya mahalagang maisabatas ang libreng internet sa mga pampublikong lugar upang mabigyan ang mas maraming Pilipino ng access sa internet. Sa ilalim ng panukalang ito, aatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na pangasiwaan at palawigin ang plano para sa nasabing programa.
Bibigyan din ng panukala ng kapangyarihan ang DICT para mapabilis ang proseso para sa aplikasyon ng permits at certificates para sa pagtatayo ng kailangang imprastruktura at kagamitan, sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units.
Sa paglalagay ng mabilis at de-kalidad na internet sa mga pampublikong lugar, mabubuksan ang mas maraming posibilidad para sa pagpapaganda ng ating buhay at pagpapalakas ng relasyon ng pamilya at komunidad.
Sa suportang nakuha ng panukala mula sa mga kapwa ko senador, tiwala akong maisasabatas ang panukalang ito sa lalong madaling panahon.
Believing that high-quality Internet is a crucial necessity in today’s learning environment, a senator wants to establish free Wi-Fi hotspots in all public schools to help students enhance their personal and academic development.
Sen. Bam Aquino’s Senate Bill No. 1050 seeks to establish an Internet Access Program in all public schools in the country, including State Universities and Colleges.
“Teachers and students should be given access to the Internet for meaningful research, collaboration, and learning,” said Sen. Bam, chairman of the Committee on Education, Arts and Culture in the 17th Congress.
Instead of discouraging Internet use at schools, Sen. Bam said students must be trained to engage with World Wide Web in a responsible way that furthers their personal and academic development
Under the measure, the newly-established Department of Information and Communications Technology (DICT) will be tasked to ensure that all public schools provide reliable Internet connection to students, faculty members and other non-teaching personal.
According to Sen. Bam, this Internet connection must be put up in publicly accessible areas on the premises.
As chairman of the Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship in the 16th Congress, Sen. Bam spearheaded the investigation into the slow and expensive Internet connection in the country.
A senator believes that presumptive President-elect Rodrigo Duterte can improve the state of country’s Internet with the help of the Philippine Competition Act, which will encourage the entry of more players in the telecommunications industry.
Sen. Bam Aquino expressed elation over Duterte’s pronouncement that he will encourage the entry of competition if local telecommunication players fail to improve quality of the country’s Internet.
“We are confident that the Philippine Competition Act, a law we passed last year, through the Philippine Competition Commission, will usher in such competition for the benefit of Filipino consumers for the long term,” said Sen. Bam, principal sponsor and co-author of Republic Act 10667 or the Philippine Competition Act
Sen. Bam said more players in the telecommunications industry will create competition in the market, which, in turn will result to improved service at affordable prices for consumers.
It took 25 years before Congress finally enacted the Philippine Competition Act into law and it happened under Sen. Bam’s watch as chairman of the Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
The Philippine Competition Act will help sustain the country’s ever-growing economy and ensure a climate that provides a level-playing field for all businesses.
“We will continue to develop and push policies to provide the public access to quicker and more affordable Internet services,” added Sen. Bam, who spearheaded several hearings on the slow and expensive Internet service in the country.
Meanwhile, Sen. Bam also lauded President Aquino’s approval of the creation of the Department of Information and Communications Technology (DICT) into law.
“After last year’s hearings to investigate the country’s slow and expensive internet, we are finally seeing progress in our quest for improvement of internet services in the Philippines,” Sen. Bam said.
On March 2015, Sen. Bam filed Senate Bill 1091 or the Magna Carta for Philippine Internet Freedom, which proposed the establishment of a DICT
“We are happy to learn that RA 10844, an act creating the DICT, was signed into law this week,” said Sen. Bam.
For years, Filipinos have been suffering from slow and expensive internet as they struggle to communicate with loved ones living abroad, forge deals with potential business partners and clients around the world or simply get work done and sent quickly and efficiently.
Our collective frustrations over our country’s internet quality has been justified by studies on Internet speed and cost per country, putting the Philippines as slowest and most expensive in the region.
Being the fastest growing economy in the ASEAN, this is clearly unacceptable and measures to improve our Internet quality while driving down its cost must be prioritized.
One of the many steps we must take is to update current policies to ensure that internet providers are held accountable for their activities.
Thus, this measure seeks to empower the National Telecommunications Commission (NTC) by increasing the penalties and fines for violations against the authority of the NTC and its released certificates, orders, decisions, resolutions, or regulations. With heavier penalties, NTC can expect greater compliance from Internet providers to standards and regulations that have been set to advance Internet quality in the Philippines.
