senator bam aquino

BIDA KA!: Tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo!

ga Bida, naging madrama ang pagbubukas ng sesyon noong Lunes nang hubaran ang ilang miyembro ng Liberal Party ng mahahalagang posisyon sa Senado.

Tinanggal si Sen. Franklin Drilon bilang Senate President Pro Tempore at pinalitan ni Sen. Ralph Recto.

Ang inyong lingkod naman ay pinalitan ni Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Committee on Education.

Inalis naman sina Sens. Francis Pangilinan at Risa Hontiveros bilang pinuno ng Committee on Agriculture at Health at pinalitan nina Sens. Cynthia Villar at JV Ejercito, ayon sa pagkakasunod.

Ang pagkilos na ito ay nangyari dalawang araw matapos kaming magmartsa sa EDSA at sumali sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng People Power 1 noong Sabado.

***

Sa pangyayaring ito, nasampolan ang mga miyembro ng LP dahil sa aming pagtutol sa ilang polisiya na isinusulong ng pamahalaan, tulad ng death penalty at pagbaba ng age of criminal liability.

Tinamaan din ang partido sa aming pagsasalita ukol karahasan na nangyayari sa ating mga lansangan, isyu ng demokrasya­ at aming pagsuporta kay Senadora Leila De Lima.

Kung ito ang kapalit ng aking pagsasalita tungkol sa ­demokrasya at kalayaan at pagtutol sa karahasang pumapaligid sa ating mga komunidad, malugod ko itong tatanggapin.

***

 

Kung titingnan, maganda ang naging trabaho ng Committee on Education ngayong 17th Congress.

Katunayan, tinatalakay na sa plenaryo ang dalawa sa pinakamahalagang panukala na tinututukan ng komite sa ngayon  ang Free Tuition Fees in SUCs Act at Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy.

Wala ring tumutol na senador sa aking pahayag sa sesyon na ang pag-alis sa inyong lingkod ay hindi ukol sa aking trabaho bilang committee chairman.

Tumayo rin si Senadora Grace Poe upang batiin ang maganda nating trabaho bilang pinuno ng education ­committee.

Sa kabila ng nangyari, mananatili pa rin ang ating suporta sa ilang mahahalagang panukala at reporma na ating sinimulan bilang chairman ng Committee on Education.

Nagpapasalamat naman tayo dahil gusto rin ni Sen. Escudero na ipursige ang mga ito, lalo na ang libreng tuition fee sa state colleges at universities at feeding program sa ating mga paaralan.

***

Nagbago man ang ating kalagayan, patuloy pa rin ang ating paglilingkod at pagbabantay sa kapakanan ng taumbayan.

Hindi pa rin mababago ang ating posisyon sa mahahala­gang isyu. Tuloy pa rin ang pagtutol natin sa death penalty at pagpapababa sa edad ng criminal liability.

Nang kami’y sumali sa supermajority noon, isa sa aming mga isinulong ay ang pagiging malaya ng Senado sa pamumulitika at ang kahandaan na isantabi ang partido para sa mahahalagang reporma.

Ngayong wala na kami sa mayorya, umaasa kaming mananatili ang imahe ng Senado bilang institusyon na malaya, hindi nababahiran ng pamumulitika at may sariling pagpapasya sa importanteng isyu ng bansa.

Bam: No rush, no secret votes on death penalty proposal

No railroading, no secret votes.

Sen. Bam Aquino said the Senate must allow the proper legislative process to run its course on the proposal to restore the death penalty.

 “We will not allow it to be rushed. We must ensure that proper debate on the matter be conducted,” said Sen. Bam, the newly designated deputy minority leader.

 In addition, Sen. Bam said senators must reveal their respective votes on the proposal to ensure accountability and transparency.

 “We will not allow votes to be anonymous or hidden and we will ensure accountability among our colleagues,” said Sen. Bam.

  “Bilang mga kinatawan ng mamamayan, dapat panindigan ng bawat senador ang kanilang magiging boto at kung kailangan ipaliwanag ang kanilang posisyon sa taumbayan,” he added.

 Through this, Sen. Bam said the Senate will show that it can still be an independent institution even with the heightened political strife in the country.

The House drew flak after it approved the death penalty on second reading via viva voce vote, or through loud voices.

 Earlier, Sen. Bam declared that the new minority will actively participate in debates once the proposal reaches the Senate floor.

 “Buhay po ang nakasasalalay dito kaya mahalaga na dumaan sa tamang proseso. Sa tingin po namin, dehado na naman ang mga kababayan nating mahihirap sa death penalty kaya tutol po kami rito,” the senator said.

