PHTraffic

7 Paraang Panlaban sa Kainipan at Kabaliwan Habang Trapik

By: Lis7Avengers

 

Walang pinipiling biktima ang traffic ngayon sa Metro Manila, mapa-commuter ka man o nagdadrive, paniguradong na-irant mo na sa Facebook at Twitter ang kasindak-sindak na experience mo.

Doble pasakit din kapag naabutan ka pa ng rush hour sa kalye. Kaya naman, habang ikaw ay nakatigil sa EDSA, o usad pagong sa C5, heto ang 7 suhestiyon para labanan ang kainipan at kabaliwan habang trapik!

 

 

  1. Tahakin ang mabilis na daan. Subukin ang iba’t ibang ruta patungo sa trabaho, eskwelahan o kung saan ka man madalas pumunta. Gawin ito hanggang sa mahanap mo ang perfect na daan, iyong mabilis at kaunti lang ang hassle sa kalsada. Ang goal ay makarating sa destinasyon nang wala masyadong init ng ulo, o stress na sisira sa araw mo.

EDSA highway

 

 

alternateroute

  1. The more, the many-er! Magsama ng mga friends at positive vibes sa commute o drive. Pumasok nang sabay sabay, o i-try mag carpool. Makakamura ka na sa gas, makaka-bonding mo pa ang mga kasama mo. Kung sakali mang maipit pa rin sa traffic, at least may kausap ka at hindi ka na nagmomonologue. Malay mo, ito rin ang magiging tulay sa puso ng crush mo. Yihee, isakay mo na siya!

carpooling

 

 

  1. Magnilay-nilay! Sa tagal ng pagka-tengga habang rush hour, ang daming nasasayang na oras. Pero maaari pa namang maging productive at gumawa ng mga to-do list, Christmas list, o sarili mong Lis7ahan. Para mas less na ang gagawin sa pupuntahan, magtrabaho na din while on the road. Sumagot ng email o mga text ni boss habang nakatigil. Puwede ring alalahanin ang mga life experiences at gawin itong inspirasyong sa paggawa ng mga tula o hugot statements. Dahil ang EDSA, minsan highway, madalas parking lot.

emoteinisdethecar

 

 

  1. Magpaka-sweet! Tawagan ang iyong mga mahal sa buhay at kumustahin. Mag-reconnect sa mga dating kaibigang hindi mo na nakakasama, siguraduhin lang na hindi ka naka-toka sa manibela. At kung talagang sweet ka, makisali sa mga initiative na tumulong sa mga PNP Highway Patrollers! Puwedeng mamigay ng tubig, mamon, o face mask – basta hindi pang-merienda nila pag nahuli ka!

textinginsidejeepney

 

 

  1. Maki-rockandrolltotheworld! Sa dami ng mga banda at musikero sa mundo, hindi ka mawawalan ng bagong music discoveries. Kung commuter ka, put your headphones at iwanan muna sandali ang masalimuot na mundo sa gitna ng traffic. Makinig at mag-moment to the tune of your favorite songs. Kung nagdadrive naman, chance mo ng bumirit ng Mariah o maki-head bang kasama ang Parokya. Siguraduhin lang na your eyes are on the road kapag nag-green light na.
rockandroll

Source: Autoparts Blog Warehouse

  1. Huwag pasaway. Lahat tayo napeperwisyo ng trapik. Huwag ka nang dumagdag pa sa pagkayamot ng iba. Sundin ang batas trapiko, tumawid sa tamang tawiran, pumila nang tama, at magbigayan – with a smile!

HPG EDSA

 

 

  1. Maging bahagi ng solusyon. Higit sa mga reklamo, ang kailangan natin ngayon ay solusyon. Kung mayroon kayong sagot sa problema ng traffic congestion, ibahagi sa aming Facebook page. Huwag mag-alala, uusad din tayo, at may pag-asa pa. Tulong-tulong sa pagsulong, friends!

HPG-Group-meeting

Kung mayroon kayong naiisip na Lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

 

Scroll to top