When it comes to public services, we must do more than just keep up with the development of our neighbors, but exceed them. Let us band together to significantly improve our Internet services in the Philippines.
In view of the foregoing, the passage of this measure is earnestly sought.
“Magandang umaga po sa ating lahat. Definitely, today is a big step towards achieving our goals of having improved Internet services in the Philippines.
Ngayon po, all of our government websites, at least majority of our government websites, are locally peered.
This means, now that PLDT is connected to the PHOpenIX, our government data, any g to g data doesn’t have to leave the Philippines and can actually just travel locally among our shores.
Can you imagine the issues on national security previous to this day and this partnership? Before, government data had to travel outside of the country and come back to our shores to be able to get back to other government websites.
Today definitely is a huge day and we would like to thank PLDT and DOST for finally working out this partnership. Definitely, we can all sleep more soundly tonight now that this partnership is done.
Malaking bagay po na ang huge player like PLDT is now connected to the PHOpenIX. It does open a lot of opportunities in the future. At the minimum, our government sites are safer and of course would be more efficient Of course, this partnership does open the doors for other partnerships down the line.
What I’ve been harping about IP peering in the Senate hearings regarding IP peering, I think, we’re one step closer to that with this MOA signing.
Hopefully there will be another great announcement before the end of the year when it comes to full IP peering in the Philippines.
Today is definitely a good step, a big step and along the way of trying to improve Internet services in the Philippines, this is one of those days that we will remember as a banner day to be able to get to the goals that we want for our country.
More and more, lumalabas talaga na ang competitiveness of our country, a large part of it, in the next five to 10 years, if not the next two to three years, will be dependent on how good our Internet infrastructure is.
We’re hoping that together, we can really build a much improved Internet infrastructure in the Philippines.
We have a long way to go definitely, but sabi nga nila, each journey begins with one step and this is definitely a good step in the right direction.”
Where are we in improving the country’s Internet connection service?
Senator Bam Aquino made this pronouncement to the National Telecommunications Commission (NTC), as he wondered why the agency has not yet issued the memorandum circular on the quality of Internet standards.
“Six months have passed since the NTC committed to come out with the memorandum circular but until now, the agency has yet to deliver on its promise,” said Sen. Bam, chairman of the Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
“The NTC must provide a detailed and acceptable report on its recent moves to improve the country’s Internet connection service as the approval of their 2016 budget heavily depends on that,” added Aquino.
Appointed recently as one of the vice chairman of the Senate Committee on Finance, Sen. Bam is tasked to scrutinize and approve the budget of several government agencies, including the NTC, Department of Trade and Industry (DTI) and the Bases Conversion and Development Authority (BCDA)
For almost a year now, Sen. Bam has been investigating the slow and expensive Internet in the country.
During one of the hearings earlier this year, the NTC promised to release a memorandum circular that will set Internet quality service in the country, including the minimum speed for broadband and DSL connections.
Six months after, the NTC has yet to deliver on its commitment, which Sen. Bam described as detrimental to the welfare of millions of Internet user in the country.
The committee hearing though has produced small victories that may help achieve a faster and cheaper connection.
The probe has encouraged telecommunication companies to embrace IP peering that will help speed up opening of websites while the Department of Justice (DOJ) has released guidelines against deceptive or misleading internet print, TV and radio advertisements.
Mga Bida, noong unang araw ng Hulyo ay nakadalawang taon na tayo sa Senado. Sa panahong ito, dumaan tayo sa maraming hamon at pagsubok habang ginagampanan ang tungkuling ibinigay ninyo sa akin bilang isang mambabatas.
Pumasok tayo sa Senado sa panahong batbat ito ng kontrobersiya, tulad ng pork barrel scam ni Janet Lim Napoles. Sa unang taon natin, bagsak ang Senado sa mata ng taumbayan dahil sa kontrobersiya sa PDAF at iba pang isyu ng katiwalian.
Sa kabila nito, hindi tayo nawalan ng pag-asa na muling babalik ang tiwala ng taumbayan sa aming mga mambabatas basta’t tuluy-tuloy lang ang ating pagtatrabaho para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino.
Kaya itinuon natin ang pansin sa pagtupad sa mga pangako natin noong kampanya na trabaho, negosyo at edukasyon. Ipinursige natin ang pagpasa sa ilang mahahalagang batas na makatutulong upang ito’y maging katuparan.
