Bam on his decision on Grace Poe’s SET case
(From Status Update program)
Pag-usapan na rin po natin ang malaking balita kahapon at ito ang SET decision tungkol kay Sen. Grace Poe.
Marami ho ang nagtatanong kung bakit ako bumoto na huwag siyang i-disqualify.
Ang legal question na nasa harap ng SET kahapon ay kung iyong mga na-abandona o tinatawag na foundlings ay natural-born o hindi.
Iyon lang talaga ang subject ng aming decision. Hindi kasama ang residency. Tungkol lang po sa foundling. Ang foundling ba ay natural born o ang foundling ba ay naturalized.
Ang ilan sa amin na nag-decide na ang foundling ay natural born, ang basehan po niyan ay dahil sa international law. Nakalagay po doon at sumasang-ayon tayo sa mga batas na iyan na ang isang bata na nahanap sa isang bansa ay mayroong presumption o mayroong pag-i-intindi na siya ay mula sa bansang iyon.
Kung ginawa po nating naturalized ang mga foundling, iyong mga karapatan at pribilehiyo na maaring maibigay sa mga foundling bilang natural born citizen ay mawawala at isa ay maituturing na naturalized citizen.
Magiging problema po iyan sa paghahanap ng ibang propesyon, sa pagiging doctor, nurse at kung siyempre ay kung gusto nilang manungkulan sa gobyerno, magiging problema rin po iyan.
Ang desisyong ito, hindi po si Sen. Poe ang iniisip natin. Ang iniisip natin ay kung ano ang magiging implikasyon sa libu-libong bata na naabandona sa ating bansa, at ito ang naging basehan ng ilan sa amin sa SET.
Ang expectation kasi, sa pulitika, dapat pulitikal lahat ang desisyon mo. Pero paminsan-minsan naman po, kailangan nating mag-isip gamit ang prinsipyo, gamit ang konsensiya at gamit ang tiwala na ibinigay ng taumbayan.
Ang pagiging daang matuwid ng aming partido, hindi po ito slogan lang. Ito po’y totoo, ito po’y nasa puso naming lahat at kung nasa daang matuwid ka, talagang kailangan iyong prinsipyo mo at konsensiya ang gagamitin mo.
In fairness to my partymates, wala namang sumubok na impluwensiyahan ang aking desisyon.
Ibig sabihin nito, sa SET, hindi po madi-disqualify si Sen. Poe sa pagiging senador. Pero ang kanyang Comelec case, tuluy-tuloy pa rin.
In fact, you can expect na in the next couple of weeks, magde-decide na rin po ang Comelec kung siya’y madi-disqualify sa pagtakbo bilang presidente.
Recent Comments