Transcript of Sen. Bam’s interview after NTC public hearing on minimum internet speed

Transcript of Sen. Bam’s interview after NTC public hearing on minimum internet speed

 

Q: Update po sa public hearing?

 

Sen. Bam: This is actually a public hearing ng National Telecommunications Commission (NTC) regarding the memorandum circular on publishing your minimum internet speed. Diyan sa public hearing, nagkaroon tayo ng iba’t ibang mga mungkahi, iba’t ibang mga suggestions at kuwento mula sa iba’t ibang stakeholders mula sa private sector at cause-oriented groups at pati na sa consumers.

 

Mukhang lumalapit na tayo sa pag-i-issue nito and the NTC committed na within March ilalabas na niya iyong memorandum circular, iyong patakaran kung saan kailangang i-publish ng ISPs or telcos iyong minimum internet speed na nakukuha ng ating mga kababayan.

 

At the end of the day kasi, mahalaga na ang binabayaran natin, nakukuha natin. Mawawala na ang misleading advertisements, at the same time, kung ano talaga iyong ma-e-expect sa pang-araw-araw na gawain, pati na sa ating Internet, sa telepono man or sa ating mga bahay, makukuha talaga ng taumbayan.

 

Right now, ang naging issue dito is yung batayan ng speed. Kasi maraming paraan kung paano pwedeng makuha ang speed sa iyong bahay o sa iyong lugar, ang mahalaga mayroon tayong isang batayan or a main standard. Part of that process was allowing NTC to purchase equipment, both hardware and software, para mayroon tayong official speed talaga ng isang ISP sa isang lugar.

 

Bawat telco, bawat ISP, may kanya-kanya silang mekanismo. Hindi naman tayo nag-a-agree. Ang mahalaga dito, all the stakeholders agreed that the NTC will be the official na tagabilang kung ano ang official speed sa inyong area. It’s now a matter of purchasing the equipment and providing the software, not just for the NTC pero para na rin sa consumers, para tayo rin, gamit ang software na iyon, puwede nating malaman iyong official na speed sa ating area at maibangga natin sa mga kontrata natin sa telco at ISP at malaman natin kung nakukuha natin ang nakasaad sa advertisements.

 

Q: May consumers tayo na can’t express ang reklamo nila…

Sen. Bam: Actually, malakas sila mag-express, especially online. Binabantayan na rin namin yan. The first step is really having this official standard. Kasi he said, she said iyan. Sasabihin ng isa na nakita ko sa isang website mababa, sasabihin naman ng telco, sa aming pag-aaral mataas naman iyan. Kaya ang NTC natin na siyang regulator, hindi makasabi kung ano dahil wala silang equipment at wala silang opisyal na batayan pagdating sa bilis at quality of service. With the equipment that they’re purchasing and this is a good step, hiningi nila ito last year, binigay naman sa budget, ngayon bibilhin na nila, magkakaroon tayo ng totoong standards. In the interest of fairness, an individual can check their speed at ang telco ay puwede nilang makita sa tool na iyan kung ano ang bilis nila sa isang particular area. In that sense, mailalapit natin kung ano ang user experience sa sinasabi ng ISP at telcos na binibigay nilang kalidad.

 

Q: Mensahe ho para sa consumers natin?

 Sen. Bam: We’ve been having this hearings for a number of months already. Tuluy-tuloy ang hearing, maging sa Senado o maging sa NTC. Hindi natin pakakawalan ito hanggang maabot natin ang sitwasyon na satisfied ang mga tao pagdating sa kanilang internet speed, price and access.

 

Mahalaga ito sa mga tao dahil this is the way we communicate with relatives abroad, ito ang paraan kung paano tayo nakakakuha ng trabaho at nakakapagnegosyo. The only way we can move forward if is all sectors are helping each other. Hindi na sapat na we blame each other. We need to built a right internet infrastructure – ano ang kailangang gawin ng gobyerno, ano ang kailangan niyang ilaang pera sa budget natin, ano iyong kailangang gawin ng ating regulators at kung ano ang kailangang gawin ng consumers. Kasi napag-uusapan din iyong responsibilidad ng consumers pagdating sa internet usage.

 

Of course, kung ano iyong kailangan nating makita mula sa ating telcos at ISPs. Ano ang paraan na kailangan nilang ipakita para makita natin na handa sila na ibigay sa taumbayan ang binabayaran ng tao para sa kanilang serbisyo.

 

Scroll to top