 “I am still hopeful that my fellow senators will not vote across partisan lines and vote with their conscience on this matter. In the end, we may even be enough to take a stand,” he added.

NEGOSYO, NOW NA!: Negosyong de-padyak

Mga kanegosyo, sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, napilitan si Nanay Corazon Clave na sila’y iwan upang magtungo sa Lebanon at Dubai para magtrabaho.

Masaklap ang kapalaran ni Nanay Corazon sa kanyang naging mga amo sa Lebanon. Maliban sa pananakit, madalas pa siyang ikinukulong ng mga amo at hindi pinapakain sa tamang oras.

Ngunit natiis itong lahat ni Nanay Corazon para sa kapakanan ng pamilya. Nang matapos ang kontrata sa Lebanon, muli siyang sumugal at nagtungo naman ng Dubai.

Makalipas ang tatlong taon sa ibang bansa, nagbalik si Nanay Corazon dala ang kaunting naipon mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa at ginamit sa pagpapatayo ng bahay para sa pamilya.

Upang may maitustos sa pangangailangan ng pamil­ya, nagtrabaho si Nanay Corazon bilang kasambahay sa isang pamilya sa Los Banos, Laguna sa loob ng limang taon.

***

Noong 2006, may nagsangla kay Nanay Corazon ng pedicab. Habang tinitingnan ang pedicab, nagka-ideya si Nanay Corazon na ipabiyahe ito sa kapitbahay para kumita habang hinihintay na matubos ng may-ari.

Makalipas ang ilang araw, napansin ni Nanay Corazon na mas malaki ang kita sa pedicab kung marami siyang unit na bumibiyahe.

Doon niya naisipang mangutang sa CARD ng pitong libong piso upang tuluyan nang mabili ang isinanlang pedicab at magdagdag ng lima pang unit.

Mismong mga kabaranggay ang kinuha nilang driver na nagbabayad sa kanila ng boundary na singkuwenta pesos kada araw.

 

Mula sa kanilang araw-araw na kita, bumili pa sila ng dagdag na unit hanggang sa ito’y umabot sa 30 pedicab.

***

Maliban dito, sinimulan din ni Nanay Corazon na magtanim ng ornamental plants sa bakanteng lote ng kanyang bahay.

Gamit ang puhunang P500, nagtanim si Nanay ng halamang melalone, sensation, pakpak-lawin at silog na pumatok naman sa mga taga-Los Banos at iba’t ibang bahagi pa ng Laguna.

Sa ngayon, nasa P600,000 na ang taunang kita ng kanilang negosyong pedicab at ornamental plants.

Balak ni Nanay Corazon na gamitin ang naipon upang magtayo ng maliit na grocery at panaderya para sa mga anak.

Hindi naging katuparan ang tagumpay ni Nanay Corazon kung wala ang tulong na ibinigay ng CARD-MRI, ang pinakamalaking microfinance institution sa bansa.

Nagpapautang ang CARD-MRI ng puhunan sa mga nais magsimula ng negosyo nang walang kola­teral at sa mababang interes.

Mayroon na silang iba’t ibang sangay sa Pilipinas, na makikita sa kanilang website na www.cardmri.com at www.cardbankph.com.

Transcript of Sen. Bam Aquino’s Media Interview after losing Chairmanship of the Committee on Education

Q: On move from majority to minority, and removal of committee chairmanships

 

Sen. Bam: Well, Joel, naririnig-rinig na rin namin ito kaninang hapon. Palagay ko, sabi ko nga kanina sa manifestation ko, hindi naman ito tungkol sa performance ng mga kumite kasi gumagana naman ang mga importanteng batas sa aming committees.

This is really a political move – a partisan move. Palagay ko, nasampolan kami because we’ve been very adamant about policies like the death penalty. Tutol kami doon. Iyong pagbaba ng age of criminal liability. Iyong pagsuporta kay Senator De Lima. Iyong pagpunta namin sa EDSA.

Iyong pagsabi namin na nakakabahala na iyong patayan sa ating bayan. Palagay ko, nasampolan kami ng Majority. But ganyan talaga ang pulitika. Dito sa Senado, bilangan ng boto iyan.

So, as I said earlier, if that is the price to pay for my independence, then so be it.  

 

***

Q: On removal of committee chairmanships

 

Sen. Bam: Well, usually kasi Joel, iyong pagtanggal mo sa kumite is based on performance. Kung hindi nagpe-perform iyong committee mo, doon ka usually tinatanggal. But in this case, it’s clearly political. Wala naman atang nag-object kung this is a political move.

