On field trip tragedy
Sen. Bam: Sumusuporta kami sa CHED at sa LTFRB sa kanilang imbestigasyon sa nangyaring trahedya.
Alam ho natin napakahirap nito sa pamilya ng mga nasalanta. Our hearts go out to the families, especially the parents of the youth who were killed in this accident.
Mahalagang maimbestigahan natin at malaman natin ang mga repormang gawin sa guidelines. Malaman din natin kung mandatory ba ito o voluntary nga ba talaga.
We will support the investigation of CHED and LTFRB and we will be filing a resolution to look into the matter sa ating Committee on Education.
Probably by next week or next, next week, gusto nating alamin, unang-una, kung ano talaga ang nagyari at kung anong reporma ang dapat gawin upang maging safe ang out-of-school activities sa ating kabataan.
Nagsabi na rin po ang CHED na ang mga waiver na iyan ay balewala. Gusto nating malaman kung ano talaga ang bisa ng waiver. But even with waivers, hindi ibig sabihin niyan, hindi mo na gagawing pangunahin iyong safety ng mga bata.
Gusto nating malaman ang patakaran diyan and also sa pagkakaroon ng field trips. We agree in general na mahalaga ang ganitong klaseng activities but it must be done in a safe environment na alam natin na ligtas ang mga kabataan natin.
Hindi naman kami naghahanap kaagad-agad ng blame dito sa bagay na ito. Ang mas gusto nating tutukan ang reporma sa ating guidelines upang mas masiguro natin na hindi na maulit ang ganitong trahedya.
Alam niyo, naibalita po iyan na may threat na ibabagsak. Definitely, tutol po tayo diyan. Kahit anumang dagdag gastos na mga activities, dapat po talaga optional at hindi siya part ng iyong grado.
Gusto po nating makita iyan at maimbestigahan. Again, the committee will support CHED and LTFRB in its investigation.
Hopefully makahanap tayo ng mas magandang guideline for the future habang alam ho natin, nakapasakit nito sa pamilya ng nasalanta, we also want to make sure the rest of the public na hindi ito mauulit.
On SPO3 Arthur Lascañas
Q: Narinig niyo ba iyong presscon tungkol kay Lascanas?
Sen. Bam: Well, a number of us have already said that we will support the Committee on Public Order. Susuportahan po natin si Senator Lacson sa kanyang pagdinig doon sa isyu na ito. And as I said in my statement previously, kailangan ipakita sa Senado na impartial kami at independent. Kailangan pong ipakita na transparent ang proseso at payagan ho natin na mangyari iyong hearing and then from there we can see kung totoo nga ba iyong sinasabi ni SPO3 Lascañas.
Q: May nagsasabi na dapat siyang ma-charge ng perjury.
Sen. Bam: Palagay ko. Yes. Alam mo kung under oath ka, at nagsabi ka ng isang bagay tapos binaliktad mo, you are liable for perjury.
So yes, under oath, sasabihin niya na nagsinungaling siya then, yes, he is liable for perjury.
But sa palagay ko ngayon, that’s the least of his concerns. Kasi umaamin siya sa murder. Umaamin siya sa mas mabibigat na mga bagay. Hindi lang sa perjury. Kumbaga, kung umaamin ka na sa pagpatay ng napakaraming tao, iyong pag-amin mo sa perjury, palagay ko, maliit na bagay na lang.
Q: Iyong pag-amin niya Sir, so how about iyong credibility niya?
Sen. Bam: Iyon iyong kailangan nating malaman. Tayo naman dito, sanay sa imbestigasyon. We can tell kung ang isang tao ay credible o hindi. We’ve had hearings on the BI, the Bureau of Immigration cases. We’ve had hearings on the Jee Ick Joo cases. Sa bawat hearing may mga nagsasalita and it’s up to the senators, the media and the public to determine kung totoo nga iyong sinasabi ng tao o hindi. Many times, kino-call-out namin kapag nagsisinungaling. But there are a few times kapag palagay na namin, nagsasabi ng totoo, kino-call-out din namin na mukhang totoo.
On Andanar’s allegations of paid media
Sen. Bam: Well, alam mo, let’s begin with the USD 1,000. Kayo kaharap ko kayo mga Senate media, ni isa sa inyo may nagsabi na may nag-offer ng USD 1,000.
