Transcript of Sen. Bam’s Interview after the Internet hearing

Transcript of Sen. Bam’s Interview after the Internet hearing

Q: Satisified po ba kayo na may MC na? Para mas truthful ang advertisements.

 Sen. Bam: Iyong memorandum circular, isa iyan sa hiningi natin noong unang hearing pa lang and we’re happy naman na ngayon sa fifth hearing natin, lumabas na ang memorandum circular.

 Ini-expect po ng taumbayan na mag-iiba ang advertisements ng telcos. Iyong makukuha nila sa kanilang bahay ay malapit doon sa nakalagay sa mga advertisement. Kung hindi ito malapit based sa measurements ng NTC, mayroon pong puwedeng habulin na consumer complaint sa DTI.

To be clear, ito pong MC na ito ay for fixed line. Iyong mobile broadband, kung saan 90 percent ng kababayan ay kumukuha sa mobile ng Internet, iyan po’y lalabas sa October pa at iyan naman ang pangako ng NTC commissioner natin.

Iyong next steps natin dito, mukhang kailangang pag-usapan kung paano puwedeng pumasok din ang gobyerno pagdating sa pag-iimprove ng ating Internet.

So far ho kasi, nasa pribadong sektor lang ang Internet natin kaya kung mapapansin ninyo, sa third, fourth at fifth class municipalities, sa mga malalayong lugar, wala na pong signal, wala na pong Internet.

If we do recognize that the Internet is important to our economy, at ito po ang mensahe ni Secretary Balisacan, mahalaga na tumaya rito ang gobyerno at tingnan kung paano ito puwedeng tumulong sa pagpapalaganap ng mabilis na Internet sa ating bayan.

The next hearings will be about solutions to our Internet issues. Today, ang pinag-usapan is one, an increase in competition, alam naman natin na kakapasa lang ng Philippine Competition Act.

Iyong pangalawa, pagdating naman sa pagpasok ng gobyerno sa pagtulong sa problema ng Internet. Ngayon po ay budget season, maganda na pag-usapan rin po kung magkano baa ng investment dapat ng gobyerno pagdating sa pag-resolve sa isyung ito.

 

Q: Sa tingin po ninyo, anong form ng government intervention ang pinaka-realistic?

Sen. Bam: Currently, may free wifi project na tayo with DOST. This will hopefully provide Internet sa third, fourth, fifth and sixth class municipalities, pati na sa eskuwelahan natin.

But what I’m looking is really a major broadband plan. Sabi po ni Secretary Balisacan ng NEDA, baka panahon na isama ito sa medium term development plan ng pamahalaan.

Para sa akin, maganda ang takbo ng ekonomiya pero kung gusto nating i-sustain ito, kailangang sabayan po iyan ng magandang Internet sa ating bayan.

 

Q: Ito po ang tinutukoy nilang carrier-neutral Internet backbone?

Sen. Bam: That’s one of the suggestions. Definitely, mahalagang matingnan  ng gobyerno kung ano ang role niya. If you’re a private company, hindi ka talagang mag-iinvest sa mga lugar na sa tingin mo hindi na kikita.  These are areas na malalayo, kakaunti lang ang tao, but definitely we want development to reach those areas.

Ito ho iyong mga lugar na puwedeng tingnan ng pamahalaan, kung puwede po ay mag-invest dito at mapalaganap ang connectivity sa mas maraming lugar.

So far, kung makikita po natin, we’re one of the most expensive, we’re one of the slowest and iyong access po natin, mga 50 to 60 percent lang ng ating kababayan. If we want our economy to grow, kailangang tumaas ang mga numero natin diyan.

Ang ideal po diyan, lahat ng sulok ng Pilipinas mayroon pong signal, ito po’y mababa ang presyo at mabilis at kapaki-pakinabang ang Internet signal sa mga lugar na iyan.

 

Q: Iyong penalty lang para sa mga telcos na hindi susunod sa inadvertise nila, P200 per day, paano iyan sir?

Sen. Bam: Sa totoo lang, napakababa po ng penalty sa Consumer Act. Actually it’s  P500 to P5,000 in the Consumer Act. As you know, as chairman of Trade, ito’y binibigyan natin ng pansin.

We’re likely to amend the Consumer Act para mas mataas ang penalty sa kompanya na hindi fair sa consumers natin. Hindi lang ito sa telco kundi kasama na po riyan ang iba’t ibang negosyo sa ating bansa.

This is one of the laws that we’re working on at sa tingin ko nga po, sabay-sabay po lahat iyan. Pare-parehas po iyan at magkakadikit-dikit. Improving our consumer protection, improving our Internet infrastructure. Lahat po iyan binibigyan ng pansin ng aming komite.

 

Q: Iyong MC po seeks to address the problem of false advertisement, pero iyong mismong Internet speed, should be expect it to change?

Sen. Bam: No. The solution sa Internet speed, again, will be, because of competition. Dahil sa naipasa nating Philippine Competition Act, we expect more players to come. In fact, by next year, we’re almost sure that another telco player will be put up.

And, kung gaano ang investment ng gobyerno sa mga lugar na malalayo sa urban areas.

 It’s both a government intervention and a private sector or market solution. Iyon ang nakikita nating paraan para bumilis at mas gumanda ang Internet sa ating bayan.

Q: Sir nakapasok na sa 2016 budget iyon? Iyong para sa new investment ng government?

 Sen. Bam: There is an increased investment in Internet infrastructure pero baka kulang pa rin ito sa ninanais nating major push. In fact, it’s good to start the discussions now pero kailangan din ang input dito ng NEDA.

Kasi pag ang NEDA, nag-input na riyan, ang ibig sabihin noon, it’s part of the national plan. Iyong national na plano ng Pilipinas upang mas umunlad tayo. Ano ang espasyo o ano ang role doon ng pagkakaroon ng access to Internet.

I think that’s something needs to be further discussed and sabi ni Secretary Balisacan, handa siyang ituloy o i-lead ang discussion na iyon among government agencies.

 

Q: Iyong idea na foreign company ang mag-render ng value-added service, allowed ba iyon? 

Sen. Bam: Na-raise ng Twitter friends natin, kasi may livestream tayo, iyong foreign companies. This is an ongoing discussion. May pros and cons po iyan. Of course, hindi lang po ito sa telcos kundi sa lahat ng industriya.

May sector po na nagsasabi na kailangang i-relax ang constitutionally protected industries natin, Ang nangunguna po riyan, si Speaker Belmonte. In fact, matagal na niya itong tinutulak.

I don’t think there’s enough time to have constitutional change in the last couple of months of the Aquino administration. Baka ito sa mga puwedeng i-tackle ng susunod na administrasyon, to have a constitutional change, at baka ito ang isa sa topics na puwedeng i-discuss.

 

Q: Sir, about the death of your uncle. Totoo bang ni-request niya na huwag nang magkaroon ng necrological service?

Sen. Bam:  We all know na si Tito Butz po has passed away. Isa sa mga hiling niya ay wala na pong wake, so wala na pong lamay. The family has decided to have masses and we’re in the middle of preparations to have a mass in the Senate tomorrow at 2 p.m.

 

Q: Pero sir misa lang, hindi na dadalhin ang body niya dito?

Sen. Bam: He has been cremated this morning so most likely iyong urn niya dadalhin dito.

Scroll to top