Ganyan talaga. Ganyan talaga iyong buhay na napili namin but alam mo, noong sumama kami sa majority at sinuportahan namin si Senator Pimentel, isa lang naman iyong hiling namin, na manatiling independent ang Senado. Iyon lang naman ang hiningi namin sa kanya. Na susuporta kami sa mahalagang isyu sa ating bayan gaya ng sa Edukasyon, sa Agrikultura, sa iba’t-ibang bagay – allow for cooperation to happen sa iba’t-ibang polisiya. At sa ibang polisiya naman na tutol kami, hindi lang naman ang LP, ang iba sa amin tutol rin naman – ang payagan iyong debate at payagan iyong pakikipagsapalaran ng ideya. So, iyon naman iyong aming batayan sa pagsama sa majority.

Now, mukhang hindi na yata iyon tanggap at siguro talagang politically, kailangan pare-parehong silang gustong gawin, pare-parehong sabihin, then we respect that. At baka panahon na nga na sumama kami sa minority.

 

***

Q: On independence of Senate voting

 

Sen. Bam: Wala naman, Joel, pero hindi kasi ganyan sa Senado.

In the Senate kasi, bilang isang institution na known for its independence, iyong dynamics talaga dito, is that every senator, may karapatan magsalita at tumutol sa mga bagay-bagay na sa tingin niya o sa tingin niyo na hindi dapat mangyari. And that goes beyond majority and minority.

In fact, I would say, iyong botohan dito, palaging conscience vote. So, hindi kasi ganyan ang history ng Senado natin. In the Senate, may mga isyu, halu-halo iyong botohan diyan. Cross-party, cross-majority-minority. And iyon lang naman iyong hiniling namin kay Senator Pimentel noon, noong sumama kami sa majority, na manatiling independent ang ating Senado.

 

***

Q: On the minority numbers

 

Sen. Bam: Baka lima, baka maging anim. Sa totoo lang, hindi pa kami sigurado. Baka may mga movements pa rin. But most likely, five or six lang, Joel.

 

***

Q: On move from majority to minority, and removal of committee chairmanships

 

Sen. Bam: Well, alam mo, again, dito naman sa Senado, iyong mga batas na mahalaga sa taumbayan suportado naman iyan ng both the majority and the minority. So, iyong mahalagang batas, for example, iyong batas natin sa free higher education, iyong batas natin sa feeding program, nag-usap na rin kami ng bagong chairman at ng majority floor leader, ipagpapatuloy ko pa rin iyan kasi nasa kalagitnaan na iyan ng pagpasa.

I’ll continue that, and we’ll support iyong bagong Chairman ng Committee on Education natin, si Sen. Escudero.

Pero sa mga bagay na tingin natin tutol gaya ng death penalty at pagbaba ng age of criminal liability, siguro, bilang minority, kailangan na talagang tutulan at bigyan ng boses ang mga tumututol dito at panatiliin iyong debate dito sa Senado.

 

***

Q: On removal from the Senate majority

 

Sen. Bam: Palagay ko. Sabi ko nga mukhang nasampolan kami. When we joined the majority many months ago, sinabi ko na independent, ibig sabihin niyan, sa mga bagay na puwede tayo magtulungan gaya ng free higher education, ng feeding program para sa ating mga kabataan, pagpasa ng coco levy, tulong-tulong tayo.

Pero sa mga bagay-bagay na hindi tayo sumasang-ayon, payagan iyong debate, payagan iyong palitan ng kuro-kuro. That was our, iyon iyong aming deal, kumbaga sa pagsuporta sa mayorya noon. Ngayon na tinanggal na kami sa kumite palagay ko hindi na iyon ang gusto nila.

 

***

Q: Is this a warning not to go against the president?

Sen. Bam: I think klaro naman iyon. Kapag mamartsa ka sa EDSA at sasabihin mo na kailangang panatilihin ang demokrasya at kalayaan sa ating bayan ay sasampolan ka talaga. Iyon iyong nangyari sa amin.

***

Q: Si Sen Recto, party member siya, wala siyang sinasabi against the administration. Bakit siya ang pro-tempore?

Sen. Bam: Kailangan siya ang tanungin niyo tungkol diyan.

Ang masasabi ko lang, ang mga natanggal ngayon sa mga committee chairmanships, kami iyong nandoon noong Sabado – we were all present there. Sa mga interviews doon sinabi namin na mahalaga ang demokrasya sa ating bansa, mahalaga na may kabilang boses na pinakikinggan ang taong bayan dahil demokrasya tayo. Maybe because of that, after a few days, ayan natanggal na kami sa aming chairmanship

***

Q: Is it time na mag minority na kayo?