Wala naman, di ba? Wala.
So palagay ko mahalaga na i-check ni Sec. Andanar ang kanyang sources kasi baka nalilinlang din siya. Baka iyong kanyang source mismo, misinformation ang pinanggagalingan kaya tuloy nagsasabi siya ng mga bagay-bagay na hindi naman totoo.
Oo, sinabi nga niya na walang tumanggap pero kahit iyong offer man lang. Ni isa sa mga tao dito nagsabi na totoo iyon. At mahalaga na i-call-out natin iyan kasi hindi naman rin tama na kung anu-ano lang iyong sasabihin.
Sasabihin may intelligence report o may source pero wala namang nag-ve-verify. Wala namang sumasang-ayon sa report na iyon.
So, palagay ko po iyong source mismo ang nagsabi na may offer. Wala namang nangyari talaga. Baka iyong source na iyon ang nagsabi na may destabilization plot sa Sabado na palagay ko, hindi rin iyon totoo.
On Andanar’s refusal to apologize to Senate media
Q: Iyong refusal, Sir, to apologize…
Sen. Bam: Well, alam mo, iyong… kami naman dito whether elected or appointed officials, sometimes nagkakamali talaga. At kapag nagkakamali ka, dapat aminin mo rin na nagkamali ka. Mag-apologize ka.
Iyong pagsabi kasi na may nag-offer ng USD 1,000 sa media dito sa Senate, it casts a doubt on the integrity of the whole PRIB, lahat kayo dito.
At alam kong masakit iyon. Nag-statement na kayo. Nagsabi na rin kayo wala naman talaga nag-offer.
Palagay ko, what Sec. Andanar can do is to check his sources. I-double-check niya instead of casting doubt on the media and the opposition, check his sources.
And kung malaman niya na talagang wala namang ganoong offer, talagang huwag na siyang maniwala sa source niya. And mag-apologize siya sa senate media.
Q: I-reveal na lang niya iyong source niya?
Sen. Bam: Well, iyan ang panawagan ng ilan sa inyo dito na i-reveal na lang niya iyong source para malaman natin kung pinupulitika ba iyong mga gawain dito sa Senado o hindi.
On Sen. De Lima’s call for Cabinet to declare Duterte unfit
Q: Do you agree for them to go as far as that?
Sen. Bam: Well, that’s really up to them. Sa kanila iyan. I doubt that will happen because the Cabinet is the family of the President, kung tutuusin pero more than the officials, mas mahalaga kaysa sa amin na mga opisyales ang taumbayan dapat iyong magsalita doon.
Nakakatakot talaga considering na anraming patayan na nangyayari sa ating bansa. Maraming intimidation at harassment na nangyayari online and offline. Pero ang mahalaga espsecially now na inaalala natin ang panahon na tumayo at tumindig ang taumbayan na huwag nating kalimutan, that’s part of the Filipino fabric. Iyong magsabi, magsalita, tumindig kapag may mga bagay-bagay na sa tingin natin mali naman.
On February 25 “ouster” plot
Sen. Bam: Well, alam mo, iyan naman iyong dati nang linya ng ating administrasyon kapag tumututol ka kahit sa iilang mga polisiya. Pinapalabas na plotter ka. In fact, maraming beses, napagbintangan na rin ang aming partido niyan.
But kailangan siguro nilang ihiwalay. Ano iyong destabilization plot, ano iyong part of the democratic process.
Palagay ko kasi, baka hindi sanay na may tumututol sa mga polisiya na hinahain nila sa taumbayan.
We have a lot of policies na mabibigat na dinidiscuss ngayon. Iyong death penalty, iyong lowering the age of criminal liability, iyong ating constitutional changes.. At palagay ko, iyong ating Senate needs to fulfil its role in history na maging lugar kung saan may debate, may talakayan, may pakikipag-usap sa mga tao na iba ang pananaw.
And again, hindi dahil tumututol ka sa mga polisiya, agad-agad ay nanggugulo ka.
This is part of our democratic process. Kailangan pangalagaan natin iyong espasyo na lahat sa atin dito kayang magsabi ng gusto nating sabihin, na hindi tayo na-ha-harass at hindi tayo nababansagan na coup plotter tayo.
Recent Comments