UAAP season 79

7 na bago sa UAAP Season 79

UAAP Season na naman! Sa katunayan, last week ay nagsimula na ang pinakabagong season na pinangunahan ng host na UST. Tiyak na magiging usap-usapan na naman ang men’s college basketball sa mga darating na araw dahil nagbalik na din ang senior basketball competition. Narito ang ilan sa mga bagong aabangan sa UAAP court sa darating na mga araw .

 

1.New courtside reporters. Hindi pa man naglalabas ng complete line up ang mga schools na kasali sa UAAP, ipinakilala na ang mga courtside reporters na syang tututok at sasama sa bawat laban ng basketball team ng mga schools. Karamihan sa kanila ay nagbabalik lang pero meron pa ring fresh faces na pwedeng abangan ng mga fans tulad nina Denice Dinsay ng Ateneo at Bea Escudero ng DeLa Salle.

UAAPReporter

2.New rules. Change has come pati na rin sa UAAP. Ilan sa mga bagong rules ng UAAP basketball ngayong season ay ang pagtanggal sa thrice to beat advantage sa sinumang team na makaka-sweep ng eliminations round. Ang finals ay best-of-3 pa rin. Bukod pa dito, isang adjustment din na maeexperience ng mga fans ay ang pagkanta ng school hymn, BAGO magsimula ang laro.

School Hymn (Arvin Lim) 

3.New Players. Every season, ang mga new players o mga rookies ang di pwedeng mawala sa mga basketball team. Tuwing may gagraduate na role player, pinaghihirapan din ng bawat school ang makarecruit ng mga talents na pupuno at magpapalakas ng kanilang pwersa sa court. Ilan sa mga pwedeng abangang rookies ay sina JV Gallego (NU), Jerrick Ahanmisi (AdU), Aljun Melecio (DLSU), Shaggy Almond (ADMU), Javi Gomez de Llaño (UP) at marami pang iba.


newuaapplayers

4.New coaches. Isa sa mga exciting na pagbabago sa season na ito ay ang mga beterano nang UAAP coaches na gagabay sa bagong school na nagrecruit sa kanila. Si Coach Bo Perasol na nakilala bilang Ateneo coach ang bagong leader ng UP squad. Si Franz Pumaren na seasoned coach ng DLSU dati, ay ang negdevelop ng bagong Adamson team at si Coach Aldin Ayo naman na nagbigay ng trophy sa Letran sa NCAA, ang gagawa ng mga plays sa DLSU ngayong season. Exciting di ba?

 uAAPcoach

5.New(ly) improved players. Bukod sa mga rookies, inaasahan din sa court ang mga old and experienced players na paniguradong nagimprove mula last season. Marami sa kanila ang sabik ng ipakita ang pinakabagong version nila at the same time ay magtake on ng role as leaders ng kani kanilang team. For sure sabik din ang mga fans sa pagbabalik nina Jeron Teng (DLSU), Raymar Jose (FEU), Jett Manuel (UP), Louie Vigil (UST), Thirdy Ravena (ADMU), Papi Sarr (AdU), Alfred Aroga (NU), at Bonbon Batiller (UE)

improvedplayers 

6.New MVP. Sino nga ba sa mga college ballers ang magsstand out sa lahat sa katapusan ng season 79? Sa dame ng mga experienced players na magbabalik, mahigpit ang magiging kompetisyon. Sa mga huling season, usually hindi galing sa champion team ang pinaparangalang MVP. Maiba kaya to this year o di kaya naman patuloy itong magiging trend? Dadalhin ba ng mapipiling MVP ang kanyang team sa championship? Abangan nating lahat!

UAAP2016MVP

7.New Champion! Alam naming maaga pa para masabi or matanong ito pero ilang sports analysts na ang nagsabi na magkakaroon ng bagong UAAP champion this year. DLSU ang isa sa mga nakikita nilang may potential na makakuha ng korona pero hindi ito sapat na dahilan para maliitin ang ibang teams. Palagi namang may mga surprises sa mga nagdaang season at for sure gagawin ng defending champions na FEU Tamaraws ang lahat para protektahan ang kampeonato

lasalle versus FEU

Scroll to top