Sen. Bam: Here it is, alam mo naman dito sa Senate iba iba talaga ang botohan ditto, hindi siya laging minority-majority. In fact, pag dating sa death penalty halo-halo ang tutol dito.

 

***

Q: On an independent Senate

 

Sen. Bam: What we want to see is an independent senate, isang senado na independent sa pamumulitika, can go cross party pag kinakailangan, can support reform pag kinakailangan, at kung kinakailangan mag-debate, mag-dedebate. That’s always been what we wanted kaya sumama kami sa majority. But now that they’re taking us out, maybe, sa tingin ko ayaw na nila nun. They want to see a majority and minority along party lines.

 

***

Q: Did you have an inkling on this reorganization?

Sen. Bam: Earlier today may mga narinig kami. Narinig naming it might happen today.

 

***

Q: On losing the Chairmanship on the Committee on Education

 

Sen. Bam: Alam niyo, ang mga committees na iyan hindi lang naman iyan basta basta binibigay. I chose the education committee because may plano kami, may reporma kaming gustong itinulak.

Thankfully, Sen. Chiz Escudero seems to be intent in pushing the same reforms. But it’s not a light matter because you put a lot of effort, you work on these bills, iikot mo yan, hihingi ng suporta sa iba’t ibang sektor. These bills are important. Sa akin kahit wala ako sa majority, alam ko naman na itutuloy nila ang Free Higher Education Act at feeding program.

Pero rule of the majority ‘yan. Ganun talaga sa senado, kung kayo ang nakararami, kayo ang nasusunod. There’s no point crying foul about it because that’s really how things are here in the  Senate. Ganoon ang pulitika dito.

Initially, we joined the majority because we wanted an independent Senate. Iyon iyong pinaka-hiling namin kay Senate President Pimentel, sana manatiling independent ang ating Senado.

Pero ngayon na iyong mga tumututol sa iilang mga polisiya – hindi nga lahat ng mga polisiya – sa iba  pa lang ay tinatanggalan na ng chairmanship, sa tingin ko iba na talaga ang gusto nila mangyari.

 

***

Q: Sir, para bang nagiging rubber stamp iyong Senate?

 

Sen. Bam: I hope not. And, I think naman, my colleagues will not allow that. But it’s pretty clear that if you are vocal on some of the policies of the current administration, talagang may consequences iyon. At ito na nga ang consequences na iyan.

As I said earlier, kung ang kapalit ng pag-commemorate ng EDSA celebration, kung ang kapalit ng pagtutol sa patayan na nangyayari sa ating bansa ay matatanggalan ka ng kumite, eh di, I’d gladly pay that price.

 

Q: Do you see a stronger minority?

 

Sen. Bam: Well, the interesting thing is our stances on issues have not changed. We’re still against the death penalty, we’re still against the lowering of the age of criminal liability. We’re still in favor of a number of the bills that we’ve filed and a number of our colleagues are also in favor of that.

So palagay ko iyong major dito iyong chairmanships. But in terms of policies, I think it will roughly be the same.

NEGOSYO, NOW NA!: Seaweed business sa Oriental Mindoro

Mga kanegosyo, matapos maisabatas ang Go Negosyo Act noong 2014, isa sa mga unang nagbukas na Negosyo Center ay matatagpuan sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Dalawang taon mula nang ito’y magbukas noong Nobyembre 2014, halos dalawang libong kliyente at maliliit na negosyante ang natulungan nito.

Kabilang dito ang Samahan ng mga Manggagawa sa Balatasan o SAMASABALATASAN, na nakabase sa Brgy. Balatasan sa munisipalidad ng Bulalacao, Oriental Mindoro.

Bago nabuo ang samahan, pangunahing ikinabubuhay ng mga pamilya sa barangay ay pangingisda at pagsasaka.

Sa kuwento ni Marife dela Torre, isa sa mga unang miyembro ng samahan, nabuo ito sa pagsasama-sama ng 17 katao na nagpasyang pasukin ang pagnenegosyo ng seaweeds noong 2005.

Ayon kay Marife, wala silang kakumpitensiya pagda­ting sa paggawa ng seaweed noodles at pickled seaweed dahil walang ibang nagnenegosyo nito sa Oriental Mindoro.

***

Gaya ng ibang mga bagong negosyo, dumaan din sa pagsubok ang asosasyon.

Sa unang taon ng kanilang operasyon, nahirapan sila sa paggawa ng seaweed noodles at pickled seaweed dahil sa limitadong budget at kagamitan.

