President Noynoy Aquino

P-Noy Thanks ‘Kuya Bam’ for PH Competition Law

President Benigno Aquino III thanked Sen. Bam Aquino for his efforts to pass two crucial legislative measures that will further sustain the country’s economic growth and boost the government’s inclusive growth agenda.

In his speech, the Chief Executive lauded Sen. Aquino, whom he playfully referred to as “Kuya Bam”,  for working for the passage of the Philippine Competition Law and the Foreign Ships Co-Loading Act, now known as Republic Act 10667 and 10668, respectively.

The measures were signed by the Chief Executive during a ceremony at Malacanang Palace today (July 21).

“Partikular po nating pinasasalamatan, unahin ko na po, pasensiya na po kayo, ‘yung kuya ko si Bam Aquino, at ang marami pang ibang sponsor at may-akda ng dalawang batas na ito,” President Aquino said in his speech.

The President said the Philippine Competition Act, which took almost 25 years to pass into law, would help sustain the country’s ever-growing economy and ensure a climate that provides a level-playing field for all businesses.

“Sa pamamagitan ng dalawang panukalang batas na pinagtibay natin sa araw na ito, tinatanggal natin ang mga baluktot na kalakarang dulot ng kawalan ng kumpetisyon, na walang nadadalang pakinabang sa ating mamamayan,” said the Chief Executive.

The President also stressed the importance of the Foreign Ships Co-Loading Act, saying that it will lead to lower prices of logistics and lower prices of goods for consumers

“Sa mga amyenda po ninyo, malayang makakapagkalakal ang mga banyagang barko ng kanilang imported at exported na kargamento sa kanilang napiling port of destination. Dahil dito, mapapadali at mapapamura ang export at import ng mga produkto, na magbubunsod ng mas masiglang merkado,” he said.

“Sa pinagtibay nating Philippine Competition Act at Liberalization of Philippine Cabotage, ang pagbabagong tinatamasa natin ngayon ay magpapatuloy hanggang sa mga susunod pang henerasyon,” the Chief Executive stressed.

The Philippine Competition Act levels the playing field for all businesses by penalizing anti-competitive agreements and abuses of dominant players, aside from eliminating cartels.

Under the law, a Philippine Competition Commission (PCC) will be established with the Chief Executive appointing a chairperson, four commissioners and an executive director.

As an independent quasi-judicial body, the PCC will look into anti-competitive behaviors, abuses in dominant positions, and anti-competitive mergers and acquisitions.

The Foreign Ships Co-Loading Act allows foreign ships carrying imported cargoes and cargoes to be exported out of the country to dock in multiple ports.

With the approval of these two measures, Sen. Bam now has four laws to his credit. Last year, the President approved the Go Negosyo Act and the Philippine Lemon Law.

BIDA KA!: Ultimate Responsibility

Subalit mayroon pa rin akong agam-agam sa ilang bahagi ng report dahil pakiramdam ko ay labas na ito sa mga hearing na ginawa namin.

Tulad na lang ng mga naging konklusyon nito sa peace process, sa pagkilos ng peace panel ng pamahalaan at sa Bangsamoro Basic Law.

Sumulat tayo sa komite upang humingi ng paglilinaw sa mga isyu ng report, at kung kakailanganin pa, tayo ay magpapasa ng mga panukala kapag pinag-usapan muli ito sa plenaryo ng Senado.

***

Nakalagay sa ulat na si PNoy ang may “ultimate responsibility” sa nasabing madugong insidente at naniniwala tayo rito.

Ngunit hindi nababanggit sa ulat ng media na matagal nang inako ng Pangulo ang responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano sa huli niyang talumpati noong nakaraang buwan.

‘Ika niya: “Ako ang Ama ng Bayan, at 44 sa aking mga anak ang nasawi. Hindi na sila maibabalik; nangyari ang trahedya sa ilalim ng aking panunungkulan; dadalhin ko po hanggang sa huling mga araw ko ang pangyayaring ito.

“Responsibilidad ko po sila, kasama ang buong puwersa ng SAF sa operasyong ito, pati na ang mga nagligtas sa kanila na nalagay rin sa panganib ang buhay.”

Palagay ko, ang mahalaga sa taumbayan ay inako na ng Pangulo ang responsibilidad sa pangyayari at dapat na tayong tumingin sa mas malaking hamon na naghihintay.

Ito ay ang tiyaking hindi na mauulit pa ang madugong insidente sa Mamasapano sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.

Hindi rin natin dapat kalimutan na bigyan ng hustisya at suporta ang mga naiwan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng buhay sa pagganap ng kanilang tungkulin.

***

Pabor man tayo sa kapayapaan, aminado tayo na kailangang dumaan ang BBL sa masusing pag-aaral ng mga mambabatas bago ito tuluyang maisabatas.

Tungkulin natin na suriin, himayin at baguhin kung kinakailangan ang mga probisyong nakapaloob sa isang panukala bago ito aprubahan at kabilang dito ang BBL, lalo na ang mga sensitibong isyu ng BBL upang matiyak na ito’y alinsunod sa Saligang Batas.

Sa ganitong paraan, makakalikha tayo ng mas epektibo at mas matibay na batas na talagang magbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

***

Mahalagang mabigyan ang mga kapatid natin sa Mindanao ng tunay at pangmatagalang kapayapaan dahil ito ang magbubukas sa pinto ng kaunlaran para sa kanila.

Kapag mayroon nang kapayapaan sa Mindanao, maaakit na magtatag ng negosyo o ‘di kaya’y magbuhos ng puhunan ang mga negosyante sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito, lalakas na ang takbo ng ekonomiya at mabibigyan na ng trabaho at iba pang kabuhayan ang ating mga kapatid sa Mindanao.

Walang magandang idudulot ang all-out war na isinusulong ng karamihan. Lahat tayo ay talo sa digmaan.

Usapang pangkapayapaan ang tamang daan. Ito ang magdadala sa atin ng totoong kapayapaan at kaunlaran. Sama-sama tayong kumilos upang ito’y maisakatuparan.

Ito ang ating ultimate responsibility.

 

First Published on Abante Online

Scroll to top