On WASAK Hotline
Actually, ang pag-launch natin ng WASAK campaign, binuo natin ito para makatulong talaga sa ating malilit na negosyante. Usually kasi, iyong mga civil servant, other government officials o kaya si city hall mismo ang mga may members na humihingi ng kotong o under the table, usually ang komento nila walang matakbuhan.
Ni-launch po namin ito para ngayon kung mayroon man kumukotong, under the table o red tape, puwede na pong puntahan o itext ang ating WASAK number 0908-881-6565.
Ito po ay upang may matakbuhan ang ating entrepreneurs kapag sila’y hina-harass o hinihingan ng under the table para maramdaman nila na mayroong tutulong sa kanila.
We have all the different agencies here, ranging from the CSC to the DOJ, DTI and DILG kasi bawat hakbang po niyan, iba iba po ang posibleng penalty. It could be administrative, meaning Civil Service Commission.
It could actually be a criminal case kaya kasama po natin ang DOJ dito.
We’re hoping na isa itong paraan para maramdaman ng ating mamamayan na mayroon silang kasangga, katulong laban sa korupsiyon sa ating bayan.
On President Aquino’s DAP speech
Para sa akin, nilinaw ng Presidente ang mga dahilan niya kaya niya itinaguyod ang DAP. Sabi nga niya na hindi lang ito legal, and of course he cited the Administrative Code of 1987, pero nasabi niya na sa kanyang posisyon, kaya ba niyang hintayin pa ang isang taon bago makatulong sa ating taumbayan. That was, of course the main reason for running the program.
And I’m hoping na ang Supreme Court ay makinig din sa kanyang request, sa kanyang mga dahilan, at ang taumbayan din natin, sikapin din na intindihin din kung ano ba talaga ang nasa likod ng programang ito.
Nasabi niya kahapon na ang nadatnan niyang budget noong 2010 halos ubos na.
Noong 2011, maraming mga ahensiya ang talagang may leakage o may corruption issues. They needed to do some changes in the budget to be able to fulfill the needs of the people.
Palagay ko, ang nasabi niyang iyon ay mula sa kanyang puso, and I’m hoping na ang taumbayan natin at iyong Supreme Court ay makinig sa kanyang speech kahapon at sa kanyang motion for reconsideration.
On Possible Constitutional Crisis
I don’t think so. Huwag nating kalimutan na wala na ring DAP. It’s already done.
Ang constitutional crisis is an ongoing act. Patuloy iyang ginagawa habang ang isang branch of government naman ay sinasabi na itigil na ito.
But in fairness, natigil na ito dahil na-correct na ang kailangang gawin sa budget. By 2013, it was already done.
I think a constitutional crisis will only continue if patuloy na ginagawa ang isang bagay habang pinapatigil naman ng ahensiya ng gobyerno iyon. At this point, wala nang DAP.
Palagay ko hindi constitutional crisis ang posibleng mangyari. Siguro di pagkakaunawaan o di tanggapin ang posibleng sabihin ng Supreme Court.
But at this point, I think everyone is looking at the motion for reconsideration. Siguro kailangan din nating Hintayin ang isasagot ng Supreme Court sa MR na ihahain ng gobyerno.
Hypothetically, in case ma-deny ang MR, should the administration just accept it? Kasi medyo combative ang tono ng Presidente?
ANSWER: Nandoon ako. On the contrary, para sa akin hindi combative. Nagtataka nga ako kung bakit lahat ng diyaryo sinasabi combative.
I actually felt it was very sober. He was in good spirits.
Iyon iyong dating sa akin, hindi siya combative. Nagtataka nga ako, challenges, fights, goes to war, I think all of these really are exaggerations.
Palagay ko ang nangyari kahapon, inexplain niya ang side niya. Hopefully, ang taumbayan ay nakinig dito, pati na rin ang Supreme Court.
Hintayin natin kung ano ang sasabihin ng Supreme Court. I’m still hoping na there are some things na hindi nila nakita. In fact, the President cited several provisions na hindi na-cite ng Supreme Court.
Hopefully, they’ll be able to look at those provisions and see things in a different light.
QUESTION: Itinigil na naman ang DAP, why the need to challenge the Supreme Court?
ANSWER: Alam ninyo, pag gumagawa ka kasi ng tama tapos sinasabihan ka na mali ang ginagawa mo, mahirap talagang tanggapin iyon.
Honestly, I really believe kung saan nanggagaling si Presidente even si Secretary Abad – there is a definite need na ayusin ang budget process, itigil ang corrupt practices, gamitin ang budget nang mas maayos, palagay ko ang kanilang pagnanais na gawin iyan para sa taumbayan, mahirap tanggapin na sabihin na mali iyon.
Even the President used the metaphor na mahirap na kinakasuhan ka na hindi mo naman alam na bawal pala iyon. He did cite legal provisions to back up what they did sa DAP.
Palagay ko sa isang tao na nagsisikap gumawa ng tama, pag sinasabihan na mali ang ginagawa mo kahit maganda naman ang nangyayari, mahirap talagang tanggapin iyon. I think that’s the reason na itutuloy nila ang MR and hope for the best.
QUESTION: Do you think the speech last night would improve his ratings?
ANSWER: For a few weeks, I think, Malacanang just allowed all detractors to really just speak and this the first time that he speak after the ruling came out.
I’m hoping na ang taumbayan natin, pakinggan ang kanyang explanation at maghusga for themselves kung ang reason ng Presidente ay katanggap-tanggap sa kanila.
Si PNoy, sa pagkakaalam ko sa kanya, whatever public perception is, gagawin niya ang tama. That’s the type of president we have.
So, maybe public perception probably ay secondary sa kanya.
Ang pinaka-primary talaga, ginagawa niya ang tingin niyang kailangan ng taumbayan.
Recent Comments