Sa una, lumapit sila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Agrarian Reform (DAR), na nagrekomenda sa kanila sa ibang ahensiya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of S­cience and Technology (DOST).

 

Sa tulong ng Department of Trade and Industry-Oriental Mindoro, sumailalim ang mga miyembro ng asosasyon sa iba’t ibang training gaya ng product development at basic computer literacy training.

Sa pamamagitan ng DTI, nakasali rin ang asosasyon sa iba’t ibang trade fair.

***

Nang magbukas ang Negosyo Center sa Calapan, isa sa mga una nilang bisita ay ang mga miyembro ng samahan.

Malaki ang naitulong ng Negosyo Center sa pagpapaganda ng kanilang produkto at pagdisenyo ng mga packaging nito upang maging kaakit-akit sa mamimili.

Panay din ang balik ng mga miyembro ng samahan sa Negosyo Center upang humingi ng payo ukol sa iba’t ibang sistema ng pagnenegosyo, na walang atubiling ibinigay sa kanila ng business counselors.

Malaki rin ang naging pakinabang ng samahan sa Shared Service Facility program ng Negosyo Center sa paggawa ng kanilang mga produkto, maliban pa sa tulong na makasali sa trade fair at makakita ng bagong merkado.

Ayon kay Marife, malayo na ang narating ng samahan sa tulong ng DTI at ng Negosyo Center.

Sa kasalukuyan, lumaki na ang kanilang hanay mula 17 patungong 90 miyembro at nadagdagan na rin ang kanilang produkto ng seaweed instant cup noodles, crac­kers, seaweed shampoo bar at sabon.

Nakarating na rin ang kanilang mga produkto sa Iloilo at Occidental Mindoro. Kinukumpleto na lang nila ang requirements ng Food and Drugs Administration (FDA) para makapagbenta sa mga tindahan sa Metro Manila.

***

Ito ay ilan lang sa mga tulong na makukuha sa Negosyo Center, mula sa product development hanggang sa paghahanap ng bagong merkado.

Itinayo ang Negosyo Center para tumulong sa bawat hakbang ng proseso ng pagnenegosyo.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Tagumpay sa e-commerce

Mga kanegosyo, isa sa mga patok na sistema ngayon sa pagnenegosyo ay ang tinatawag na e-commerce o electronic commerce.

Ito ay ang paggamit ng Internet upang maipakilala ang negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ng mundo sa pamamagitan ng website at social media.

Sa pamamagitan din ng Internet, nakakapagbenta ng produkto sa isang mamimili at nagbabayad sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na tinatawag na e-payments.

Sa pag-aaral, ang tinatawag na internet penetration sa Pilipinas ay lumago mula 37 percent noong 2013 patungong 43.5 percent o 44 milyong internet users noong 2016.

Ibig sabihin nito, napakaraming Pilipino ang maaaring maabot ng mga negosyante sa tulong ng Internet.

***

Sa ating mga Negosyo Center, isa sa mga ibinibigay na seminar ay patungkol sa e-commerce at kung paano ito magagamit ng micro, small at medium enterprises upang mapalago at mapalawak ang merkado ng produkto.

Kabilang dito ang Negosyo Center sa Cebu, na kamakailan lang ay nagbigay ng seminar ukol sa E-Commerce and Digital Marketing Mentoring Program sa labing-anim na MSMEs.

Nanguna si Janette Toral, isang e-commerce advocate at digital influencer, sa seminar na tumagal ng dalawang buwan mula Nob. 21 hanggang Enero 20.

Kabilang sa mga lumahok ay MSMEs na kabilang sa sektor ng turismo, home furnishing, food, trucking, energy at industrial sectors.

 

Sa sampung linggong seminar, tinuruan ang mga kalahok na magtayo ng sariling website, tumanggap ng online payments at lumikha ng sariling customer relationship management systems.

Tinuruan din sila ng product photography, search engine optimization at social media marketing.

***

Isa sa mga sumali sa nasabing seminar ay ang may-ari ng Chitang’s Torta, na kilala na sa bayan ng Argao noon pang dekada otsenta.

Nang yumao ang inang si Anecita ‘Chitang’ Camello noong 2007, si Irvin na ang nagpatakbo ng negosyo.

Kahit kilala na ang tindahan sa Argao at iba pang bahagi ng Cebu, nais ni Irvin na ito’y mapalago pa at mapasikat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaya dumalo siya sa e-commerce seminar ng Negosyo Center kung saan natutuhan niya ang digital marketing.

Pagkatapos magtayo ng sariling website at gumawa ng sariling Facebook account, tumaas ang order para sa torta. Dumating pa ang punto na hindi na nila matugunan ang pumapasok na order.