Ngayong papasok na tayo sa ikatlong taon sa ating termino, nais nating ibahagi sa inyo, mga Bida, ang ating nagawa noong huling dalawang taon sa Senado.
Apat na batas kung saan tayo ang may-akda, co-author o ‘di kaya’y principal sponsor ang naisabatas sa loob ng dalawang taon.
***
Noong nakaraang taon, naisabatas ang Go Negosyo Act kung saan itinatakda ang paglalagay ng Negosyo Center sa lahat ng munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong Pilipinas.
Sa Go Negosyo Act, nabigyang katuparan ang ating pangako na tututukan natin ang paglikha ng trabaho at pangkabuhayan, pagpapalago ng maliliit na negosyo at pagsasaayos ng mga sistemang magpapadali sa pagnenegosyo.
Inaprubahan din ng Pangulo ang Philippine Lemon Law, na nagbibigay proteksyon sa mga bumibili laban sa mga depektibong kotse.
***
Ngayong taon, nais nating ibalita na napirmahan na ng Pangulo ang Philippine Competition Act, ang batas na magbibigay ng pantay na pagkakataong lumago sa lahat ng negosyo sa bansa.
Parurusahan nito ang anumang anti-competitive agreements at pang-aabuso ng malalaking kumpanya, at buburahin ang mga kartel na kumokontrol sa supply at presyo ng bilihin sa merkado.
Lubos kong ipinagmamalaki ang nasabing batas dahil naipasa ito sa ating panahon bilang chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship matapos mabimbin ng 25 taon sa Kongreso.
Naaprubahan na rin ng Pangulo ang Foreign Ships Co-Loading Act, kung saan papayagan na ang mga dayuhang barko na may dalang imported cargo o ‘di kaya’y cargo na nakatakdang ipadala sa ibang bansa, na dumaong sa iba’t ibang pantalan sa Pilipinas.
Sa batas na ito, bababa ang gastos sa pagpapadala, mas magiging maayos ang sistema ng import at export ng bansa at bababa ang presyo ng mga bilihin. Makatutulong din ang batas para paluwagin ang malalaking pantalan sa bansa.
Maliban sa dalawang batas na ito, naghihintay na lang ng pirma ng Pangulo ang Youth Entrepreneurship Act, na magandang sandata upang labanan ang lumalaking bilang ng kabataang walang trabaho sa bansa, na nasa 1.32 milyong kabataan.
Nakalusot na rin sa ikatlong pagbasa ang Responsive, Empowered, Service-Centric Youth Act, na layong patibayin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpaplano sa mga sakuna at trahedyang dumarating sa ating bansa.
Nakapaghain na rin tayo ng committee report sa Microfinance NGOs Act, na layong palakasin ang sektor na nagbibigay ng mga pautang at iba pang tulong sa mga negosyo para sa maliliit na negosyante.
***
Hindi lang paggawa ng batas ang ating tinutukan noong nakaraang taon kundi ang pag-iimbestiga sa ilang mahahalagang isyu, tulad ng mabagal at mahal na Internet sa bansa.
Sa isang taon nating pag-iimbestiga, nahikayat natin ang mga telcos na tanggapin ang IP peering ng Department of Science and Technology (DOST). Naglabas na rin ang Department of Justice (DOJ) ng panuntunan laban sa mapanlinlang na Internet print, TV at radio advertisements.
Anumang araw mula ngayon, ilalabas na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang memorandum circular na magtatakda sa kalidad ng standards na susundin ng lahat ng telcos, maging broadband o DSL.
Inimbestigahan din natin ang pagsisikip sa pantalan ng Maynila sa pagsisimula ng taon. Matapos ang ilang pagdinig, nanumbalik na sa normal ang operasyon nila.
Panghuli, nakipagtulungan din tayo sa Department of Trade and Industry (DTI), mga lokal na pamahalaan, eskuwelahan, mga business clubs at iba pang pribadong grupo para itayo ang mga Negosyo Centers na tutulong sa maliliit na negosyante.
Ayon sa batas nating Go Negosyo Act, papadaliin ng mga Negosyo Centers ang pakikipagtransaksyon sa pamahalaan ng mga negosyo, magbibigay ito ng kaukulang abiso, training at serbisyo para lalo pang mapalago ang ating mga pinapangarap na kabuhayan.
