rodrigo duterte

Sen. Bam on the President’s affirmation of dictatorship style

Hindi kailangan ng Pilipino ang isang diktador. 
 
Diktadurya ang nagdulot ng karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korupsyon at napakalaking pagkakautang. 
 
Lumaban ang bayan noong People Power dahil hindi dictatorial style ang dudulot ng sapat na kita para sa bilihin, kalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng mga Pilipino. 
 
Hindi diktador ang kailangan, sa halip ay pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan, lalo na para sa mahihirap nating kababayan.

Bam on President Duterte-Sen. Leila de Lima spat

Matagal ko nang sinabi na sana hindi humantong sa mga personal na bagay-bagay. Hindi siya maganda para sa ating bayan.

 Ako naman, ang mahalaga, I think, we all focus on the work. Balik tayo sa trabaho.

 Ang paglaban sa droga, iyan trabaho iyan. Ang pag-imbestiga sa mga summary killings, trabaho rin iyan.

 Kung may mga issues na ilegal na gawa, e di magkasuhan tayo. Pero kung ganyan na personal iyong mga batuhan, palagay ko hindi siya maganda para sa bayan.

 Stick to the work. Stick to the issues. Stick to the policies.

On Duterte’s matrix vs De Lima

Unang-una, sa pagkakakilala ko sa kanya (De Lima), hindi naman siya involved diyan. But if there’s evidence, kailangang imbestigahan.

 Kung talagang may kinalaman sa droga, kasuhan. Kung talagang may summary killings, imbestigahan.

 Pero pagdating sa personal na bagay, labas na tayo diyan. Dapat manatili tayo sa trabaho.

Bam: President Duterte’s SONA very refreshing, sincere

Scroll to top