Mula sa P140,000 noong December 2015, lumago ang kanilang benta sa P180,000 noong December 2016.

Nakatanggap pa sila ng online order para sa P30,000 halaga ng torta habang marami ring reservation para sa customers mula Canada at California.

Sa pamamagitan ng e-commerce seminar ng Negosyo Center, umaasa ang Department of Trade and Industry na marami pang MSMEs gaya ni Irvin ang makikinabang dito.

***

Sa ngayon, mahigit 400 na ang Negosyo Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Ang Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa https://www.bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

NEGOSYO, NOW NA!: Batang entrepreneur sa TAYO 14

Mga kanegosyo, inilabas kamakailan ang listahan ng 20 finalists ng 14th Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) Awards.

Mula sa kategoryang Education and Technology, nakapasok ang Edukasyon.Ph, Industrial Engineering Council, One Calinog Organization Inc. at Project Kaluguran.

Sa Health, Nutrition and Well-Being Category, napili ang Food Rescue Asean, Modern Nanays of Mindanao Inc., Team Dugong Bughaw at UPLB Genetics Society.

Sa Environment, Disaster Risk Reduction, and Climate Change Adaptation naman, nakapasok ang HiGi Energy, Red Cross Youth – Ligao Community College Council, Teatro de Sta. Luisa at UP Circuit.

Mula sa Culture and the Arts, Peace and Human Development category, angat ang Guiguinto Scholars’ Association, Ingat Kapandayan Artist Center, Voice of Cameleon’s Children at Youth for a Liveable Cebu.

Tampok naman sa Livelihood and Entrepreneurship Category ang mga batang entrepreneurs gaya ng Enactus UP Los Baños, iCare-Commission on Youth, Diocese of Novaliches, UP industrial Engineering Club at Virtualahan

***

Malaki ang pasasalamat ng mga ina sa Southville 7 sa Calauan, Laguna sa Enactus UPLB, isang business student organization mula sa UP Los Baños at sa kanilang proyektong Amiga Philippines.

Layon ng Amiga Philippines na bigyan ng training ang mga ina ukol sa pagnenegosyo, marketing at recording.

Sa tulong ng mga training na ito, nabigyan ng sapat na kaalaman ang 26 ina para makapagsimula ng maliit na negosyo upang makadagdag sa panggastos sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa ngayon, plano ng Enactus UPLB na dalhin ang kanilang programa sa marami pang lugar sa Laguna.

***

Malaki naman ang naitulong ng programang Youth Empowerment School-Novaliches (YESNova) ng iCare-Commission on Youth Diocese of Novaliches upang mabigyan ng kabuhayan at direksiyon sa buhay ang mga kabataan sa nasabing lugar.

Ang YESNova ay isang programa na nagbibigay ng livelihood training at job fair sa out of school youth sa Novaliches, kasabay ng paglalapit sa kanila sa Panginoon sa pamamagitan ng Diocese of Novaliches.

Nagsasagawa ang grupo ng training sa culinary, housekeeping, caregiving, massage, handicraft ma­king, make-up tutorial, nail care at food processing sa mga kabataan sa lugar na nais magkaroon ng sariling kabuhayan.

Sa ngayon, nasa 100 kabataan na ang napagtapos ng YESNova mula noong 2010.

***

Ang IEAid program naman ng UP Industrial Engineering Club ay nakatuon sa pagtulong sa social enterprises sa pamamagitan ng kaalaman sa paggamit ng industrial engineering tools.

Ngayong taon, isa sa mga natulungan ng IEAid ang Kalsada Coffee, isang social enterprise na nagbebenta ng kape mula sa mga lokal na magsasaka sa mga tindahan sa Manila at Estados Unidos.

Nakatulong ang programa para maiangat ang buhay ng 47 magsasakang nagtatanim ng kape sa Benguet.

***

Kilala bilang social enterprise mula Davao City, nagbibigay ang Go2Virtualahan ng online jobs sa single parents, out of-school youth, persons with disabilities, dating drug addicts at iba pa walang access sa trabaho.

Sa pamamagitan ng programa nitong Virtualahan, kinokonekta sila sa mga kliyente sa ibang bansa bilang virtual assistants.

Sa ngayon, nakapag-training na ang grupo ng 80 virtual assistants habang 65 porsiyento sa kanila ang nakakuha na ng trabaho.

***

Kahanga-hanga ang mga grupong ito dahil sa kabila ng kanilang edad, nagkaroon na sila ng matin­ding pagnanais na pagsilbihan ang kanilang komunidad at mga kapwa Pilipino.

