Bam on Next PNP Chief, DPWH, Kentex Tragedy, Torre de Manila, VP (Transcript of Interview)
On the Next PNP Chief
“Ang pipiliin po rito ay siyang base sa qualifications, track record, and merits of the candidate and the assessment of the president, mahalaga po iyan.
Wala namang masama kung talagang alam mong mabuti iyong tao at magaling pero mag-klaro yung basehan; very clear kung ano yung reason sa pagpili ng ating next PNP Chief. Napakahalaga po ng posisyong iyan.
Iyong ating taumbayan, especially dito sa Metro Manila, napakataas ng Peace and Order sa kanilang listahan ng mahahalagang bagay sa buhay.”
On DPWH’s New Image
“Noong early 2000s, Iyong DPWH parang kakapit niyan yung corruption. Pag sinasabi, ay nako iyong daan na iyan ay dapat 1KM, bakit parang wala pang 100 meters?
I will give credit where credit is due, ang laking bagay po ng tinatrabaho ni Secretary Babe Singson.
Sabi niya, lahat ng pako ganito lang dapat ang presyo, lahat ng semento ganito lang ang presyo, lahat ng kahoy ganito ang presyo kahit ikaw ay nasa Region I or Region X, or XI or kung saan man, standardized ang presyo ng mga materyales.
Parang 30% less, 25-30% less, ang mga presyo ng mga proyekto ngayon dahil na-standardize iyong mga presyo.
Marami tayong natipid, kasi tayo po iyong nagbabayad niyan eh. Taxpayers’ money iyan; there was a time, mga 2012 or 2013, laging sinasabi ni PNoy, o buti pa ‘tong si Sec. Babes naka-save na naman ng 200 Million, ng 300 Million pesos kasi maganda iyong sistemang ginawa niya.
On Kentex Tragedy
“Grabe kasi ‘tong sunog na ito, maraming namatay, napakalaki noong sunog. Palagay ko, wag na nating payagan ang mga tragedy.
Huwag na nating hintayin magka-tragedy ulit bago tayo gumalaw. Tayo na mismo -iyong mga korporasyon diyan, mga factory, tayo na mismo ang manigurado na safe para sa ating mga manggagawa.
On Torre De Manila
“To be fair kahit sa DMCI kung may permit sila dapat, may funding sila para ma-refund nila iyong mga taong bumili. Kung may permit sila , at talagng maayos iyong pagkuha ng permit.
Kasi ngayon nagtuturuan na si Mayor Lim tsaka si Mayor Erap. Sino ba talaga ang may kagagawan niyan ‘di ba? Hindi na natin pag-uusapan kung saan tayo pumapanig, but definitely kung ang isang kumpanya, kumuha ng tamang permit tapos siningil, hindi naman magandang siya iyong i-penalize riyan ‘di ba.
Kung wala kang tamang permit or may nangyaring magic sa permit, ibang usapan iyon. Pero kung tama iyong permit, para din naman sa businesses ‘di ba, pagiging fair na dumaan ka sa tamang proseso and then eventually wala.
We agree, sabihin na nating hindi talaga maganda na nasa likod siya ni Jose Rizal, sabihin mo nang we agree. Pero may building na riyan, and hindi lang iyong pinanggastos diyan kasi gagastos pa para tanggalin yan.
Ang tanong sino ang gagastos niyan?
Kung ikaw ay isang negosyante, dumaan ka sa tamang proseso ng pagkuha ng permit, tama ba na mawalan ka ng pera? Or ikaw ay isang namili at binenta ito sa merkado at binili mo iyan pero hindi mo naman in-occupy, tama ba na mawalan ka ng pinaghirapan mong pera? Medyo hindi rin fair diba?
Hintayin natin ang Supreme Court. Magiging landmark case iyan. Kasi, in the future, pag ang gobyerno pinatigil ka sa iyong negosyo dahil sa iba’t-ibang mga dahilan, valid reasons, kasi hindi naman natin sinasabing hindi valid iyong dahilan.
For valid reasons napatigil ka, iyong reparation mo sino ang magbabayad?”
VP’s Resignation
“It was just a matter of time. Kasi ‘di ba pag ikaw ang tumatayong leader ng oposisyon, hindi mo na makukuha yung basbas ng presidente, iba na iyong kanyang pinagpipilian, tama na siguro na nasa kabilang panig ka na talaga diba.
Huwag na nating lagyan masyado nang maraming malisya iyong nangyari. It was just a matter of time.”
Recent Comments