Mayroon na tayong naitayong 61 Negosyo Centers sa buong bansa pagkatapos ng kalahating taon at magbubukas pa ng mahigit 50 sa pagtatapos ng taon.
Mga Bida, patuloy kaming nagpapasalamat sa walang-sawang suporta ninyo sa aming opisina. Sa kabila ng mga naabot natin sa ikalawang taon, hindi pa rin tayo titigil sa pagtatrabaho upang lalo pang mapaangat ang kalagayan ng ating mga kababayan at ng buong bansa!
First Published on Abante Online
Mga Bida, marami sa atin ang madalas na gumagamit ng Internet ngayong nagkalat na ang high-tech na bagay gaya ng smart phones, laptop, tablets.
Gumagamit tayo ng Internet sa maraming kadahilanan. Maaaring ito’y may kinalaman sa trabaho, sa pakikipag-chikahan sa mahal sa buhay na nasa malayong lugar o ‘di kaya’y sa pag-update natin sa latest na balita.
Ang iba naman, nakatutok sa Facebook account at nag-like-like ng status ng iba kapag may time. O ‘di kaya’y busy sa online games gaya ng Candy Crush.
Talagang malaking bahagi na ng ating buhay ang paggamit ng computer o cellphone para mag-Internet. Sa huling tala, apat sa 10 Pinoy ang may access sa Internet.
Isang mahalagang sangkap para lubusang ma-enjoy ang bagong teknolohiyang ito ang mabilis, maaasahan at murang koneksiyon sa Internet mula sa telecommunication companies.
Kaya magkahalong lungkot at inis ang naramdaman ko nang mabalitaan kong kulelat pala ang Pilipinas pagdating sa bilis ng Internet sa Southeast Asia at mas mahal pa kumpara sa ilang kalapit-bansa.
Lungkot dahil ito’y makasisira sa imahe ng ating bansa sa gitna ng lumalakas nating ekonomiya.
Inis dahil sa kabila ng estado natin bilang isa sa aktibong bansa pagdating sa Internet at social media ay mabagal pa rin ang ating koneksiyon.
***
Gaya na lang ng sitwasyon ni Bobby (hindi tunay na pangalan) na tubong Iriga sa lalawigan ng Albay.
Sa aking Facebook account, nagpahayag siya ng suporta sa aking planong imbestigahan ang mabagal at mahal na Internet sa bansa.
Sa kanyang kuwento, inilahad ni Bobby na isa siyang entrepreneur at may maliit na Internet shop sa Iriga.
Aniya, sa maliit niyang Internet shop kinukuha ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, gaya ng pagkain.
Para mapaganda ang serbisyo sa kanyang customer, kumuha si Bobby ng mabilis na DSL line mula sa isang kilalang telecom firm.
Ngunit nagkamali pala ng akala si Bobby. Sa halip na ginhawa ay puro perhuwisyo ang ibinigay sa kanya ng mabagal at hindi maasahang DSL connection.
Sa usad-pagong na koneksiyon sa shop ni Bobby, naglipatan na sa mga kalapit na Internet café ang mga regular na customer ni Bobby.
Ang masakit nito, mas mabilis pa sa kuneho kung magputol ng serbisyo ang nasabing telecom kapag naantala ng ilang araw ang bayad.
“Parang sila na lang ang binubuhay ko Sen. Bam dahil kahit walang kitang pumasok sa ating Internet shop, bayad pa rin ako ng bayad sa kanila,” litanya pa ni Bobby.
Kapag hindi nagbago ang sitwasyon, plano ni Bobby na isara ang Internet café at maghanap na lang ng ibang ikabubuhay.
***
Mga bida, ito ang dahilan kung bakit gusto kong malaman ang puno’t dulo ng problema.
Kung hindi natin ito bibigyan ng masusing pansin, marami pang maliliit na negosyante ang sasapitin ang kapalaran ni Bobby at milyun-milyong Pilipino pa ang maaagrabyado.
Antabayanan niyo ang mga susunod pang kabanata, lalo na ang gagawing pagdinig ng isyu ngayong buwan.
Gusto ba ninyo ang hakbang na ito? Mag-like na!
First Published on Abante Online
Mga Bida, pamilyar ba kayo sa terminong IP peering?
Kabisado ng mga techie o iyong mahihilig sa makabagong gamit at teknolohiya ang salitang ito ngunit hindi naman para sa mga ‘di techie.
