Q: How this agreement will benefit the public?
Sen. Bam: Ang public natin, accessing government websites, government to government transactions, mas bibilis dapat iyon kasi ngayong kasama na ang PLDT sa PHOpenIX, ibig sabihin niyan iyong data ng gobyerno, from the government side, or even from the public, hindi na kailangang umalis ng bansa, para makaabot sa mga government websites.
We’re hoping that this can help alleviate some of the concerns, iyong kabagalan, iyong latency, pagdating sa pag-access sa government websites. Again, hindi pa ito ang IP peering na ninanais natin but we’re one step closer now that a big player like PLDT is now part of the PHopenIX.
Q: For example, I’m a Filipino consumer, bibisitahin ko ang DOST website, mas mabilis na siya ngayon kumpara dati?
Sen. Bam: Dapat, once it is implemented. Noon, lalabas ka pa ng bansa. Your data goes out of the country, of course may security concerns din iyon, bago siya bumalik at makapasok sa government websites natin. Even government to government, previously, kailangan pa ring lumabas ng bansa.
This will help in terms of security, and should help in terms of quality of the service. We’re hoping this can be a good first step, simulan natin sa government websites but the goal really is lahat ng mga websites sa Pilipinas, nag-uusap-usap, nagkakaroon ng interconnectivity.
Wala pa tayo roon but the representatives of PLDT said they’ll need a few more weeks. Hopefully, within a month’s time, maayos na ang IP peering issues natin.
Q: Can you elaborate on security, di ba may mga incident ng hacking sa website? How would this prevent ang mga ganoong occurrence?
Sen. Bam: I think the first step is have the government websites host it sa PHopenIX kasi I think previous to a few years ago, kanya-kanyahan iyang web hosting.
So it’s important to have it web hosted by DOST and at the same time, iyong security measures nila, maaaring magamit ng government agencies na iyon.
Having if here plus connected na rin, hopefully gaganda na rin ang service ng public towards government website.
Q: May comment po ba kayo sa pagpasok ng Telstra sa market?
Sen. Bam: Hopefully it will help our market. Mas gaganda ang services natin, magkakaroon ng kumpetisyon, that’s important para sa kahit anong merkado.
We passed the Philippine Competition Act this year that really serves to increase competition in all of our industries. Pag mas maraming players kasi, mas maganda ang serbisyo at mas mababa ang presyo, that’s basic economics.
So with a third player coming in next year, hopefully naghahanda na rin ang current players ngayon. Kapag mas dumami ang players natin, hopefully it will provide better quality and lower cost to our consumers.
Q: Ang DICT, if posible po bang maisakatuparan ngayon?
Sen. Bam: I’m one of the ones supporting the DICT. Iyong IT sa ating bansa, nagdadala ng trabaho, nagdadala ng connectiveness sa ating mga kamag-anak, nagdadala ng tulong sa maliliit na negosyo.
Having that backbone and that infrastructure is important to our competitiveness kaya panahon nang may sariling ahensiya na nakatutok dito.
Ang focus niya, paano pababain ang presyo ng Internet, paano mas magiging connected ang mga kababayan natin.
Most of our connectedness is in the urban areas, pagdating mo sa rural areas, mahina ang signal, mabagal ang Internet kaya mahalagang magkaroon ng agency na focused talaga dito.
Recent Comments