Kailangan natin ang mga ganitong kuwento upang mabigyan tayo ng inspirasyon at lakas sa gitna ng kabi-kabilang kontrobersiya at isyu na nararanasan ng bansa.

NEGOSYO, NOW NA!: Patok na snacks sa Pangasinan

Mga kanegosyo, katuwang ng mga Negosyo Center sa pagtulong sa micro, small at medium enterprises ang tinatawag na microfinance NGOs.

Kabilang dito ang CARD-Mutually Reinforcing Institutions (CARD-MRI), na siyang pinakamalaking microfinance institution sa bansa.

Nagpapautang ang CARD-MRI ng puhunan sa mga nais magsimula ng negosyo nang walang kolate­ral at sa mababang interes.

Mayroon na silang iba’t ibang sangay sa Pilipinas, na makikita sa kanilang website na www.cardmri.com.

***

Isa sa mga natulungan ng CARD-MRI ay si Erlinda Labitoria, isang dating empleyado ng post office sa Makati at may-ari ng ‘Crunchies Snacks Products’.

Katuwang ang asawa na isang security guard para sa isang abogado, itinatawid nila ang panganga­ilangan ng pamilya.

Subalit kahit anong trabaho ang gawin ng mag-asawa ay hindi pa rin sapat ang kanilang ­kinikita para sa gastusin sa bahay, lalo na sa pag-aaral ng mga anak.

Kaya nagpasya ang mag-asawa na umalis sa kani-kanilang mga trabaho at gamitin ang makukuhang separation pay para magtayo ng sariling negosyo.

Unang sinubukan ng mag-asawa ang pagtitinda ng chichacorn sa kanilang lalawigan sa Pangasinan.

 

Noong una, maganda ang takbo at maayos ang kita ng negosyo. Subalit dahil kulang sa kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo at ng pananalapi, nabangkarote ang maliit na kabuhayan ng mag-asawa.

Habang sinisikap makabangon mula sa kabiguan, nalaman ng mag-asawa ang CARD Inc., kung saan nakakuha siya ng maliit na puhunan para makapagsimulang muli.

Kasama ng puhunan, naturuan din si Aling ­Erlinda ng tamang pagpapatakbo ng negosyo at paggamit ng salapi.

Dala ang bagong pag-asa at kaalaman, tumutok naman ang mag-asawa sa mga produktong pam­pasalubong, gaya ng banana chips.

Mismong si Aling Erlinda ang nagluluto at nagbabalot ng mga ibinebentang produkto ngunit tumulong na rin ang asawa sa pagpapatakbo ng negosyo nang dumami ang demand para sa banana chips.

Bilang dagdag na tulong, kinuha ni Aling ­Erlinda ang ilang kapitbahay para tumulong sa kanyang ­negosyo.

Dinagdagan ni Aling Erlinda ang ibinebentang produkto ng mani, chips, chichacorn at maraming iba pa.

***

Sa kasalukuyan, ang ‘Crunchies Snacks Products’ ang isa sa pinakamabentang pampasalubong ng mga turista na mabibili sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon kay Aling Erlinda, pumapalo sa P20,000 hanggang P30,000 ang kanilang benta kada araw ­habang P100,000 naman kung may mga aktibidad gaya ng Panagbenga sa Baguio City.

Dahil sa negosyo, nakabili na si Aling Erlinda ng pangarap na kotse at malapit nang matapos ang pinapagawang sariling bahay.

Napag-paaral din ni Aling Erlinda ang mga anak, na ang dalawa ay balak sumunod sa kanilang yapak bilang entrepreneur.

Para kay Aling Erlinda, panibagong pag-asa ang ibinigay sa kanya ng CARD Inc. na ngayon ay kanyang tinatamasa pati na ng kanyang pamilya.

***

Mga kanegosyo, para sa mga detalye tungkol sa CARD MRI, bisitahin ang kanilang website sa www.cardmri.com at www.cardbankph. com

NEGOSYO, NOW NA!: Pag-asa ng mga balikbayan

Mga kanegosyo, bukas na ang Negosyo Center sa Minalin sa lalawigan ng Pampanga.

Matatagpuan sa mismong munisipyo ng Minalin, ang Negosyo Center ay naitatag sa kabutihang loob ni Mayor Edgardo Flores and DTI Region 3 Director Judith Angeles.

Isa ang munisipali­dad ng Minalin sa may pinakamalaking potensiyal sa pagnenegosyo sa Pampanga. Kilala ito sa mga palaisdaan ngunit napakaraming posibleng negosyo na maaaring simulan sa lugar.