Upang lubos na maunawaan ang takbo ng IP peering, gagamitin ko bilang halimbawa ang magkaibigang sina Vic at Joey, na magkaharap lang ang bahay sa Quezon City.
Kung may nais ibigay na regalo si Vic sa kanyang kaibigang Joey, pinapadala muna niya ito sa Estados Unidos bago ito makarating sa bahay ni Joey, at ganundin si Joey pag may ipapadala kay Vic.
Talagang pinapahirapan ng dalawang magkaibigang ito ang isa’t isa sa halip na tumawid na lamang sa kalsada at iabot ang mga regalo sa isa’t isa. Sa ganitong sistema, mabagal, sayang sa oras at magastos pa.
Ganito ang sistema ng ating telecommunications companies sa ngayon dahil sa kawalan ng IP peering. Ang dalawang telcos ay parang sina Vic at Joey na magkapitbahay lang pero wala silang direktang koneksiyon sa isa’t isa.
Kung ikaw ay isang subscriber at may bubuksan na website na nasa kabilang telco, bibiyahe pa ang data sa US bago bumalik ang iyong data sa iyong computer.
Sa ganitong proseso, mas matagal ang takbo ng ating Internet connection dahil kailangan pang bumiyahe sa milya-milyang kable ang data bago pa mabuksan ang website sa ating computer.
Subalit isang magandang balita ang ating tinanggap kamakailan sa padinig natin tungkol sa mabagal at mahal na Internet sa bansa.
***
Sinabi ng mga telcos at ng Department of Science and Technology (DOST) na malapit nang mabuo ang memorandum of agreement (MOA) para sa IP peering para sa lahat ng telcos sa bansa.
Sa plano, papayagan na ang IP peering gamit ang exchange server ng DOST upang direkta nang makapag-usap ang mga ISP nang hindi na dadaan pa sa ibang bansa.
May commitment na ang mga telcos at government agencies sa IP peering para sa mabilis na pagbuo ng MOA, na maaari nang mapirmahan anumang oras.
Kapag naisakatuparan ang IP peering, magiging lokal na ang nilalaman ng mga website sa Pilipinas. Mas bibilis ang Internet at mas madali nang magbukas ng mga website dahil hindi na kailangang umikot pa sa malayong bahagi ng mundo ang data.
***
Isa pa sa maituturing na maliit na panalo ay ang plano ng National Telecommunications Commission (NTC) na lumikha ng isang memorandum circular na siyang magtatakda ng dapat na bilis ng Internet sa bansa.
Kapag lumabas iyon, puwede na itong ibangga sa opisyal na bilis sa nakalagay sa advertisements ng telcos.
***
Sinimulan na rin ang pagtalakay sa mga proseso ng ating gobyerno ukol sa paglalagay ng telcos ng imprastruktura gaya ng cell site at mga kable na magpapabilis sa ating Internet.
Sa kasalukuyang sistema, labing-anim na hakbang at anim hanggang pitong national government agencies ang dapat daanan bago makapagpatayo ng imprastruktura sa isang lugar.
Dahil dito, napipigilan ang expansion programs ng telcos para sa mas magandang Internet.
Nagpahayag ang NTC na pag-aaralan ang mga nasabing hakbang para mas mapadali ang pagkuha ng mga permit ng telcos sa mga national agencies.
Sa panig ng DILG, nangako silang makikipag-ugnayan sa mga siyudad, munisipalidad at mga lalawigan para sa pag-aaral ng mga bayarin at mga proseso para makakuha ng permit ang ating mga telcos.
Noong nakaraang hearing, may nagsabi sa social media na, “we are barking at the wrong tree.” Mukhang maling isyu raw ang ating tinitingnan para masolusyunan ang problema sa ating Internet connection.
Ngunit para sa akin, ang tintingnan natin ay hindi iisang puno, kundi isang gubat na maraming masasalimuot at kumplikadong isyu.
Ang ginagawa natin, iniisa-isa natin ang pagresolba sa mga isyung ito upang maabot natin ang inaasam na malaking panalo para sa taumbayan.
Mga Bida, isang taon na ang nakalipas nang simulan natin ang pagtalakay sa isyu ng Internet. Hindi natin ito bibitawan hanggang sa makuha nating mga users ang nararapat na bilis, presyo at access ng Internet connection!
First published on Abante Online
Recent Comments