Sa tulong ng Negosyo Center, inaasahan ko na lalo pang magiging ­aktibo ang pagnenegosyo sa Minalin at sa mga kalapit nitong bayan gaya ng Sto. Tomas, Apalit at ­Macabebe.

Maliban sa Minalin, mayroon din tayong Negosyo Centers sa San Fernando, San Simon at sa Angeles City na handang magsilbi sa mga Cabalen nating MSMEs.

Ngayong 2017, asa­han pa ang mas mara­ming Negosyo Centers, hindi lang sa ­Pampanga, kundi sa iba’t ibang ­bahagi ng bansa.

Layunin ng Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act na maglagay ng Negosyo Center sa bawat munisipalidad, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Ang Go Negosyo Act ang kauna-unahang batas ko bilang senador noong 16th Congress.

***

Nasa Region 3 na rin lang ang ating pinag-uusapan, mula naman sa Negosyo Center sa ­Balanga, Bataan ang tampok nating kuwento ng tagumpay.

 

Pagkatapos ng ilang taong pananatili sa Estados Unidos, nagpasya ang mag-inang Jo­celyn Roman Domingo at ­Crizel na bumalik sa Pilipinas noong 2015 at magtayo ng negosyo sa kanilang lalawigan sa Bataan.

Eksakto namang kabubukas lang ng Negosyo Center sa Balanga, Bataan, na siyang kauna-unahan sa Central Luzon, kaya may nahingian ng tulong ang mag-ina

Sa kanilang pakiki­pag-usap sa mga tauhan ng Negosyo Center, nabanggit ni Aling Jocelyn na nais niyang magtayo ng restaurant sa kanyang bayan sa Pilar.

Agad siyang isina­ilalim ng business counselor sa isang ­one-on-one business ­consultancy at tinulungan sa pagpapa­rehistro ng pangalan ng kanyang planong negosyo.

Dito na nagsimula ang White Coco Restaurant.

Habang ­pinoproseso pa ang business ­permit, pinag-aralan naman ng mag-ina kung anong pag­kaing Pilipino ang kanilang itatampok sa restaurant.

Maliban pa rito, suma­ilalim din ang mag-ina sa dalawang seminar – ang Current Good Manufacturing Practices (CGMP) at World Class Customer Service Experience (WOW) kung saan nakakuha sila ng mahalagang kaalaman na magagamit sa restaurant.

Ilang buwan matapos lumapit sa Negosyo ­Center, nagkaroon ng soft opening ang restaurant ng mag-ina, na makikita sa Poblacion, Pilar, Bataan.

Habang nasa soft opening pa ang restaurant, kinuha ng mag-ina ang pulso ng mga customer sa mga putahe na kanilang inihain, gaya ng kare-kare, bulalo, pinakbet at spring chicken.

Sa huling pakikipag-ugnayan ni Aling Jocelyn sa mga katuwang natin sa Negosyo Center-Bataan, maayos na ang takbo at maganda na ang kita ng White Coco Restaurant.

***

Ang mga seminar at training ay mahalaga sa paglago ng isang negosyante.

Dito, makakakuha ka ng tamang gabay at payo na iyong magagamit sa maayos na pagpapa­takbo ng negosyo, kaalaman sa mga sistema at tamang diskarte sa tuwing may mararanasang problema.

Kaya mga kanego­syante, ugaliing ­dumalo sa mga seminar na inia­alok ng Negosyo Center.

***

Upang malaman ang pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar, magtungo sa http://www. bamaquino.com/gonegosyoact/negosyo-center-tracker/.

Bam: Improve SSS collection efficiency, not increase in premium

Instead of increasing premium of members, the Social Security System (SSS) should improve its collection efficiency in order to deliver the P1,000 raise in pension without affecting the agency’s financial viability.

“The collection efficiency right now is about 40 percent and that needs to go higher,” Sen. Bam Aquino said during a television interview.

“What we want to see is, can we provide this P1,000 increase in pension and do the measures to increase efficiency upang mahabol ang kabawasan sa pondo sa SSS,” he added.

 The senator said the planned 1.5-percent increase in contribution in May will be an additional burden and less take home pay for ordinary Filipino workers.

 Earlier, Sen. Bam called on the SSS to consult employers and employees organizations first before fully implementing the increase in premium.

 “Siguro kailangan din nating tingnan ang mga numero. Sana ang SSS, makinig sa konsultasyon sa employers at employees organizations dahil medyo nagulat din ako na mayroon ganong palang pagtaas ng premium na parang hindi napag-uusapan noon,” Sen. Bam said in a previous interview.

Scroll to top